Seth Fedelin, poging-pogi ang dating dahil sa umano’y awayan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz

May kinalaman kaya ang pag-a-unfollow-han nila sa tsika na kina Francine Diaz umano nag-selebrate ng Bagong Taon si Seth kasama ang pamilya Diaz?

Photos: Instagram & FaceBook

May kinalaman kaya ang pag-a-unfollow-han nila sa tsika na kina Francine Diaz umano nag-selebrate ng Bagong Taon si Seth kasama ang pamilya Diaz?

Mukhang may hidwaan sina Andrea Brillante at Francine Diaz dahil in-unfollow na nila ang isa’t isa sa kanilang Instagram account pero pareho naman nilang pina-follow pa si Seth Fedelin.

Anyare?  May kinalaman ba ang tsika na kina Francine Diaz umano nag-selebra ng Bagong Taon si Seth kasama ang pamilya niya?  

Base na rin sa larawan kung saan makikitang magkakasama kasama ng pamilya Diaz si Seth Fedelin na ipinost sa Facebook account ng nangangalang Merdick Saenz Diaz na may nakalagay na caption na: “Happy new year” at “late upload happy new year.”

Pagkatapos mag-viral ang mga nasabing larawan nitong Huwebes ay nag-post naman “kagigising lang” TikTok video niya si Andrea kung saan sinabayan niya ang “Love You to Love Me” single ni Selena Gomez na may lyrics na:

“I gave my all and they all know it,

You turned me down and now it's showing...

In two months, you replaced us,

Like it was easy
Made me think

I deserved it...”

Agad na hinuha ng mga Blythe fans, patama niya ito kay Seth at Francine. 

Bukod doon, may isang pagkakataon din na tila nadulas si Kyle Echarri—kasamahan nila sa Gold Squad at ka-loveteam ni Francine—sa isang now-deleted TikTok video clip kung saan magkikitang nagkukulitan ang Gold Squad at naghahampasan ng throw pillows.

Nang makarami ng tama ng hampas si Francine kay Kyle ay nagreklamo ito ay nag-dialogue na: ‘Huy tama na...”

Na sinegunduhan naman ni Seth na: “Huy, teka lang inaaway n’yo naman si Kyle...” 

Addressing Francine, bumanat si Kyle na: “Kaya nga, e,  Mas may pake ’yung boyfriend mo kaysa sa... ha, ha, ha!” 

Makikitang tila nagulat si Seth sa sinambit ni Kyle at napatingin sa kung saan. Pagkatapos ay naglagay ito ng unan sa ulo na kunwa ay nagtatago. Mapapansin rin na tila sumama ang tingin ni Francine kay Kyle. 

May kumalat pang isang video, muka sa mga SOCO fans, na nagpapakitang nagkukulitan sina Seth at Francine. Kapareho pa rin ng suot nila sa naungang video kaya’t ang caption nito ay nagsabing: “before or after nu’ng vlog.” 

Sina Seth at Andrea ang magka-loveteam bilang SethDrea at gayun din sina Kyle at Francine as KyCine at marami silang proyekto sa ABS-CBN. Ang latest nila ay ang TV series na Saying Goodbye.

Samantala, may panibagong development pa. Sa isang video na kuha umano sa isang resort Batangas—na ipinadala sa controversial lalaking Marites na si Xian Gaza (dahil nagbabayad ito)—kung saan makikitang may ibang babae naman na tila non-showbiz na kasama si Seth.

Goodbye na kaya ang SethDrea loveteam? Paano na ang upcoming projects nilang dalawa at mga product endorsements? At sino kaya ang mystery girl sa Batangas? 

Ayon naman sa aming napagtanungan ay nagulat siya sa Francine-Seth issue dahil ang karelasyon nga raw ng binata ay si Andrea. Kaya’t paano raw kaya nangyari iyon?

Tanda namin ay natanong pa ni Andrea noon si Seth sa isang lumang vlog kung may plano siyang ligawan si Francine na big “NO” ang naging sagot ng aktor.

Pero sa nangyari, para tuloy ang pogi-pogi ni Seth na naiipit sa dalawang magandang dilag.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.