Sean De Guzman, na-totoo nang pananakal kay Jay Manalo sa isang shooting; Jay, nilektyuran si Sean

Hindi daw minasama ni Jay Manalo kung naging totoo man ang pananakal sa kanya ni Sean De Guzman sa isang past movie nila. Mas dadamdamin daw niya kung ka-contemporary niya ang gumawa noon sa kanya. “Masama yan kung yan kasabayan ko yan na artista, baka doon mag-react ako nang hindi maganda. Tama ba ako? Or kung matagal ng artista yan, mas nauna pa sa akin yan, baka doon mag-react ako nang di maganda roon. Pero, ito [Sean], alam kong baguhan. Marami pang pag-aaralan ito. Marami pang pipick-up-in ito.”

Photos: @seandgman_ / @jayman301

Hindi daw minasama ni Jay Manalo kung naging totoo man ang pananakal sa kanya ni Sean De Guzman sa isang past movie nila. Mas dadamdamin daw niya kung ka-contemporary niya ang gumawa noon sa kanya. “Masama yan kung yan kasabayan ko yan na artista, baka doon mag-react ako nang hindi maganda. Tama ba ako? Or kung matagal ng artista yan, mas nauna pa sa akin yan, baka doon mag-react ako nang di maganda roon. Pero, ito [Sean], alam kong baguhan. Marami pang pag-aaralan ito. Marami pang pipick-up-in ito.”

Natatawa nalang sina Jay Manalo at Sean De Guzman pag sinasabihan silang si Sean ang younger version ngayon ni Jay in terms of pagiging daring sa pagpapa-sexy.

Nagkaroon kasi sila ng love scene na dalawa sa launching movie ni Sean na Anak ng Macho Dancer dahil lovers ang naging roles nila. Kaya ang weird nga naman na may pasahan ng tronong magaganap.

Isa pa, unlike Sean na sa pagpapa-sexy nagsimula, action genre naman ang simula ng career ni Jay noon. Nagkataon lang na in-experiment siya ng Viva noon sa mga nausong sexy movies at pumatok naman siya. And for some reason, naka-tatak pa rin sa kanya ang Totoy Mola up to now kahit 24 years ago na ’yon at nagkamit na siya ng iba’t ibang acting recognitions.

But Jay, now 45, doesn’t mind mentoring newbies now. But not necessarily sa pagpapa-sexy but sa acting process in general.

Naalala tuloy niya ang isang incident nila sa Anak ng Macho Dancer, kung saan naging totohanan daw ang pagsakal ni Sean sa kanya. Hindi pa kasi marunong ang actor ng control pag dating sa mga pisikal na eksena.

Kinausap, sinermunan, at pinag-acting 101 daw niya tuloy ito on the spot.

“May eksena na sasakalin niya ako,” pagre-recall ni Jay nang ipa-elaborate namin kung ano ang nangyari. “Totoong kadena ito, ha. Totoong kadena ’yong [gamit]. Hindi naman kadenang malalaki, parang ’ginagawang bracelet o kuwintas o belt. ’Yong parang ganu’n pero totoong bakal siya.

“As in totoong sinakal niya ako. Kinat ni Direk, ni Direk Joel [Lamangan]. Nakita niya kasi na nag-aano na ako. Pero hindi ako gumagalaw. Hinahayaan ko lang siya. Hindi ko na kasi mahawakan ’yong kadena.”

Habang nagse-setup daw for another angle of that same scene. Tinawag niya ito at kinausap nang masinsinan. Pero agad nilinaw ni Jay na hindi niya ito inaway o pinahiya.

“Sabi ko, ‘Sean halika.’ Sabi ko,Alam mo ba ’yong ginawa mo?’ Hindi ko siya inano, sabi ko lang, ‘Alam mo ba ’yong ginawa mo?’ Sabi niya, ‘Yes, Kuya.’

“‘Halika, turuan kita.’ Hinawakan ko ’yong kadena, nilagay ko sa leeg niya, tapos pinahawakan ko ’yong kamay ko sa kanya both hands. Hinawakan niya. ‘Hawakan mo, ha.’ Ta’s sinakal ko sa kanya. As in tinodo ko. Ginanyan ko talagang with pull effort, with pull force napi-feel niya ’yong braso ko.

“Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Nasakal ka?’ Sabi niya, ‘Hindi ho.’ ‘Ganyan ang tamang pagsakal. Kamay lang paartehin mo. Wag mong sakalin ’yong tao.”

Sinabihan daw niya ito na mabuti raw at sa kanya siya natapat dahil kung ibang aktor ang na-ganoon niya ay baka nakatikim siya.

“Sabi ko, ‘Kung sa ibang artista mo ginawa yan, nasapak ka na, nagulpi ka na.’ Sabi kong ganu’n. ‘Ako naiintindihan kita kasi nag-start ka palang pero pag-aralan mo. Eto, tuturuan kita. Ito ang tamang gawin mo.’”

Charge to experience nalang iyon para kay Jay dahil in fairness ay muka namang clueless talaga si Sean. Maaring hindi pa inabot ng mga panaka-nakang acting workshops nito ang pag-handle ng mga ganoong eksena.

Pero ibang usapan, ani Jay, kung kasabayan o mas beteranong aktor ang tumotoo ng pananakal kay Jay. Lalagyan daw niya ng kulay ’yon dahil alam niyang gaya niya, marunong na rin ang mga ito ng mga physical acting methods na ganoon.

“Ako ganu’n, e. Hindi ako basta kikibot, e. Masama yan kung yan kasabayan ko yan na artista, baka doon mag-react ako nang hindi maganda. Tama ba ako? Or kung matagal ng artista yan, mas nauna pa sa akin yan, baka doon mag-react ako nang di maganda roon.

“Pero, ito [Sean], alam kong baguhan. Marami pang pag-aaralan ito. Marami pang pipick-up-in ito. Kaya nga ’yon nga, sabi ko sa kanya...‘Next time, tingnan mo lang bago mo gawin sa isang artista na alam mong hindi mo naman masyadong magiging ganu’n [ka-close]. Hindi lahat ng artista katulad ko. Hindi ko sinasabing...Hindi sa nagbubuhat ako ng bangko or nagpapa-ano [good shot] ako sa’yo...Pero I’m telling you,’ sabi ko sa kanya,  ‘Wag mong gagawin sa iba yan. Mabubura ka sa mundo ng showbiz,’ sabi ko sa kanya. Hahaha!”

Mabilis naman daw pumick-up si Sean at nakikinig. That’s why Jay didn’t mind working with him again sa Vivamax hit na Mahjong Nights na kasalukuyan pa ring streaming sa nasabing app.

At nasabi rin ni Jay na dahil iba na rin ang panahon, iba rin daw ang tapang ng mga kabataang gaya ni Sean ngayon in terms of pagpapaka-daring sa mga eksena kumpara sa kanya noong araw.

“Mas matapang sila,” tatangu-tangong say ni Jay.

“Pero kahit mas matapang sila, hindi sila ubra sa akin,” natatawang sundot ni Jay. “Mas may dating pa rin ako sa kanila. Hahaha!

Saang aspeto? Sa pa-mola-han ba ito? Biro namin.

“Basta! Hahaha!”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.