SethDrea, mahalaga raw para sa isa't isa; Andrea Brillantes, sinabihan si Seth Fedelin na: "Aalagaan kita pag wala ang family mo."

“Love is pag may care ka sa tao...pag malungkot siya, malungkot ka; pag masaya siya, masaya ka; pag tinitingnan mo [siya] parang may maririnig kang music; pag naglalakad ka para kang nasa clouds...” —Andrea Brillantes’s definition of love

PHOTOS: Anna Pingol

“Love is pag may care ka sa tao...pag malungkot siya, malungkot ka; pag masaya siya, masaya ka; pag tinitingnan mo [siya] parang may maririnig kang music; pag naglalakad ka para kang nasa clouds...” —Andrea Brillantes’s definition of love

Cute ang naging tanungan between the entertainment press and the SethDrea tandem—Seth Fedelin at Andrea Brillantes—during the press conference para sa first movie project no’ng dalawa, ang iWant digital movie na Wild Little Love.

 

Nag-employ ng ala-slumbook questions kasi ang ilan bilang members ng Gen Z ang ini-interview. Define love ang isa sa naibatong tanong sa dalawa ang between them, may mas magandang sagot si Andrea.

 

Litanya ni Andrea: “Love is pag may care ka sa tao...pag malungkot siya, malungkot ka; pag masaya siya, masaya ka; pag tinitingnan mo [siya] parang may maririnig kang music; pag naglalakad ka para kang nasa clouds...”

 

Tila nawala naman sa sarili si Seth kaya nag-take over ang co-star nila sa movie na si Carmina Villarroel—na katabi lang ni Seth that time—na nag-ala-talk show host that moment.

 

“Balikan natin mga sinabi ni Andrea...” hirit ni Carmina kay Seth.

 

“May background music, pag gising sa umaga siya ’yong nasa isip mo? Pag malungkot, malungkot ka din... Gano’n ba ’yong nararamdam ninyo sa isat isa?”

 

“Sa mga sinabi ni Blythe (payaway ni Andrea), meron do’n na nararamdaman ko,” pag-amin ni Seth pero hindi niya nilinaw kung alin doon.

 

But he admitted na may nararamdaman siyang “love” kay Andrea.

 

“Opo. Kasi si Blythe po, e kaibigan ko,” agad na paglilinaw niya. “Mahalagang tao, mahalagang tao sa akin s’yempre... so, siya po ’yong... s’yempre kami po ’yong magka-trabaho halos... gaya po sa movie halos kami rin ’yong magkasama, halos kami rin ’yong nagkaka-k’wentuhan... s’yempre halimbawa po may problema siya, s’yempre kaibigan ko, malapit sa aking tao, pag malungkot siya, nagtatanong ako. Ayaw kong ang mahalagang tao sa akin, e, malungkot kumbaga. So, ako, ‘Ano kaya ang iniisip niya?’

So, ako nahahaluan din ako ng vibes na malungkot.”

 

Concerned daw siya pag naramdaman na niyang tila may dinadala si Andrea.

 

“Ako bilang kaibigan nand’yan ako para sa kanya,” Seth went on. “Minsan lagi niyang sasabihin sa akin, ‘Wala ito, sa akin lang ito.’ Gano’n. ‘Akin lang ito.’ Gano’n. Ako din naman ayoko din naman manghimasok diba? Baka mamaya... so, magtatanong lang ako. Tapos, sasabihin ko sa kanya, ‘Wag mo nang isipin yan, lilipas din yan.”

Sa part niya, aware naman daw si Andrea sa pinapakitang concern ni Seth and that she appreciates it.

 

“Yes po. At saka nararamdaman ko din naman po ’yong pagiging concern niya,” say ni Andrea. “At saka pag malungkot ako lagi siyang nandyan, lagi siyang nang-aasar, lagi niya akong pinapatawa, at saka nagbibigay siya ng mga favorite kong chocolate.”

 

And she feels the same uneasiness daw pag siya naman ang nakakapansin na malungkot si Seth.

 

Kasi parehas kaming makulit, madaldal... kaya kapag nanahimik siya, s’yempre naninibago po ako,” esplika ni Andrea. “Tapos lagi kong tinatanong kung ano ’yong nasa isip niya. Kasi minsan baka pagod lang or baka meron siyang pinagdadaanan.

 

“Tapos sabi ko din po kasi sa kanya, since malayo po siya sa family niya ngayon—hindi naman super layo pero nasa Cavite po kasi buong family niya’ta’s minsan lang po siya nakakauwi kasi sa work, sabi ko sa kanya na, ‘Habang wala sila aalagaan kita. I’m always here for you. Family mo din ako.”

 

At some point, sumingit si Seth at may ipinaliwanag:

 

“Pag gano’n may sinasabi po ako sa kanya... lagi naman niyang sinasabi sa akin na, ‘Isipin mo ’yong bukas...’yong ngayon para kanino ba ito?’ Lagi niyang pinapaalala sa akin. Kumbaga, para kanino ba ’yong eyebags mo? Parang gano’n po. Bakit ka nag-a-eyebags, ano’ng dahilan? Para saan ’yong puyat mo? Parang gano’n po? Hahaha! Para ’yong bukas may makikita ka ng maganda. Parang gano’n po.”

 

Ikinalito ng lahat ang hinirit ni Seth pero dahil cute ang delivery niya ay hinayaan nalang siya ng lahat.

 

Pero bilang wrap up, sinabi ni Andrea that she also mirrors Seth’s affection for him.

 

“Basta ang masasabi ko po na mahalaga sa akin si Seth and I care for him,” pagtatapos niya.

 

And then addressing Seth directly, she added: “And I’m always here for you and proud ako sa lahat ng na-achieve niya ngayon.”

#Kiligmuch ba kayo, SethDrea-ians?

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Si Seth Fedelin na ba ang pumalit kay Naruto sa puso ni Andrea Brillantes?

Andrea, impressed sa acting ni Seth

Andrea Brillantes on possibly being courted by Seth Fedelin: “Bata pa po kami. Ngayon mas kinikilala lang po namin nang todo ang isa’t isa.”

Seth Fedelin, aminadong crush niya si Andrea Brillantes

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.