Thankful si Sanya Lopez sa close friend n’yang si Kakai Bautista pagtatanggol nito sa kanya sa tuwing makakatanggap s’ya nang masasakit na salita galing sa mga bashers.
Pero maski daw inaawat niya ang kanyang “T’yang” Kakai, iba naman daw kasi ang pananaw ng tinaguriang “Dental Diva” dahil gusto umanong ipa-realize nito sa mga bashers ang limitasyon nila.
“Sabi n’ya, ‘Hindi. Kasi dapat malaman rin nila kung ano ’yong posisyon nila, kung ano ’yong dapat sa kanila, kung ano ’yong dapat nilang marinig din,’” pagre-recall ng First Yaya lead star na kapipirma lang muli ng kontrata sa GMA Artist Center.
“Ako kasi ’yong tipo na hindi talaga pala-imik, e,” pagpapatuloy n’ya. “Kumbaga, kung magsabi man [ang basher ng hindi maganda] okey lang. Kung may magandang sabihin, ‘Thank you po.’ Pero kung may hindi magagandang sabihin, hayaan mo na sila. Lagi akong ganu’n, e.
“E, si Ate Kakai talaga palaban yan,” natatawang sabi ni Sanya. “‘Basta hindi ako papayag pagdating sa mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay at pamilya ko.’ Hindi talaga n’ya pinapatawad [ang mga bashers].”
Pag-amin pa n’ya, nagwo-worry din s’ya para sa kanyang First Yaya co-star dahil ito tuloy ang binabalingan ng mga bashers n’ya.
“Sabi ko, ‘T’yang, thank you naman sa pagtatanggol mo sa akin pero, alam mo ’yon, baka ikaw pa ’yong magmukhang mali dito kasi sumagot ka. Alam mo naman mahirap magsalita,’” aniya.
“Sabi n’ya, ‘Hindi. Wala na akong paki-alam. Basta ang importante malaman nila kung ano ang tama. Dapat alam nila kung ano ’yong tama,’” pagtatapos ni Sanya.
Matatandaan na kamakailan ay isang basher ang nagsabing OA o overacting daw si Sanya sa isang video na ipinost ni Kakai sa Instagram.
Diretsahang tumugon dito ang comedienne-singer at sinabing, “[M]ami di po pwede nega dito. Kung ayaw nyo kay sanya, idulog nyo po yan barangay.
“Tsaka NAKAKAPANGIT PO at NAKAKAPAGPABILIS PO NG BUHAY ang nega sa social media at Nega sa totoong buhay mami. Gusto nyo na po bang mauna?” patawang dugtong pa ni Kakai.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sanya Lopez, sasali daw sana sa beauty pageant kung hindi lang busy
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber