Sexy newbies na sina Rob Guinto at Angela Morena, pina-plasteran ang private parts ng isa’t isa

YOLO o You Only Live Once ang tema ng Ex-Deal 2, isang makabagong konsepto na nagsasabing gawin na ang lahat ng makakapagpasaya sa’yo o huwag matakot sumubok sa mga bagay na magpapaligaya sa’yo. Mapapanood na ang X-Deal 2, directed by Lawrence Fajardo, sa Vivamax starting March 25.

Photos: Vivamax

YOLO o You Only Live Once ang tema ng Ex-Deal 2, isang makabagong konsepto na nagsasabing gawin na ang lahat ng makakapagpasaya sa’yo o huwag matakot sumubok sa mga bagay na magpapaligaya sa’yo. Mapapanood na ang X-Deal 2, directed by Lawrence Fajardo, sa Vivamax starting March 25.

Lesbian o tomboy ang karakter ng newbie sexy actress na si Angela Morena bilang si Olivia sa pelikulang pagbibidahan nila ng kapwa sexy star na si Rob Guinto, ang X-Deal 2 kasama si Josef Elizalde.

Aminado si Angela na nagulat siya nang mabasa niya ang script ng X-Deal 2.

“I was really challenged pag dating sa character and I was happy kasi makaka-work ko na si Ate Rob.  Isa sa mga prayers ko na maka-work si ate Rob kasi very close kami ever since the [acting] workshop started,” panimulang esplika ni Angela.

“’Yung pinaka-challenging po talaga ’yung love scenes lalo na sa role ko kasi hindi lang basta love scene, ibang intimate scene siya. So, I was very careful na hindi ma-attatch si Angela sa karakter na ’yun.”

Tulad ni Angela ay kinabahan din daw si Rob Guinto nang mabasa niya ang script dahil naman sa threesome scene.

“Kasi actually bago sa akin ito dahil meron kaming intimate scene na hindi ko pa nagawa sa ibang films ko,” aniya pertaining naman sa kanilang threesome.  “Kaya ang ginawa naming tatlo [kasama si Josef], talagang nag-usap kami na kung ano bang dapat gawin sa eksena na ito o kung ano ’yung tama o mali.

Kasi tulad din po ng X-Deal 1 (2011), meron din pong intimate scene ako with a girl at sa lalaki na karakter ni Josef na hindi totally love scene na magugulat talaga ‘yung mga tao,” pabiting kuwento ni Angela.

Samantala, masayang ikinuwento nina Rob at Angela ang magandang naging samahan nila sa loob 10 days lock-in shoot nila out of town dahil mas lalo daw silang naging close.

“Isa sa memorable [moment] ko ’yung kay Ate Rob, kasi magkasama kami sa room, tapos magkatabi kami [matulog]. Itinabi talaga namin ’yung bed namin para ma-praktis ’yung chemistry namin [as lovers] at naglalagayan kami ng plaster [sa pribadong bahagi ng katawan]! Hahaha!” kaswal na tsika ni Angela.

Nagulat naman si Rob sa ipinagtapat ni Angela dahil hindi nito sukat akalaing ikukuwento nito ang tungkol sa plaster.

Ang hindi naman malilimutan ni Rob ay “’Yung nagkaroon po kami ng workshop with Direk Carla [Pambid]. As in sobrang dami po naming natutunan sa kanya and akala namin na hanggang dito [pagpapa-sexy] lang ang kaya namin pero meron pala na mas mailalabas kami. With production [staff] naman, sobrang saya lalo na ’yung mga pinuntahan po namin [na lugar].”

Samantala, since may temang LGBTQ plus ang X-Deal 2, natanong sina Rob at Angela kung posible bang mag-commit din sila sa same sex relationship kung sakali?

“Para sa akin hindi mo naman kailangang tingnan o... it doesn’t matter kung babae ba o lalaki, kung ano ‘yung nararamdaman mo, bakit hindi?” diretsong sagot ni Rob.

“Siguro kung mahal ko, I’m willing to commit pag mahal ko talaga, sure why not? Tulad ni ate Rob,” say naman ni Angela.

YOLO o You Only Live Once kasi ang tema ng Ex-Deal 2, isang makabagong konsepto na nagsasabing gawin na ang lahat ng makakapagpasaya sa’yo o huwag matakot sumubok sa mga bagay na magpapaligaya sa’yo.

Mapapanood na ang X-Deal 2, directed by Lawrence Fajardo, sa Vivamax starting March 25.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.