Sarah Geronimo’s Rio meets Korina Sanchez

To know more about Sarah’s rescue effort at para mas ma-educate on responsible animal care, panoorin si Sarah G sa Rated K bukas, Linggo (October 20), 6PM sa  ABS-CBN.

PHOTOS: Anna Pingol

To know more about Sarah’s rescue effort at para mas ma-educate on responsible animal care, panoorin si Sarah G sa Rated K bukas, Linggo (October 20), 6PM sa ABS-CBN.

Mukhang actions speak louder than words dahil bagamat itinatanggi si Superstar Sarah Geronimo na si Rio ang paborito niya among her many pet doggies, ito ang most photographed doggie niya at kilalang-kilala ng mga Popsters dahil parati niya itong bitbit sa mga lakad niya—pictorials, TV guestings, interviews—lalo pag alam niyang maraming down or waiting time.

Kagaya na lang last October 16, ang takdang araw na sasama siya sa team ng Rated K para mag-rescue ng isang AsPin (asong Pinoy) na pagala-gala sa busy street ng Quezon City, bitbit ni Popstar si Rio sa meeting at interview place nila ni Rated K host Korina Sanchez na gaya ni Sarah ay isa ring certified dog lover.

Ayon kay Sarah, feeling niya ay gets na gets siya ni Rio.

 

Aliw na aliw din si Korina kay Rio. Pero warn ni TV host kay Rio, hindi lang siya ang swerteng aso dahil swerte rin ang nakatakdang i-rescue ng Mommy Sarah niya that day.

Naging magiliw agad ang celebrity doggie na si Rio kay Korina nang ipakilala ito ni Sarah sa TV host. Paniguradong naamoy nito kay Korina ang bitbit na invisible doggie scents ng mga dog lovers kaya feeling safe and comfy agad si Rio kay Korina. Agad na tanong ni Korina kay Sarah: “Siya ba ng paborito mo kaya siya ang sinasama mo?”

“Ay, hindi naman po. Lahat naman po sila, paborito ko,” mahinhin na say ni Sarah.

Pero kalaunan sa interview, inamin ni Sarah na may tatlo—among their 50-plus doggies—ang may privilege na tumabi sa kanyang matulog at isa nga si Rio doon.

So, Rio, by the way, ay isang Coton de Tulear breed na ayon sa dogtime.com ay nag-originate sa Madagascar “and is related to the Bichon Frise and the Maltese breed.”

During unguarded moments, nanggigigil 
si Sarah kay Rio at pinapaliguan ito ng 
halik.

 

Si Daddy Delfin niya ang itinuturo ni Sarah na biggest influence niya sa pagka-hilig sa aso. Bata pa raw sila ay ma-aso na sila sa bahay. In fact, kwento ni Sarah, bago pa sila dumating na magkakapatid sa buhay ng mommy at daddy nila ay doggie muna ang itinuring na anak daw nina daddy Felfin at Mommy Divine. Kaya naging inherent na talaga ang pagka-hilig at pagmamahal niya sa doggies.

Pero hindi lang naman mga imported breeds ang meron sila Sarah. Meron din daw silang mga alagang AsPin at ang latest addition pa nga sa mga ito ay ang adopted niyang female dog na galing sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society) na nataon namang Sarah din ang pangalan. “Destiny po talaga,” natatawang k’wento ni Popstar kay Korina.

 

During breaks in the interview, pinapakuha ulit ni Sarah si Rio.

 

At dahil naranasan na niyang mag-doggie adoption, lumevel up na si Sarah at nag-attempt naman siya this time na sumama sa isang animal rescue team para alamin ang mga basics ng pagdo-dog rescue. That way, goal niya na maka-inspire ng mga kapwa-Pinoy na maging mapagmalasakit sa mga hayop. Kung hindi man daw makapag-adopt or makapa-rescue ang ilan, pinapakiusapan niya at ni Korina na wag nalang sanang saktan o abusuhin ang mga hayop, lalo na ang mga aso.

To know more about Sarah’s rescue effort at para mas ma-educate on responsible animal care, panoorin si Sarah G sa Rated K bukas, (Linggo) October 20, 6PM sa ABS-CBN.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Sino ang sasabihan ni Sarah Geronimo ng “Iba kang magmahal...”?

Sarah’s Top 3 Unforgettable Moments

Directors Jun Lana and Perci Intalan talk about Sarah Geronimo’s journey as the childlike Jasmine in “Unforgettable”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.