Shaira Diaz, nagka-vertigo dahil pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Third year college na si Shaira Diaz at aniya, hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang mga showbiz commitments. Pero, “Ito kasi ang mantra ko: pag gusto may paraan.”

PHOTOS: @shairadiaz_ on Instagram

Third year college na si Shaira Diaz at aniya, hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang mga showbiz commitments. Pero, “Ito kasi ang mantra ko: pag gusto may paraan.”

Dahil pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at pag-aartista ay nagka-vertigo daw ang aktres na si Shaira Diaz

Ito ang ikinuwento n’ya sa amin sa kanyang virtual media conference kamakailan after n’yang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Nabanggit kasi n’ya na maliban sa kanyang showbiz career ay kinakarir din n’ya ang pag-aaral. Kumukuha ng kursong Marketing Management ang dalaga at ngayon ay nasa third year na. 

Kaya naman natanong namin kung paano n’ya napagsasabay ang pag-aaral at ang kanyang showbiz commitments. 

Ito kasi ang mantra ko, pag gusto may paraan. So para sa akin, dahil ginusto ko talaga at gusto ko talagang maka-graduate ginagawa ko talaga ng paraan,” paliwanag ni Shaira. 

Hindi daw ito madali dahil parehong demanding sa oras ang school at ang mga commitments niya sa entertainment industry. 

Hindi kasi naiiwasan na magba-bangga sila ng schedule so ang gagawin ko makikipag-usap ako sa prof ko na may ganito, na working student ako...Baka p’wedeng magkaroon ng special exam, mga ganu’n. [Baka] p’wedeng mai-take ko, maihabol ko. Thankful ako kasi ‘yong mga profs ko understanding sila. ’Yon ’yong nakakatuwa,” dagdag pa ng Artista Academy alumna. 

Pagpapatuloy pa n’ya, “Ngayon naman, dahil nga nasa pandemic tayo, online o virtual ’yong mga klase. Pag dating naman kung may work madali namang gawan ng paraan. Kasi before kailangan ko magpaalam sa school ko kasi inabot ko ’yong face-to-face [classes] pa, e. Third year [college student] na kasi ako ngayon. Umabot ako sa face-to-face [classes] na nagwo-work din ako.

Kunwari exam week namin, iba-block off ko naman s’ya sa work ko para walang pasukan na trabaho. Kasi para sa akin importante ’yong exam week, e. Hindi kasi lahat [ng prof] nagbibigay ng special exam so wino-work out ko ’yon both sides po.

Dagdag pa niya, nagka-vertigo daw s’ya dahil sa labis na pagpupuyat at pagod dahil may mga pagkakataong magkakasunod ang taping at exams n’ya noon. 

Dito po na-trigger ’yong vertigo ko. Nagkaroon ako ng vertigo dahil sa pinagsasabay ko sila [pag-aaral at pag-aartista],” sey ni Shaira.  

Kasi katulad sa taping inaabot kami ng umaga noon [pre-pandemic] tapos exam namin o may quiz kami kinabukasan...so imbes na itulog ko o ipahinga ko, ia-aral ko pa s’ya at tatapusin ko ang mga homework,” patuloy na pagbabalik-tanaw n’ya. “Mahirap, hindi s’ya biro pero pag gusto mo naman kakayanin.

Anyway, masaya ngayon ang aktres dahil finally ay tuloy na tuloy na pagbibidahan n’yang action-adventure series na Lolong kung saan ka-love team n’ya si Ruru Madrid

Sobrang masaya ako dahil ang tagal kong hinintay ’to. Ang dami pong naging adjustment. Ang daming beses na na-move ’to to the point na akala ko baka hindi na tuloy kasi parang ang tagal,” lahad ni Shaira sa entertainment press.

“Two years na po kasi akong nabakante sa [paggawa ng] teleserye. Last ko po ’yong Love You Two nga. Ngayong tuloy na tuloy na s’ya kaya sobrang happy ko, s’yempre.

Hindi naman itinanggi ni Shaira na napi-pressure din s’ya dahil malaki ang teleseryeng gagawin nila pero mas nangingibabaw daw sa kanya ngayon ang excitement.

Meron pong pressure pero good pressure naman kasi first time na [gaganap ako sa] action series, malaking production, tapos hindi rin biro ’yong cast namin na binuo nila,” aniya.

Pagtitiyak pa ng Kapuso actress, matutuwa daw ang mga viewers dahil “stellar cast” ang mapapanood nila sa upcoming action-adventure series. 

At saka ’yong buwaya namin, malaki ’yong buwaya. Gusto ko nang makita,” pagtatapos ni Shaira.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.