Senators Bong Revilla, Tito Sotto, at Ping Lacson, umalma sa mga sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno

PHOTOS: Facebook

PHOTOS: Facebook

Tumugon ang ilang senador sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno dalawang araw matapos mag-viral ang video ng alkade sa social media. 

Sa video kasi, emosyonal na nanawagan si Yorme Isko sa mga senador na “missing in action” diumano ngayong nahaharap ang bansa sa health and economic crisis dahil sa novel coronavirus disease [COVID-19]. 

Mga senador, 24 lang kayo,” sabi ni Isko sa kanyang panawagan. “Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga taga-Maynila Pilipino rin. Ngayon n'yo ipakita. Asan kayo ngayon? Asan? Hinahanap namin kayo, kasama na ako sampu ng aking mga kababayan sa lungsod.”

Hinamon din n'ya ang mga elected officials na i-donate ang kanilang sweldo para sa mga mahihirap.

“Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo, i-donate n'yo lahat ng s’weldo ninyo. Lahat ng kakayanan ninyo. Ngayon n'yo ipakita, sa tulong, sa tao.”

Hiniling din ng punong-lungsod ng Maynila na pansamantalang isantabi muna ang mga political quarrels and agenda at unahin ang pagtulong sa mga nangangailangan. 

Inalmahan ng ilang senador ang mga nasabi ni Isko sa kanyang talumpati. 

Sa kanyang Twitter post noong umaga ng April 4, pinabulaanan ni Senator Ping Lacson ang “paratang” na wala silang ginagawa at sinabing ang pagpasa ng batas gaya ng Bayanihan Act ang mismong papel ng mga senador gaya n’ya. 

“Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin,” responde ni Lacson kay Moreno through his Tweet.

Dagdag pa ni Lacson: “Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa.”
 



Sinegundahan rin ito ni Senator Tito Sotto na tumatayong Senate President sa kasalukuyan. 

“Our duty as lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use govt funds to respond during this health crisis,” sabi naman ni Sotto sa kanyang Tweet noong tanghali ng April 4. “We did so in 18 hrs.”

Sinabi pa ng ni Senator Sotto na hindi nila trabaho ang mag-repack ng donasyon, subalit ginagawa umano ito ng ilan sa kanila na hindi na pinapaalam pa sa media.

"[I]t’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!"
 



Malaki na rin daw ang kinukuha nila sa kanilang mga sweldo para i-donate kung donation lang din umano ang pag-uusapan.

“The Senators have been donating more than just their salaries since day one but never published it," pahabol ng TV host-turned-politician in a separate Tweet.
 



Kinahapunan that same day, naglabas naman ng reakyson si Senator Bong Revilla na gaya ni Yorme Isko ay isang ring actor-turned-politician.

Sa Facebook Live ni Senator Revilla, tahasan n'yang sinagot ang mga binitiwang salita ng alkalde ng Maynila.

“Diretsuhan na lang,” panimukang pahayag ng Kabitenyong senador sa kanyang Facebook Live. “Si Yorme tinira kaming mga senador. Sana naman huwag ganu’n. Masakit dahil alam naman natin, Yorme, Isko, you're very good friend of mine.”

Ipinaliwanag ni Revilla na abala din umano sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga nasasakupan.  

“Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho. Hindi kami nagpapabaya. May mga nasasakupan din kami. Meron akong Bacoor, merong Cavite. Hindi lang 'yan [kundi] buong Pilipinas kung kaya lang talaga matulungan gagawin namin pero s'yempre very limited din.” 

Kinailangan din umano nilang sumailalim sa home quarantine lalo pa't nagkaroon sila ng close contact sa mga taong nagpositibo sa COVID-19 gaya nina Senator Juan Miguel Zubiri at ang kontrobersyal ngayon na si Senator Koko Pimentel.

“Katulad n'yan, na-quarantine pa kami,” k’wento pa ni Revilla. “Ilang beses ako, this is my second time. Good thing nakalabas na din ako ngayon.”

Giit pa ng actor-politician: “Kahit naka-quarantine ako, patuloy ang movement ko sa paggalaw, sa pagtulong sa mga local government, like Rizal kung papano matutugunan ang problema rin nila sa bigas. At least '’yon natulungan natin sa NFA. Talagang mahirap. Nagkakaubusan din ng bigas kaya ayan.”

Ibinalik din ni Revilla kay Moreno ang mga sinabi ng alkade na hindi ito ang panahon upang batikusin ang isa't isa.

“Problema talaga ng executive, legislative, lahat, [itong COVID-19]. Kaya ’yong banat sa ’min ni Yorme, Mayor Isko, h'wag naman. Huwag gan’un. Tulungan tayo. Hindi ito ang panahon ng pagbatikos. Huwag mo kaming personalin.” 

Gaya rin ng sinabi nina Lacson at Sotto, Revilla also reiterated the branches of the government and their respective functions.

“Ikaw, you’re part of the executive branch. Kami, legislative branch. Ito ’yong...kumbaga three branches of government. Executive, legislative and judiciary. Kayo sa ehekutibo, kayo mag-implement ng mga naipasa namin katulad nu’ng Bayanihan Act. 

“Kumabaga, para ’yong 275 billion para sa mga kababayan natin na ang magi-implement naman ay kayo sa executive sa pangunguna ng ating mahal na pangulo. 

“Minsan nakakasama ng loob, e, ’no?" pagpapatuloy ni Revilla. “Nag-uusap nga kaming mga senador doon sa aming Viber group. Nasaktan kaming lahat dahil unfair ’yon para sa amin. Dahil pumasok pa kami  [para maipasa ang Bayanihan Act] kahit na alam nating delikado. Ilan na nga ’yong nagkasakit nitong COVID-19 na ’to, nitong coronavirus na naapektuhan ang mga senador.

May pakiusap din ang senador sa kanilang mga bashers online.

“Pakiusap ko po, ’yong pangba-bash, okay lang po, matatanggap po namin ’yon. Pero ito po, sa oras na ito, ang kailangan ay matugunan natin ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Hindi tayo dapat mag-upakan. Hindi tayo dapat magsiraan. 

Dagdag pa n'ya: “Ang kailangan nating tugunan ay ’yong gutom ng mga tao. Kaya sa mga kasamahan ko, sama-sama po tayo. 

“Alam ko ang nararamdaman ng bawat isa sa inyo. Alam ko po ang nararamdaman ng mga LGUs, ng ating mga mayors, ng ating mga alkalde. Halos wala po silang pahinga. Pero sila po ang tumatanggap ng lahat ng dagok. Mga minumura ng tao, na akala’y ninanakaw nila ’yong pera.” 

Sinabi rin ni Senator Bong Revilla na nakahanda sila anumang oras kung ipatatawag ni Pangulong Duterte kung sakali. 

“Kami po anytime na ipatawag kami ng ating mahal na pangulo for, halimbawa, additional budget katulad nitong Bayanihan Act, at kung ano pang additional na supporta para sa mga mamamayan...Nakahanda po kaming mga senador at ating mga kongresista para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.”

At muling pinahagingan ni Revilla ang kapwa politiko na tigilan na ang patutsada dahil pareho lang diumano sila ng goal at iyon ay mapaglingkuran ang publiko.

“’Yong uupakan pa kami nang dahil lang, e, gusto magpasikat ay ‘wag naman. Parepareho tayong nagsisilbi sa ating mga kababayan. Pare-pareho tayong nagmmahal sa ating mga kababayan.” 

Nanawalagan din s'ya ng pagkakaisa at sinabing nakahanda silang maglingkod bilang mga “alipin ng bayan.”

“Kaya sana po tayo magsama-sama. Magtulong-tulong. Huwag magsiraan. Huwag mag-upakan. Mahal po ng bawa’t isa ang ating mga kababayan. Kaya nga tayo nandidito, e. Hindi tayo dito amo ng bayan. Tayo ay alipin ng bayan.” 

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Senador Bong Revilla: 

 

United we stand, divided we fall. Magtulungan tayo labanan ang COVID-19!

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Saturday, April 4, 2020


YOU MAY ALSO LIKE​:

Mayor Isko Moreno, hinamon ang mga senador na i-donate ang sweldo sa tao

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.