Sef Cadayona, aware sa matinding pressure na dala ng pag-a-ala-Michael V.

“I think, inevitable naman na kahit ano’ng mangyari, magkakaroon ng gano’ng pressure,” esplika ni Sef na gaganap bilang young version ng iconic na si Pepito Manaloto (played by Michael V. for 11 years) sa prequel ng Pepito Manaloto. Gaganap namang young version ni Elsa (Manilyn Reynes) si Mikee Quintos.

Photos: @sefcadayona


“I think, inevitable naman na kahit ano’ng mangyari, magkakaroon ng gano’ng pressure,” esplika ni Sef na gaganap bilang young version ng iconic na si Pepito Manaloto (played by Michael V. for 11 years) sa prequel ng Pepito Manaloto. Gaganap namang young version ni Elsa (Manilyn Reynes) si Mikee Quintos.

Hindi karaniwan sa kahit na anong palabas sa telebisyon ang “prequel.”  Pero sa longest running sitcom ng GMA-7, ang Pepito Manaloto, hindi sequel kung hindi prequel ang mapapanood ng mga avid viewers ng show.

Idea ito ng show creator mismo na si Michael V. dahil siya mismo ay na-Covid, kaya’t gusto niyang i-iwas sa risk ang mga elderly cast members ng show gaya ni Nova Villa at Ronnie Henares. Ayaw naman daw nilang mag-replay nang mag-replay dahil hindi nga makapag-taping.

Kaya’t naisipan niyang gawan ng pre-quel at mag-dwell sa kabataan at ligawan nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes). Transition show, kumbaga, until gumanda-ganda ang lagay ng mundo at makabalik na sa normalang taping ang mga “oldies.”

The prequel is simply called Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na set in the ’80s sa Barangay Caniogan sa Bulacan.

At walang pagsidlan ng kaligayahan si Sef Cadayona na siya ang napiling gumanap bilang throwback o teenager version ni Michael V. bilang si Pepito Manaloto. 

“Very, very, very grateful,” bungad ni Sef. “Una sa lahat, hindi ko naman siya in-expect. Noong dumating din sa akin ang opportunity para makapag-audition sa show, grinab ko na.

“Kasi sabi ko, once in a lifetime ’to, might as well ibigay ko ng lahat. And isa pa ’yun sa malaking influence kung bakit sobrang saya ko siyang pino-portray. Ang daming nabibigay na advice sa amin ni Kuya [Bitoy]. Not just for Pepito but for everything, especially when it comes to comedy na talagang ako, palagi ko siyang dine-develop.

“And I’m very grateful din sa GMA na binigyan ako ng ganitong opportunity. Pinost ko nga ’to [sa social media] kagabi at sabi ko, isang napakalaking proyekto na pinagkatiwala nila sa akin and I gave my 100.1%

“Very thankful, paulit-ulit lang, ’yun naman talaga ang sagot ko.”

Tila kasi noon pa man ay mine-mentor na siya ng creative genius na si Michael V. At sa daming nangangarap maka-trabaho si Bitoy (palayaw ni Michael V.), si Sef ay not once but twice nagbigyan pa ng chance. Kaya more or less ay kapa na niya si Bitoy at madali niyang mai-insert ang observations niya sa Pepito.

“For me siguro and Denise (Barbacena), fortunate kami na bukod sa Pepito, madalas talaga naming kasama si Kuya Bitoy sa Bubble Gang,” tsika ni Sef.

“So, marami na kaming nakuha doon na mai-incorporate namin sa Pepito. Masayang i-portray at ang laking tulong ng pagiging ano namin sa mga details since may era [ang ’80s] kami ng storyline. Ang laking bagay no’n para matulungan kami sa pag-arte namin sa time na ’yon.”

Pero kahit sabihang gamay na niya si Bitoy, nanuod pa rin daw nang nanuod si Sef ng mga past episodes ng Pepito—na may 11 years of back story—para mas ma-aral ang atake ni Bitoy sa role.

“Sa totoo lang, sobrang suwerte namin dahil ang dami naming mapagkukuhanan ng study materials,” say ni Sef. 

“At napakasaya kasi kunwari ako, habang nababasa ko ’yung script at inaaral ko ’yung mga videos ng Pepito, nakikita ko kung saan nagsimula, kung bakit gano’n mag-react si Pepito kay Patrick. Pag ka, ‘Ano ba yan Patrick, medyo sablay ’yung mga hirit mo!’ 

“Ito ’yung chance na maipapakita namin na, ‘Ah, ganito pala siya noong high school siya.’ Kung paano siya [Pepito] makipag-bonding kay Patrick.

“At kung paano rin niya kausapin si Elsa. Very refreshing ’yun.  So, do’n sa mga parts na ’yun, sa mga little attitudes at mga ugali na nag-transcend kung sino na si Pepito ngayon. ’Yun ang ine-enjoy ko.

“S’yempre may mga times na nahihirapan kami or nawawala kami nang konti na, ‘Uy, hindi...hindi ganyan si Bitoy.’ Pero isa pa ulit. Masuwerte kami kasi nandiyan sina Direk Bert (de Leon) and actually everyone.” 

[Si Patrick ay ang best friend ni Pepito that’s originally played by John Feir; habang ang young version will be played Kokoy de Santos. Gaganap naman bilang young version ni Elsa si Mikee Quintos.]

Alam din ni Sef na hindi maiiwasang may pressure at maikumpara siya kay Michael V. mismo.

“I think, inevitable naman na kahit ano’ng mangyari, magkakaroon ng gano’ng pressure,” sabi niya.

“Pero ’yun nga ’yung na-ano namin ni Mikee...ginagamit namin siya in a positive way. Ito ’yung pressure na kailangan, kapag nasa set kami, maibigay namin.

“Una sa lahat, masuwerte nga ako kay Mikee like sa eksena, kaya naming aminin kung saan kami mahina. At kung saan kami medyo malakas. Natutulungan talaga namin ang isa’t-isa para ma-portray siya kung ano ang gusto nila Direk.”

Ani Mikee, mahina pa siya sa comic timing na forte na ni Sef. Pagpapa-kilig naman at pa-cute naman ang forte ni Mikee na sanay sa galawang loveteams Sa part na ’yon sila nagkaka-bigayan. 

Dagdag ni Sef: “Para sa akin, ’yung pressure at pagku-compare, tine-turn ko siya into something positive para maibigay ko ang best outcome para sa amin ni Mikee.”

Sa Sabado na, July 17, ang pilot episode ng Pepito Manaloto: A ng Unang Kuwento, sa GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sef Cadayona at Mikee Quintos, hindi daw pressured sa pagganap as young Michael V at Manilyn Reynes sa prequel ng Pepito Manaloto

Mikee Quintos sa mga #MiKel fans: “’Wag silang mawalan ng hope. And sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef [Cadayona].”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.