Senator Jinggoy, binistong dumalaw si Kim Domingo sa Crame; Andrea Torres, di daw niya kilala

PHOTOS: Anna Pingol, @kimdomingo_, & @andreaetorres

PHOTOS: Anna Pingol, @kimdomingo_, & @andreaetorres

Sa ginanap na advanced birthday party ni Senator Jinggoy Estrada—who is turning 56 on February 17 kahapon, February 7, sa San Juan, ay game itong nakipagtsikahan sa mga naimbitahang movie writers and bloggers kabilang ang pikapika.ph at isa sa mga naitanong ay ang pagbabalik-pelikula niya pagkatapos ng mid-terms elections sa Mayo.

Wala daw ito sa plano niya in the near future dahil medyo tumaba siya pero hindi raw niya isinasara ang pintuan niya sa showbiz, lalo na sa pagggawa ng action movies, dahil katwiran niya, “once an actor, always an actor.”

Kasunod na naging mga katanungan ay ang mga possible leading ladies kung sakali. Walang maisagot ang actor-politician dahil wala na raw siyang kilala sa mga bagong artista at tila napako na ang memory sa mga datihan gaya ni Sharon Cuneta. Kung masyado raw mga bata ay baka tatay ang role niya imbes na leading man.

When pressed to come up with answers, napaisip siya nang malalim at pilit humahalungkat ng pangalan. Nang may nagbato ng pangalan ng sexy actress ng GMA-7 na si Kim Domingo ay napangiti ito sabay sabing: “Ah, ’yong dumalaw sa ’min sa Crame?” 

Sunod-sunod na ang mga naging katanungan after ng revelation gaya ng kung bakit ito dumalaw, kanino sa kanila ni Senator Bong Revilla mas close si Kim, at kung sino pa ang ibang female celebrities ang dumalaw sa kanila?

Agad nilinaw ni Senator Jinggoy na naisama lang ito minsan ng showbiz manager at nanay-nanayan niyang si Manay Lolit Solis. Pero hindi raw niya maitatangging sexy daw pala talaga ang dalaga.

Muling nagtanong ang mga press people kung may iba pa siyang naiisip na pangalan. Dito ay nagbiro na ang kengkoy na senador na wala naman daw silang nakikitang ibang babae ng kaibigan niyang si Senator Bong Revilla sa Crame liban sa mga asawa nilang sina Lani [Mercado] at Precy [Ejercito].

“Dalawang tao lang ang masaya no’ng nakulong kami, e…si Lani at saka si Precy. Alam nila kung saan kami pupuntahan, e.”

Nang banggitin naman ng reporter na si Rose Garcia ang pangalan ng isa pang GMA-7 sexy actress na si Andrea Torres na diumano ay gusto rin niyang maka-tambal sa pelikula ay bigla siyang naging clueless, sabay tanong na: “Sino si Andrea?”

Pero agad siyang na-sorry sa dalaga dahil talaga raw hindi niya ito kilala. Kasabay noon ay nilinaw niyang walang dapat maging issue sa kanila ni Kim Domingo dahil ang pagdalaw diumano nito ay dahil lang sa naisama ito ni Manay Lolit Solis.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Senator Bong Revilla, binigyan ng grand “welcome home” treat ni Mother Lily at Manay Ichu Maceda

Direk Joel, no comment sa kontrobersyal na statement ni Phillip Salvador noong SONA

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.