Self-sex scene ni Angela Morena sa High (School) on Sex, iniyakan niya pagkatapos

Maaaring mahirap daw paniwalaan pero kahit daw nagpapa-sexy siya ay nananatiling konserbatibo ang papanaw niya sa sex in real life. 	Noong high school daw siya and even now, hindi raw siya kagaya ng character niya sa High (School) on Sex na mapusok. “So, sexual [experience]...walang gano’n as far as I remember, very inosente pa ’ko and very preserved. “Hanggang ngayon naman,” nakangiting dagdag ni Angela.

Photos: Vivamax

Maaaring mahirap daw paniwalaan pero kahit daw nagpapa-sexy siya ay nananatiling konserbatibo ang papanaw niya sa sex in real life. Noong high school daw siya and even now, hindi raw siya kagaya ng character niya sa High (School) on Sex na mapusok. “So, sexual [experience]...walang gano’n as far as I remember, very inosente pa ’ko and very preserved. “Hanggang ngayon naman,” nakangiting dagdag ni Angela.

May bago na namang series na aabangan sa Vivamax, ang High (School) on Sex na magpi-premiere na simula sa June 5.

Isa sa cast nito ay si Angela Morena na napanood na sa mga Vivamax movies gaya ng Kinsenas, Katapusan at X-Deal 2, at sa erotic thriller series na Iskandalo.

Sa High (School) on Sex, siya si Mavic, and according to her, hyper at wild ang kanyang character na ito na malayong-malayo sa tunay na siya.

And although estudyante pa rin naman siya up to now, a college student at that, ay tila nabalik daw siya ng series sa kanyang high school life.

“’Yung experience, sobrang masaya. Parang bumalik ako sa pagka-estudyante. Although, estudyante ako, college student,” lahad niya nang tanungin kung ano ang naging karanasan niya habang ginagawa ang serye.

“Pero ’yung pagiging high school [student] na na-miss ko before. Sobrang nag-enjoy ako,” saad niya. 
’Yon nga lang, hindi umano siya masyadong naka-relate sa kanyang character.

 “Actually, hindi ako naka-relate. Sobrang bigat, sobrang energetic ng character ni Mavic. Kaya nga every day, sinasabi ko sa mga co-stars ko, maliligo ako, maliligo ako. Ayaw kong bitbitin ’yung character ni Mavic.

“Kasi, sobrang bigat niya sa akin at sobrang sineryoso ko ang character.”

“And I hope, natuwa naman si Direk.”

(Ang director ng High (School) on Sex ay si GB Sampedro.) 

Inamin din ni Angela sa naging online mediacon ng High (School) on Sex na may isang eksena raw na iniyakan niya matapos kuhanan. At ito ay ang eksenang self sex or masturbation.

Na-challenge at nahirapan daw talaga siya doon.

“Siguro ’yung pinaka-mabigat at sobrang challenging...hindi ito alam ni Direk kasi, umiyak ako after kong gawin ’to.

“Hindi siya sex scene with others, pero parang sex scene siya sa sarili ko na ginagawa ko siya. Parang after that scene, pumunta ko ng banyo, umiiyak ako. Parang hindi ko kinaya ’yung eksenang ’yon. ’Yun ang pinaka-mabigat sa akin.”

“Pero okay naman ako ngayon,” dagdag niya.First time ko kasing gawin ’yon.”

Nang tanungin naman kung kasing pusok ba ng character niya ang tunay na Angela noong high school pa siya, ay hindi raw.

“Hindi ako masyadong nagtagal sa high school,” paunang paliwanag niya. “Umabot lang ako hanggang second year and then, nag-stop ako. After a year, nag-review ako and nag-exam for acceleration.

“So, sexual [experience]...walang gano’n as far as I remember, very inosente pa ’ko and very preserved.

“Hanggang ngayon naman,” nakangiting dagdag niya.

“Pero masasabi kong mas masaya ang college days ko ngayon compared sa high school.”

Aniya pa, maaring mahirap intindihin ng publiko na kahit isa siyang sexy star ay nanatiling konserbatibo ang pananaw niya pag dating sa pre-marital sex na siyang topic ng kanilang series.

“Ako siguro, my stand on sex before marriage is very traditional, cultured and very religious pag dating sa mga gano’ng bagay,” esplika niya.

“And tulad din nila [co-stars], noong bata ako, sinasabi rin sa akin na dapat kapag makikipag-sex ka, dapat asawa mo na. Kasi, kapag sinasabing sex before marriage, my thought, parang nagkakaroon ng immoral sex. Nakikipag-sex ka sa isang tao na hindi mo naman asawa.”

But hindi raw siya against sa mga gumagawa nito.

“Pero as others said, lahat tayo ay may kanya-kanyang opinion and we must respect those opinion. So, lahat tayo, may iba’t-ibang paniniwala and I respect that kung ano ang paniniwala niyo, ano ang perspective niya pag dating sa gano’ng bagay.”

“So, depende, depende sa tao,” dugtong pa niya. “That’s your choice. That’s your decision and then, go. I respect that and I support that.”

Sa ngayon ay nalilinya nga sa mga sexy roles si Angela. Pero ang pangarap daw niya ay maranasang maging kontrabida.

Wala raw siyang partikular na peg. Pero isa raw sa napanood niya, na tipong gusto niyang gayahin, ay ang pagko-kontrabida ng aktres na si Iza Calzado sa isang teleserye.

“Gusto ko lang siyang ma-try,” aniya. “Kasi, palagi nilang sinasabi na, Maamo ’yung mukha ko.”

Kasama rin sa High (School) on Sex sina Wilbert Ross, Denise Esteban, Mig Almendras, Kat Dovey, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista, at Mark Carpio. This GB Sampedro coming-of-age series comes to Vivamax on June 5.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.