Espesyal daw ang nagdaang buwan ng Marso para kay Sarah Lahbati. Ito ang isa sa nai-tsika niya sa Zoom conference niya kamakailan para sa kanyang contract renewal signing with the Viva Artist Agency.
“People have February for Valentine’s Day and love, I have my March... I have the month of March. I know it was the beginning of the pandemic, but for us—Richard and I—it’s the beginning of a new chapter, our civil wedding, March 14.”
Thus, last March 14, nagdiwang na sila ni Richard Gutierrez ng kanilang first anniversary as a wedded couple.
Bukod pa doon, sa March din daw nakapaloob ang birthdays ng dalawang espesyal na tao sa buhay niya—March 16 ang birthday ng kanyang Swiss dad, habang March 21 naman and birthday ng bunso nila ni Chard na si Kai who just turned three.
Matatandaang na-cancel ang grand wedding supposedly nina Sarah at Richard noong March 14, 2020 na gaganapin sana sa Shangri-La at the Fort sa Taguig City. Inaasahan at that time na magiging magarbo ito at nakatakda nang tanghaling wedding of the year. May bali-balita pang special guest sana si Pangulong Duterte.
Pero dahil dumarami na ang kaso ng Covid-19 ng Pilipinas noon, lalo na sa Kamaynilaan, kaya’t nag-decide ang ngayo’y mag-asawa na, na gawin na lamang intimate ang ceremony at kanselin ang lahat ng imbitado, maging mga suppliers. It was a painful decision to make dahil halos isang taon nilang pinag-planuhan ang kasalan. Pero mas inisip nila ang safety ng nakararami.
Gayunpaman, naging larawan pa rin ng kaligayahan sina Richard at Sarah during their intimate civil wedding ceremony na ginanap pa rin sa nasabing five-star hotel.
“I think we decided on the civil wedding a day before and then medyo mabilis ’yong mga pangyayari,” pagbabalik-tanaw ni Sarah. “We decided to do the civil wedding kasi we decided... you know, with everything going on, [we asked ourselves], ‘Ano talaga ’yong real reason kung bakit tayo magpapakasal? Which is our love for each other, our commitment for each other. We’re not doing it for the amount of people that are going there, we’re doing it for you and for me.’
“And so, ayon we decided to... last-minute plan everything and change of plan talaga, kumbaga. And with all the uncertainties that were happening, parang we were just focused on making the civil wedding happen.”
At dahil napag-usapan na rin lang, nasundot ng tanong si Sarah kung plano pa rin ba nilang ituloy ang big wedding in the future?
“Sayang ’yong wedding dresses ko. Hahaha!,” natatawang pag-amin ni Sarah.
But more than that, mahalaga raw kasi para sa kanila na magpalitan ng I dos sa harap ng mga kamag-anak at kaibigan na naging bahagi ng buhay nila separately and as a couple.
“Meron pa rin. Kasi we want us to celebrate with our families, our extended families, our friends... hindi namin ’yon nagawa so hopefully one day pag nawala itong pandemic magawa namin ’yon. So yes, we still want to have a big celebration.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Sarah Lahbati, action ang gustong maging come-back movie
Arci Muñoz and JM de Guzman are just friends as relationship announcement turned out to be a prank
Deeper love ni Matteo Guidicelli sa mga pets na aso, impluwensiya daw ng misis na si Sarah Geronimo
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber