Shaira Diaz, naiyak ng malamang siya ang itatambal kay Ruru Madrid para sa upcoming action/adventure series ng GMA-7

Matagal ko ng pangarap ang action, simula palang nung nagstart ako sa industriyang ito. Kaya sobra nalang ang pagiyak ko nung sinabi nila na ako ang napili para gumanap sa role na yun."

PHOTOS: @shairadiaz_ (L) & @rurumadrid8 (R)

Matagal ko ng pangarap ang action, simula palang nung nagstart ako sa industriyang ito. Kaya sobra nalang ang pagiyak ko nung sinabi nila na ako ang napili para gumanap sa role na yun."

Napaiyak sa saya ang aktres na si Shaira Diaz nang malamang s'ya na ang itatambal kay Kapuso leading man Ruru Madrid para sa upcoming action/adventure series ng GMA Network na "Lolong."

Ito na daw ang pinakamalaking adventure series na gagawin ng Kapuso network kaya naman masaya at thankful si Shaira na sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang leading lady sa show. 

Nu'ng una, inakala daw ng 25-year-old star na screen test lang ang gagawin nila via Zoom pero kasunod nu'n ay ang pag-announce na s'ya na ang magiging kapareha ni Ruru sa bagong teleserye.  

"Nahirapan po ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa prod, sa Public Affairs for choosing me," pahayag ng umiiyak na si Shaira habang ini-interview ni Lhar Santiago na inere sa 24 Oras kahapon, October 7.

Sey naman ni Ruru, sa online interview din, never pa daw silang nagkatrabaho ni Shaira pero napapanood na daw n'ya ang actress at hanga s'ya sa acting skills nito.

"Finally, may nahanap na pong perfect para po sa role and si Shaira po 'yon," paglalahad ng aktor. "Ako, hindi ko pa po nakakatrabaho si Shaira pero lagi ko po s'yang napapanood at nagagalingan po talaga ako sa kanya."

Patikim naman ni Direk Rommel Fineza, na s'yang may hawak sa project, magiging action-packed daw talaga ang series kung saan magkakaroon daw ng jungle and underwater fight scenes at maging sa loob nang lumilipad na helicopter. 

Kaya naman na-excite ang dalawang Kapuso actors sa gagawin nilang teleserye at hindi daw sila magpapa-double pagdating sa mga stunts.

"Everytime po na binibigyan nila ako ng project, hundred percent po... 'Pag minsan may fight scenes hindi talaga ako nagpapa-double," pagtitiyak ni Ruru na gumanap na noon bilang Ybrahim sa TV series na Encantadia kung saan marami s'yang naging fights scenes. 

Game din daw ang excited na si Shaira na s'ya mismo ang gagawa ng mga stunts. 

"Same kay Ruru. Siguro, dito hindi rin ako magpapa-double," saad ng aktres sa interview. "Ganu'n ako ka-excited at kasaya. Seryoso ako. Gusto ko ako 'yong gumawa talaga lalo kapag action."

Sa kanya namang Facebook post kahapon, nagpaliwanag ang Artista Academy alumna kung bakit ganu'n na lang ang kanyang pag-iyak nang makuha ang lead role sa Lolong. 

"Gusto ko lang sabihin na ito talaga yung dream role ko," panimula ni Shaira sa kanyang FB post. "Matagal ko ng pangarap ang action, simula palang nung nagstart ako sa industriyang ito. Kaya sobra nalang ang pagiyak ko nung sinabi nila na ako ang napili para gumanap sa role na yun."

Pag-amin pa n'ya, hindi daw n'ya in-expect na sa kanya mapupunta ang inaasam na role.

"Sa totoo lang di ko talaga inexpect dahil inaamin ko na nahirapan ako umarte via zoom kaya pakiramdam ko nawala yung chance ko na makuha yung role dahil parang di ko mabigay yung best ko. Pero ayun na nga... GOD IS GOOD!!!! He made it all happen!!! Until now di parin ako makapaniwala, hindi pa siya nagsisink in sakin. SOBRANG SAYA KO!!!"

Pinasalamatan din ng aktres sa management at production team sa pagtitiwala sa kanya, at ang kanyang mga fans sa kanilang ibinibigay na suporta.

"Hindi ko po kayo bibiguin. Ibibigay ko talaga ang 1000% ko!! At higit sa lahat, maraming salamat sa Panginoon!!!!🙏 #ToGobetheglory #LOLONG" pagtatapos ni Shaira.

 

Gusto ko lang sabihin na ito talaga yung dream role ko. Matagal ko ng pangarap ang action, simula palang nung nagstart...

Posted by Shaira Diaz on Wednesday, October 7, 2020

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nakipag-meeting sa ABS-CBN bosses, hindi para magpa-alam kundi para alamin kung ano ang maitutulong nila sa network

Erich Gonzales set to lead new Kapamilya serye ‘La Vida Lena’

Korina Sanchez moves to TV5

Pika's Pick: Xian Lim reveals upcoming project with Kylie Verzosa and Marco Gumabao

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.