Senator Tito Sotto, hindi “bitter” kahit natalo sa eleksyon: “Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa”

Masaya at proud daw si Senator Tito Sotto dahil hindi sila umatras sa laban ng ka-tandem n’yang si Senator Ping Lacson dahil kahit natalo sila ay hindi umano nabahiran ang kanilang dangal.  “I am glad that I did not yield to any political pressure to change my principles and kept my integrity intact till the end,” lahad n’ya.  “Maraming salamat sa lahat ng naniwala at sumuporta hanggang sa huli. God bless mga Dabarkads!”

PHOTOS: @TeamTitoSotto on Facebook

Masaya at proud daw si Senator Tito Sotto dahil hindi sila umatras sa laban ng ka-tandem n’yang si Senator Ping Lacson dahil kahit natalo sila ay hindi umano nabahiran ang kanilang dangal. “I am glad that I did not yield to any political pressure to change my principles and kept my integrity intact till the end,” lahad n’ya. “Maraming salamat sa lahat ng naniwala at sumuporta hanggang sa huli. God bless mga Dabarkads!”

Bagama’t nabigong manalo sa pagka-bise presidente nitong nagdaang eleksyon, nanatiling positibo ang pananaw si Senator Vicente “Tito” Sotto III.

Iyan ay kung pagbabasehan ang Facebook post n’ya kahapon, May 26, kung saan binati n’ya sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) at Vice President-elect Sara Duterte.

“God bless our President and Vice President! God bless the Philippines,” panimulang pagbati ng kasalukuyang senate president sa kanyang FB post.

Kalakip nito ang ilang screenshot photos mula sa naging joint session ng Senate and House of the Representatives nitong May 25 kung saan pormal na iprinoklamana bilang duly elected president and vice president sina BBM at Sara.

Magkasama sina Senator Tito at House Speaker Lord Allan Velasco sa nagtaas ng mga kamay ng nakatunggali n’ya sa vice presidential race na si Sara Duterte, at sa nanalo sa pagka-presidente na si BBM.

Ayon sa senador, nagpapaka-positibo umano s’ya sa kabila ng kanyang pagkatalo dahil karangalan daw para sa kanya ang maging isport at isang mabuting tao. 

“I choose kindness over bitterness, hope over regret and a positive attitude over despair,” the actor-turned politician said. 

“Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa. Isang karangalan ang maging mabuting tao matalo ka man o manalo,” dagdag pa n’ya.

 

God bless our President and Vice President! God bless the Philippines.🇵🇭 I choose kindness over bitterness, hope over...

Posted by Vicente Tito Sotto on Wednesday, May 25, 2022

Matatandaan na isang araw matapos ang eleksyon, May 10, ay kaagad na tinanggap n’ya ang resulta nito kahit hindi pa tapos ang bilangan ng boto.

“The people have made their choice. I accept the will of the People,” saad n’ya sa FB post n’ya noong araw na ’yon.

Nailahad naman daw nila ang kanilang plataporma pero sadyang iba daw ang pulso ng mga botante. 

“We presented an alternative for a better system in governance and politics but the electorate had their minds conditioned elsewhere. Our word of honor and loyalty are of far greater importance than an election win,” aniya.

Masaya daw s’ya na hindi sila umatras sa laban ng ka-tandem n’yang si Senator Ping Lacson dahil kahit natalo ay hindi umano nabahiran ang kanilang dangal. 

“I am glad that I did not yield to any political pressure to change my principles and kept my integrity intact till the end,” lahad pa n’ya. 

“Maraming salamat sa lahat ng naniwala at sumuporta hanggang sa huli. God bless mga Dabarkads!” pagtatapos ng senador. 

 

The people have made their choice. I accept the will of the People. We presented an alternative for a better system in...

Posted by Vicente Tito Sotto on Monday, May 9, 2022

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ciara Sotto, emosyonal na inilatag ang mga dahilan kung bakit ang tatay niyang si Senate President Tito Sotto ang pinaka-kwalipikadong bise presidente

Kakampink Pokwang at UniTeam supporter Andrew E., aksidenteng nagkita sa Boracay; “Sa bandang huli, respect.”

Kakampink celebrities Angel Locsin, Iza Calzado and Aicelle Santos, nagpahayag ng suporta at dasal para sa mga susunod na lider ng bansa

Vice Ganda slams Senator Tito Sotto after opposing SOGIE Bill because it is “against women’s rights.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.