Kasalukuyang nasa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano si Sharon Cuneta, pero simula nang mag-post siya nang pagka-disgusto nang awitin ni former presidential spokesperson Salvador Panelo sa campaign sortie ni Sara Duterte ang classic na awitin niyang “Sana’y Wala Nang Wakas,” ay hindi na tumigil ang pag-atake at pangba-bash sa misis ni vice-presidential candidate Kiko Pangilinan.
May mga nagpapakilala pang matagal na raw niyang fans umano, pero dahil sa umano’y “pagmamaramot” niya ay nakita raw nila ang tunay na ugali ng Megastar. At ilan nga sa mga nababasa naming komento sa social media ay ang pagde-deklara ng ilan na tinabangan sila ng paghanga sa movie and music icon.
At kagabi, March 24, isang mahabang post ng pagpapaliwanag ang inilapag ni Sharon sa Instagram at Facebook. Inilatag niya ang mga dahilan kung bakit nakapag-post siya nang pagka-disgusto sa pagkaka-awit ni Sal Panelo sa kanyang klasikong kanta.
Ang pagkakamali raw kasi niya ay ang hindi niya naipaliwanag nang mabuti kung bakit gano’n ang naging reaksyon niya sa nauna niyang post na ngayon ay deleted na.
Hindi umano siya maramot.
Ang nais niyang maunawaan ng mga tao ay ang konteksto ng pagkakagamit ni Panelo ng awitin sa panahon ng kampanya at nagkataong magkatunggali sila ng partido.
Ayaw na raw sana niyang dagdagan pa ang issue pero importante raw na maitawid niya ang tunay na damdamin niya tungkol sa mga naganap.
“I thought long and hard about whether I should write this,” panimula niya sa kanyang 13-page swipable IG post.
“Kasi bugbog na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan. But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those of you who’d care to know it.
“I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s. I thought that since I said ‘I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant),’ people would understand why I reacted in such a way.”
Pakiramdam daw kasi niya ay minamaliit ang kanyang kabiyak sa pagkakapili ng kanta niya para kantahin sa kampanya ng ibang partido.
“Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako,” pag-amin niya.
“Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online. I suspect it was because they too, found it a bit ‘off.’”
Hindi lang naman umano si Panelo ang umaawit ng mga awitin niya, partikular ang “Sana’y Wala Nang Wakas,” sa iba’t ibang okasyon at pagkakataon pero wala naman siyang nireakan ni isa. Sadyang naging iba lang daw ang naging dating sa kanya nang awitin na ito ng ibang politiko na hindi nila ka-partido.
“Ngayon lahat na ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao. My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka.
“Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido.
“Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties.”
Tila hindi raw akma sa kanya ang tawaging maramot dahil wala siyang maalalang pagkakataon sa buhay niya na siya ay nagdamot. Kanta pa raw ba ang ipagdamot niya?
“Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip. Mula nung bata ako mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puedeng ibigay. Kanta ko pa kaya?”
Aniya pa, hindi raw siya aware na may special child na anak si Panelo na siyang naalala nito pag kinakanta nito ang “Sana’y Wala Nang Wakas.”
“Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito ‘to raise awareness on the needs of special children.’”
Sa puntong iyon ay pareho daw pala sila ng advocacy.
“Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon,” pagpapatuloy niya. Remember - I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation. That was where I started and I moved on to other organizations - and individuals - both with special needs and not.”
Ang kaibahan lang daw ay hindi niya ginagawa ang pagtulong ng dahil sa pulkitika.
“At di ko ginawa lahat yon dahil tumatakbo ako for public office. Ganon lang ako talaga pinalaki ng Daddy at Mommy ko.”
Pero dahil sa isyung nalikha ng kanyang naunang nabitawang salita, umani nga siya ng mga batikos. Pero aminado siyang pinaka-ininda niya ang mga batikos na galing sa mga akala niya ay kilala na siya ng lubusan.
“It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names. Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party.”
Nang dahil na rin daw sa pangyayari kunsaan, mas nakilala raw niya kung sino talaga ang mga tunay niyang kaibigan.
“But it is during times like these when you find out who your real friends are - those who sincerely care about you and tell you what they think.”
Sa huli, inihingi niya ng paumanhin ang nauna niyang naging reaksyon sa pangyayari, partikular ang mga nagamit niyang pananalita.
“So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what.”
Humingi rin siya ng tawad sa kanyang mga loyal fans na maaring na-disappoint din sa naging actuations niya.
“I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako?
“Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko. Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag ‘kalabit’ sa akin in a bad way. Napagod ako, natutong sumagot, lumaban. Lalo na pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para naman nakapatay kami ng tao.”
Nagsilbing leksyon daw sa kanya ang mga pangyayari at magiging maingat na sa susunod.
“But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional. Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy. I made a mistake. And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me. I have never started anything negative.
“I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you. God knows because He sees everything.
“Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Gladys Guevarra, dismayado kay Sharon Cuneta
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber