Sarah Geronimo, both intimidated and inspired tuwing katrabaho ang G-Force

PHOTOS: @sarah_geronimo_manalac & @gforce_official on Instagram

PHOTOS: @sarah_geronimo_manalac & @gforce_official on Instagram

Pinuri ng singer-actress na si Sarah Geronimo ang mga miyembro ng sikat na dance group na G-Force na makakasama n’ya sa kanyang nalalapit na Tala The Film Concert

Sa online show ng Viva TV na Anong Ganap? hosted by Phoemela Baranda na in-upload sa YouTube ngayong araw, March 17, nahingan ng reaction si Sarah G about G-Force members ngayong puspusan na ang paghahanda nila sa upcoming digital concert.

“Working with G-Force, talagang it has always been intimidating kasi napakagagaling nila,” pahayag ng Asia’s Popstar Royalty. “They’re also very inspiring, especially Teacher Georcelle [Dapat-Sy].

(Si Teacher Georcelle ang creative director ng Tala The Film Concert with Paul Basinillio as director and Louie Ocampo as musical director.)

“Actually, bawat member ng G-Force, they always encourage me at tsaka push me to be better every time,” dagdag pa ni Sarah. 

Ipinasilip din n’ya ang kanilang dance rehearsals na kung saan required daw silang magkaroon ng tinatawag na “conditioning.”

“Of course, lagi kaming may conditioning bago kami mag-start,” paliwanag pa ng 32-year-old Viva artist. “Nand’yan ‘yong stretching. Tapos merong workout nang konti para hindi mabigla ‘yong katawan.

Dugtong pa ni Sarah, kailangan daw talaga ‘yon para maihanda ang katawan nila lalo pa’t magiging pasabog sa music and dance moves ang inaabangan n’yang digital concert.

“Ito kasing mga ganitong klaseng proseso, no, part kasi s’ya ng process ng isang concert,” aniya. “So, kung wala ito, parang baldado ka, parang pilay, para kang walang weapon, kumbaga, kung pumunta ka ng giyera.

Ang speaking of pasabog, naik’wento ni Sarah sa exclusive interview ng pikapika.ph sa kanya na may stunt s’ya sa concert na dapat daw abangan ng viewers. Sure na sure daw na maiibigan ‘yon ng kanyang mga fans. 

’Yong stunt na ’yon ay ginawa ko for the song ‘Ikot-ikot,’ so literally, may pag-ikot-ikot po akong ginawa dito,” patikim ng multi-awarded singer. “Abangan po ninyo kung paano namin s’ya ginawa. Nakaka-amaze...nakaka-amaze. Hahaha! Ako, na-amaze ako, e.

Tutok din daw sa kanya si Teacher Georcelle and the team para ma-perfect nila ang tinawag n’yang “buwis-buhay” na stunt.

Ga’no siya kahirap? Parang medyo buwis-buhay po siya,” natatawang sey ni Sarah. “Pero kinaya naman po dahil guided po ako ni Teacher Georcelle at mga tao sa set. So, kinaya naman.

Sa tulong din daw ng G-Force ay mas minamahal daw ng misis ni Matteo Guidicelli ang kanyang trabaho sa showbiz. 

“Every time na natatapos ako ng rehearsal, I feel bago ‘yong ano… Parang nare-refresh ako. Tsaka nagiging passionate ako about my craft,” pagtatapos ni Sarah sa kanyang Anong Ganap? interview.

Mapapanood ang Tala The Film Concert — with tickets priced at P1,500 for regular and P3,000 for VVIP — worldwide on March 27 via the streaming platform, ktx.ph.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Kay Sarah Geronimo na mismong nanggaling: “medyo buwis-buhay po” ang pa-stunt niya sa Tala The Film Concert

SNEAK PEEK at some of Sarah Geronimo’s looks for the Tala The Film Concert

Sarah Geronimo, aminadong nag-worry ding mawalan ng work dahil sa pandemic; kaya feeling blessed na may Tala The Film Concert

Sarah Geronimo, first time mag-stunt “na may danger” sa Tala the Film Concert niya according kay Direk Paul Basinillo

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.