Sean de Guzman, feeling awkward pag sinasabihang siya ang papalit kay Jay Manalo

Si Jay Manalo na mismo ang nagsabi na ipinapasa na n’ya kay Sean De Guzman ang kanyang trono sa pagpapa-sexy sa pelikula sa naging virtual media conference ng Mahjong Nights. Nililimitahan na daw kasi ng aktor ang paghuhubad sa movies dahil nagkaka-edad na daw s’ya.

PHOTOS: Viva

Si Jay Manalo na mismo ang nagsabi na ipinapasa na n’ya kay Sean De Guzman ang kanyang trono sa pagpapa-sexy sa pelikula sa naging virtual media conference ng Mahjong Nights. Nililimitahan na daw kasi ng aktor ang paghuhubad sa movies dahil nagkaka-edad na daw s’ya.

Hindi daw maiwasan ng showbiz newbie na si Sean de Guzman na makaramdam ng awkwardness sa seasoned actor na si Jay Manalo.

Unang nagkasama ni Sean si Jay sa launching movie n’ya na Anak ng Macho Dancer at muli silang nagkatrabaho sa bagong pelikula na Mahjong Nights na launching movie naman ng new Viva actress na si Angeli Khang

K’wento ni Sean nang mag-guest s’ya virtually kagabi, November 11, sa online and radio show na All Out hosted by DJ Rico Robles ng Monster Radio RX93.1, may awkwardness sa kanila ni Jay dahil nagkaroon sila ng intimate scenes sa nauna nilang pelikula.

Hindi first time namin magkatrabaho ni Sir Jay dito sa Mahjong Nights. First film na nakatrabaho ko s’ya ay Anak ng Macho Dancer. Ayon ’yong launching film ko before. Tapos ang role n’ya du’n is gay tapos magka-partner kami,” paglalahad ni Sean sa show. 

Tapos parang sinasabi ng mga tao na next daw ako na papalit sa trono ni Sir Jay. Tapos nagkausap kami ni Sir Jay kanina lang. Sabi n’ya, ‘Alam mo Sean, ang awkward kasi sinasabi na papalit ka sa ’kin pero naging mag-partner nga tayo sa [isang scene].’ Intimate din ’yon, sobra. Kaya ang awkward sa aming dalawa,” natatawang sabi pa n’ya.

Though matatandaang si Jay na mismo ang nagsabi na ipinapasa na n’ya kay Sean ang kanyang trono sa pagpapa-sexy sa pelikula sa naging virtual media conference ng Mahjong Nights. Nililimitahan na daw kasi ng aktor ang paghuhubad sa movies dahil nagkaka-edad na daw s’ya.

Ibinida naman ni Sean sa show ang pagiging kwela ni Jay sa set habang ginagawa nila ang pelikula. 

Si Sir Jay Manalo sobrang solid n’yang taong ’yan. Akala nila napaka-scary dude n’ya in person. Pero sobrang kalog. Sa set hindi ka mauubusan ng tawa sa kanya. As in, lahat ng jokes n’ya benta talaga,” saad n’ya.

At kung serious time naman, nagbibigay daw ito ng advice sa mga gaya n’yang newbie kung paano makikilala at tatagal sa showbiz. 

Siguro sa dinarami ng tinip n’ya sa akin na siguro ang naaalala ko na advice n’ya sa akin… Siguro ang dami kasing nag-aartista… Well, I’m not against them naman… Mga nag-aartistang anak ni ganito, anak ni ganyan,” panimula ni Sean.

Parang sabi n’ya sa akin, ‘Ikaw, advantage mo na ikaw mismo ang tumayo sa sarili mo. So, kailangan mong magpakatatag, kailangan mong magpakagaling, maging natural ka lang sa lahat ng gagawin mo. And ’yong instinct mo paganahin mo pag umaarte ka.’ 

Ayan ’yong number one factor bilang pagiging aktor,” pagtatapos ni Sean .

Available na for streaming ngayong araw, November 12, ang Mahjong Nights sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

And beginning November 19, available na din ang Vivamax sa US at sa Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.