Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nakapag-usap at nagkabati dahil sa pag-padrino ng isang kaibigan

Incidentally, ang date ng Iconic presscon, which was September 23, 2019, ay nataon palang wedding anniversary sana nina ni Gabby. Had their marriage been successful, dapat ay ipinagdiriwang na nila ang kanilang 35th wedding anniversary. They tied the knot at the Manila Cathedral on September 23, 1984.

PHOTOS: Anna Pingol & @pldtgabayguro

Incidentally, ang date ng Iconic presscon, which was September 23, 2019, ay nataon palang wedding anniversary sana nina ni Gabby. Had their marriage been successful, dapat ay ipinagdiriwang na nila ang kanilang 35th wedding anniversary. They tied the knot at the Manila Cathedral on September 23, 1984.

Isang araw matapos mag-trending sa social media at pag-usapan nang husto ang “Come What May” duet nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa 12th Gabay Guro event ng PLDT na ginanap sa Mall of Asia (MOA) noong September 22, ay nataon namang siyang naging takdang araw ng press conference para sa nalalapit na Iconic concert ni Megastar Sharon kasama—for the first time in her career—ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Kaya naman isa sa agad naging topic sa press con, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City, ay ang nasabing duet nilang mag-ex ng theme song ng kanilang first ever movie together as a loveteam na Deart Heart noong 1981.

Contrary sa mga iniisip ng tao na planado ang pagdu-duet nilang yon, sinabi ni Sharon na maski siya ay nagulat sa biglang pasulpot ni Gabby sa stage. Nabuyo lang kumbaga ang aktor at naging game naman si Mega.

Pero nilinaw niya na prior to that instant duet—na ikinakilig ng sambayanan at ikinadagundong ng MOA arena—ay nagka-usap at nagkabati na raw sila ni Gabby. 

“Actually, the truth is nagulat din kami. We were not supposed to sing together,” paunang tsika ni Sharon. “Yeah, we were not. I didn’t even know he’s going to be there. I prepared two songs and then—I dunno if it’s too personal—but he asked a friend of mine if, you know, he could talk to me and I said, ‘You know, time has passed… I think it’s okay.’”

Hindi na nabanggit ni Sharon kung sinong friend niya ang nilapitan ni Gabby para magpa-padrino. Pero ang mahalaga, okay na ulit sila matapos magkatampuhan last year sa hindi matukoy na dahilan. In fact, ang pagtatanggal ni Sharon ng mga posts niya ng pictures nila ni Gabby na kuha sa kanilang McDonald’s TV commercial lang ang naging basehan ng publiko para isiping nagkatampuhan ang dalawa. 

“So it was nice, we talk,” patuloy ni Sharon. “We’re okay,  and then we... just right there and there kasi nando’n din si Pops [Fernandez] at si Martin [Nievera], so, lokohan-lokohan and the people from PLDT rin, they were so funny… so sabi ko nice din because we saw the reaction and how warm the people were still to our team up so was a nice thing.”

Incidentally, ang date ng Iconic presscon, which was September 23, 2019, ay nataon palang wedding anniversary sana nila ni Gabby. Had their marriage been successful, dapat ay ipinagdiriwang na nila ang kanilang 35th wedding anniversary. They tied the knot at the Manila Cathedral on September 23, 1984.

Nabanggit din ni Sharon sa Iconic press conference na wala pa raw reaksyon ang anak nila ni Gabby na si KC Concepcion, pero aniya, sanay na raw ito sa galit-bati’ng relasyon nila kaya hindi na ito nagugulat. 

Sa tanong naman ni Regine Velasquez—na isang true-blue Sharonian pero fan na fan din ng Sharon-Gabby loveteam—kung possible na bang ma-revive ang planong reunion movie nilang naunsiyami last year, ay ipinapa-ubaya nalang daw ni Sharon ang lahat sa Universe. Pero kung siya daw ay open siya dahil professional actor naman niya.

Matatandaang 2009 pa nang mapabalitang magkakaroon ng Sharon-Gabby reunion movie na may title pa nang BFF: Best Friends Forever. Pero nagka-Sharon-Robin [Padilla] at Sharon-Goma [Richard Gomez] movies na ay hindi pa rin nagkakaroon ng Sha-Gab movie. Muling umingay ang possibility nito last year after mai-ere ang kanilang historic McDonald’s TVC.

Pero hindi pa man napapalitan ang McDo commercial nila ay na-strain na naman ang relations nina Sharon at Gabby na ang duda ng marami ay may kinalaman sa mga negotiations surrounding the Sha-Gab reunion movie mismo.

Pero kung hindi man matutuloy pa ang Sha-Gab reunion, at least ay eto at mangyayari na rin sa wakas ang pagsasama nila sa isang concert ni Regine Velasquez, na hindi possible noon dahil sa mga contract restrictions nila sa kanilang respective TV networks (GMA-7 kay regine) at (ABS-CBN kay Sharon).

The historic musical event, aptly called Iconic, is happening on October 18 and 19 at the Araneta Coliseum.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion duet reunion draws cheers from MOA crowd

Sharon, na-trauma sa reunion movie with Gabby

Sharon and Richard profess they will always love each other

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.