Sanya Lopez, pigil magbigay ng acting advise kay Rabiya Mateo; “Naku, kaya na ni Rabiya yan. Kinaya nga niya ang Miss Universe...”

Overwhelmed ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa papuri sa kanya ng leading man at bida ng GMA-7’s Agimat ng Agila 2 na si Senator Bong Revilla. Ipinagmamalaki kasi ng senator-actor na ang leading lady niya noong Season 1 ng Agimat ng Agila ay isa na umanong superstar ngayon.

Photos: Instagram

Overwhelmed ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa papuri sa kanya ng leading man at bida ng GMA-7’s Agimat ng Agila 2 na si Senator Bong Revilla. Ipinagmamalaki kasi ng senator-actor na ang leading lady niya noong Season 1 ng Agimat ng Agila ay isa na umanong superstar ngayon.

Halatang na-overwhelm ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa papuri sa kanya ng leading man at bida ng GMA-7’s Agimat ng Agila 2 na si Senator Bong Revilla.

Ipinagmamalaki kasi ng senator-actor na ang leading lady niya noong Season 1 ng Agimat ng Agila ay isa na umanong superstar ngayon. 

“Alam mo, sobrang nakakatuwa na galing pa talaga kay Senator Bong ’yung mga gano’n,” masayang sabi ni Sanya sa naging online mediacon ng show.

“Actually, hanggang ngayon hindi ko talaga ma...or ako lang ito. Hindi ko pa rin po napi-feel, pero maraming-maraming salamat Sen talaga.” 

Ipinagpapasalamat din ni Sanya na bahagi pa rin siya ng Agimat 2 kahit pa may Rabiya Mateo na ring ipinasok sa cast.

“Hanggang ngayon, Agimat Season 2 at kung meron mang Agimat Season 3, sana,” natawang sabi ni Sanya.  “Malay n’yo, sa Agimat Season 2, e, meron pa lang pa-surprise sa character ni Maya.  

“Kaya naman abangan nila dahil talagang kapana-panabik. Talagang totoo ang sinabi ni Direk Rico [Gutierrez] at Senator Bong, napakaganda ng Season 2. Kahit ako, gusto kong sumabak do’n sa action [scenes]. 

Kaya parang may slight inggit ito kay rabiya dahil ang naging pasok na leading lady ay napasabak sa aksyon. 

“Kasi, ’yun talaga ang isa sa mga gusto ko, sayang nga na hindi ko nagawa ’yun dito,” aniya. “Pero pag nabigyan ng pagkakataon, malay n’yo, ’di ba?

“I’m very excited, napakaganda po ng Agimat ng Agila Season 2 kaya sana ay subaybayan po ninyo.” 

At dahil nga may bagong pasok na Rabiya sa cast, hindi naiwasang maikumpara sila ng bagong leading lady na matagal nang sinasabing parang long lost twin sister niya dahil magkahawig sila. 

But imbes na ma-threaten, na-excite daw siya nang husto nang malaman niyang pagsasamahin sila sa show. 

“Noong una kong malaman na makakasama siya rito sa Agimat ng Agila, nag-e-expect ako na baka may twist. So, hindi rin natin alam. Kasi, madalas nga na napagsasabihan kaming dalawa na, ‘Uy, kamukha mo si Rabiya. Rabiya, kamukha mo si Sanya.’ So, marami rin nagta-tag sa amin, nakakatuwa naman.” 

Dugtong pa ni Sanya, “I’m looking forward na magka-trabaho kami. As in, magka-eksena na kami.”

Ano raw kayang advice ang p’wede niyang maibahagi sa newbie niyang co-star?

“Parang nahihiya pa akong magbigay ng advice,” natatawang say ni Sanya. “Not unless humingi siya sa akin.”

“Magaling si Rabiya, e, nakita ko ang teaser,” papuri niya sa beauty queen. “Hindi kami masyadong nakapag-usap about sa mga nangyari sa kanya no’ng taping. Pero ang narinig ko lang sa kanya, masaya siya habang ginagawa itong Agimat ng Agila and nakakatuwa.” 

Natawa naman si Sanya nang tanungin ito kung hindi raw ba siya nagbigay ng tips kay Rabiya kapag ka-eksena si Senator Bong lalo na kapag may kissing scene sila. 

“Naku, kaya na ni Rabiya ’yan. Haha! Kinaya niya ang Miss Universe, I’m sure na mako-conquer niya rin ’yan. Malakas ang tiwala ko kay Rabiya. 

“And feeling ko, ’yun nga, once na humingi ng tulong, do’n lang ako makakapagbigay ng advice sa kanya.”

Addressing Rabiya, she adds: “And nandito lang naman ako Rabiya if you need me. And si Senator  Bong, pag dating sa ganyang mga eksena, siya pa ang magsasabi na parang, ‘Kailangan pa ba nating gawin ’to?’ Kaya naman si Senator Bong, aalagaan ka niya.” 

Magsisimula nang mapanood ang Agimat ng Agila 2 ngayong Sabado, January 29, 7:15 p.m. sa GMA-7.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.