Seth Fedelin, umaming in love; pananahimik ni Andrea Brillantes, “means yes” para kay Seth

Mata-touch ang tungkol sa kamatayan sa pagbibidahang drama series ng SethDrea love team. And para kay Seth Fedelin, ang take away niya dito ang wag magsayang ng pagkakataon.  “’Wag ka magpadala sa takot mo na…kasi madaming technical [gaya ng] ayaw n’ya nito, bawal ang ganyan. Sabihin n’yo na ang totoong nararamdaman n’yo kasi minsan mas magandang sabihin mo na before it’s too late.  “Pag pinanood nila ’yong Saying Goodbye maiintindihan nila kung bakit ko sinasabi na ’Umamin ka na. ’Wag ka na maghintay ng seven years.’ Char! Ayan, na so-spoil ko na tuloy [ang kuwento].”

PHOTO: @teamsethdreaofficial_ on Instagram

Mata-touch ang tungkol sa kamatayan sa pagbibidahang drama series ng SethDrea love team. And para kay Seth Fedelin, ang take away niya dito ang wag magsayang ng pagkakataon. “’Wag ka magpadala sa takot mo na…kasi madaming technical [gaya ng] ayaw n’ya nito, bawal ang ganyan. Sabihin n’yo na ang totoong nararamdaman n’yo kasi minsan mas magandang sabihin mo na before it’s too late. “Pag pinanood nila ’yong Saying Goodbye maiintindihan nila kung bakit ko sinasabi na ’Umamin ka na. ’Wag ka na maghintay ng seven years.’ Char! Ayan, na so-spoil ko na tuloy [ang kuwento].”

Napa-amin ni Kapamilya TV host Robi Domingo ang mag-love team partner na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na in love silang dalawa. 

Nangyari ito sa launching ng bagong serye ng SethDrea na Saying Goodbye last November 23 kung saan s’ya ang nagsilbing host. 

Sa simula pa lang kasi ng media conference ay na-corner na agad n’ya ang kinakikiligang love team at natanong tungkol sa estado ng mga puso nila ngayon. 

“Let’s start with an easy question. Everyone is so excited to hear your voices. We just heard the official soundtrack of your series. The question is… Easy lang ito. Are you…?” pabiting tanong ni Robi sa kanila. 

Balik-tanong naman ng nalalabuan pa na si Andrea, “Are you…?”

“In love?” pagpapatuloy ni Robi.

Napatili si Andrea sa narinig dahil hindi n’ya in-expect na ganu’n agad ang tanong. 

Dahil hindi agad s’ya nakasagot ay sinalo naman s’ya ng ka-love team n’yang si Seth.

Ako, oo!” matapang na pahayag ni Seth na ikinatawa ni Robi. 

At dahil naguluhan pa rin si Andrea kung ano ang isasagot sa tanong ay si Seth na sumagot para sa kanya.

“Silence means yes,” sabi ng young actor na mas ikinatawa nilang lahat. 

“You got me there, brother,” komento sa kanya ni Robi bago muling binalikan si Blythe [nickname ni Andrea]. “I want to ask you, yes or no. I won’t ask you why.”

Tugon ng aktres, “Kung in love ako? Yes…with life.”

“Okay. I won’t ask why,” ani Robi

Anyway, katatapos lang ng serye nila na Huwag Kang Mangamba pero heto’t may bago silang project, ang Saying Goodbye, na produced ng ABS-CBN at Asian entertainment platform na iQiyi.

Dito ay gaganap sina Andrea at Seth bilang sina Elise at Ricky, ang mag-best friend na made-develop sa isa’t isa. Pero mukhang hinahadlangan ang happy ending nila dahil sa k’wento ay may taning na ang buhay ni Ricky due to heart disease.

Na-challenge daw ang dalawa dahil mahahaba ang mga linya nila sa project na ito. 

“Para sa akin ho, mas nahirapan kami sa ibang eksena dito kasi there was one scene na parang six pages long s’ya. Grabe si Direk Dolly [Dulu] pinahirapan kami,” lahad ni Andrea. 

Mas malalim din daw ang mga issues na tatalakayin ng serye na bago daw sa kanilang dalawa. Mature roles na kasi ang mga karakter nila dito.

Mas mahirap po ’yong roles namin dito kasi mas malalim ho s’ya,” the actress continued. “Kasi ang Saying Goodbye hindi lang s’ya tungkol sa love. 

“It’s about friendship. We’re tackling situations like death, heart diseases, kaya mas seryoso s’ya kasi nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Nahirapan lang kami kasi 22 years old kami doon, e. Mas mature talaga kami.

Pagsang-ayon naman ni Seth sa sinabi ng ka-love team, “Pinakanahirapan ako ’yong sa six pages na linya talaga.”

Pero pinuri s’ya ni Andrea dahil may improvement daw itong nakita sa kanya. 

Pero nakaka-proud kasi dati hirap na hirap s’ya sa Kadenang Ginto mag-memorize pero dito [mahahaba] ang mga linya n’ya name-memorize na n’ya,” pagmamalaki ni Andrea kay Seth. 

Pagbibida pa ni Seth, marami daw aral na mapupulot ang views sa Saying Goodbye. 

Dito ang maituturo namin sa kanila at ang pakay namin na makita nila sa series na ’to, e, ’wag titingnan ’yong death bilang deadline kundi bilang motivation na gawin ’yong mga bagay na gusto nating magawa at hindi tayo magsisisi,” paghayag ni Seth. 

Natatawang dagdag naman ni Andrea, “Ang matuturo ko sa kanila tungkol sa love is umamin ka na. Don’t waste your time. 

’Wag ka magpadala sa takot mo na…kasi madaming technical [gaya ng] ayaw n’ya nito, bawal ang ganyan. Sabihin n’yo na ang totoong nararamdaman n’yo kasi minsan mas magandang sabihin mo na before it’s too late. 

Pag pinanood nila ’yong Saying Goodbye maiintindihan nila kung bakit ko sinasabi na ’Umamin ka na. ’Wag ka na maghintay ng seven years.’ Char! Ayan, na so-spoil ko na tuloy [ang kuwento],” pagtatapos n’ya.

Maliban sa SethDrea, kabilang din sa show ang promising love team ng former PBB housemates na sina Andrea Abaya and Kobie Rhys Brown, Valerie Concepcion, Bernard Palanca, Yeng Constantino, and more. 

Saying Goodbye will be available for streaming starting December 4 sa iQiyi.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.