Sharon Cuneta, beast mode na rumesbak sa Netizen na nagbanta umano ng rape sa kanyang anak na si Frankie: “WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA!”

PHOTOS: @mega_magazine (L) & @frankiepangilinan (R) on Instagram

PHOTOS: @mega_magazine (L) & @frankiepangilinan (R) on Instagram

Sumambulat ang galit ni Megastar Sharon Cuneta sa social media ngayong araw, June 20, matapos may isang netizen na nagbanta ng rape sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Nitong mga nakaraang araw kasi, naging abala ang 19-year-old daughter nina Sharon and Senator Kiko sa pakikipag-diskusyon hinggil sa isyu ng rape at victim-blaming culture sa Twitter.

Sa katunayan, nakabangayan pa nito ang TV and radio personality na si Ben Tulfo tungkol sa kinalaman ng pananamit ng mga babae kaya umano sila nagiging biktima ng mga rapist.

Ang paninindigan ni Frankie—na hindi sinasadyang nakabuo tuloy ng #hijaako movement (hashtag na galing sa pagtawag sa kanya ni Ben Tulfo ng “Hija”)—hindi dapat turuan sa kanilang pananamit ang kababaihan, bagkus ay turuan ang kalalakihan na huwag maging rapist.

At ngayong araw nga, isang social media poster mula The DDS Confessions na naglalaman ng pahayag at larawan ng isa umanong die-hard supporter ni Pangulong Duterte ang kumakalat ngayon online.

(Ang DDS Confessions ay isang Facebook page na nagpi-feature ng mga pahayag ng mga taga-suporta umano ni Pangulong Duterte.) 

Sa nakalagay na text sa poster, pinagbantaan ng panghahalay ng lalaking pinangalanang Sonny Alcos ang dalagang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. 

Narito ang nakalagay sa social media poster:

"PASALAMAT KA IHA, KUNG ANG EDAD KO 12 YRS. MAGTAGO KA NA SA TATAY MONG SENADOR KIKO MATSING PANGILINAN DAHIL HAHANAPIN KITA PARA GAHASAIN. TAPOS SISIHIN MO TATAY MO. DAHIL AKO MAKUKULONG."

 

#humansofdds #ddsconfessions #theddsconfessions #junkterrorbillnow #weareddsconfessions

Posted by The DDS Confessions on Friday, June 19, 2020

Nakarating din kay Frankie ang nasabing poster at isinama n'ya ito sa kanyang tweet with three middle finger emoji kaninang umaga.

Nagpahabol din ng tweet ang singer-songwriter at sinabing: "[I] mean sana laging makunat ang kanin niyo po."

Few hours later, nakarating kay Megastar ang nasabing social media poster kaya naman ganun na lamang ang galit n'ya at ibinuhos niya iyon sa kanyang social media accounts. 

"What an a**h**e of a father," panimulang bwelta ni Sharon sa mahaba niyang FB post para sa netizen na bina-background check na din pala ng kampo n'ya. 

"Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino." 

Tinabla rin ng actress-singer ang nasabing netizen at sinabing kahihiyan kay Pangulong Duterte ang ma-associate sa mga gaya.

"Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo?"

Hindi rin pinalagpas ni Megastar na ma-lecture-an si Alcos dahil sa mali nitong pagkakaunawa sa Juvenile Justice Law of 2006, which was authored by her husband, Senator Kiko.

"At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! 

"Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal."

Dagdag pa ng iconic singer-actress: "BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA."

Nagpasintabi rin si Sharon sa kanyang mga fans nang murahin n'ya ang Netizen at tinawag itong "walang takot sa D'yos" dahil sa nagawa nitong banta sa kanyag anak. 

"(Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS!"

At na-beast mode na nga ang premyadong aktres at hinamon si Alcos na s'ya ang harapin dahil hindi n'ya daw ito uurungan. 

"Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko!" matapang na pahayag ni Sharon. "Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan."

Pagpapatuloy pa ng senator's wife: "HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!"

As of this moment ay gumagawa na daw ng hakbang ang kampo ng aktres upang turuan ng leksyon ang Netizen at binantaan pa ito na hindi n'ya diumano ito patatahimikin.

"I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM. 

"I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. 

"TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. 

"TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA," pagtatapos ni Sharon.

 

What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay...

Posted by Sharon Cuneta on Friday, June 19, 2020

Umani naman ng suporta sa kanyang naging post si Sharon mula sa fans at mga kasamahan sa entertainment industry.

As of this writing, muling nagbanta ang galit na galit pa ring si Megastar, this time, sa Instagram naman. 

Aniya: ”I’ve spent ALL DAY CALLING PEOPLE. You better get ready. MAN OH MAN. YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G RAPIST!!!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

💪🏻

💪🏻

💪🏻

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.