Binasag na rin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pananahimik tungkol sa isyu ng magiging tunggalian o tapatan ng itinuturing niyang “ama” rin na si Senator Tito Sotto, asawa ng kanyang beloved aunt na si Helen Gamboa; at ng kanyang asawa of 25 years na si Senator Kiko Pangilinan sa darating na eleksyon 2022.
Kapwa kasi kakandidato sa pagka-Bise Presidente ng bansa ang dalawang taong malapit sa kanya.
Ngayong araw, October 12, kasabay halos ng pagbabalik niya sa bansa mula sa biglaang bakasyon sa New York, ay naglabas ng kanyang damdamin ang iconic singer-actress ukol sa kanyang predicament na tinawag niyang “naka-gitna sa dalawang nag-uumpugang bato.”
Hindi itinanggi ni Sharon na mabigat sa kanyang kalooban ang laban na ito ng dalawang lalaking malapit sa puso niya. Hindi nga raw niya alam kung ano ba ang nagawa niya in the past to deserve to be in this situation.
Humihiling din ito ng dasal mula sa kanyang mga followers para sa kanilang lahat. At umaasa rin daw siya na sana raw, kapag natapos na ang larong kung tawagin ay pulitika, ay manumbalik pa rin ang dati nilang relasyon at maghilom ang kani-kanilang mga sugat.
Narito ang actual Instagram caption ni Sharon:
“I come home with a happy, but heavy heart. Two men I greatly love - one whom I have known since birth, and the other, one I exchanged solemn vows with twenty-five years ago, are about to vie for the second highest position in the country, and once again, I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks.
“What could I, can I do? I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us.
“It is most difficult for us in the periphery, who never imagined we would be in this position. May God bless us all. May God help me through this trying period…Please pray for all of us…”
Ang latest Instagram post niya—pagkatapos niyang mag-post ng update ukol sa tuloy-tuloy na pagbaba ng kanyang timbang—ay isang quote card na naglalaman ng mga salitang tila sumasalamin sa present niyang damdamin:
“The sad thing is, nobody ever really knows how much anyone else is hurting.
“We could be standing next to somebody who is completely broken and we wouldn’t even know it.”
Sinundan pa niya ito maraming praying emojis sa caption.
Sa kabilang banda, katulad ni Sharon, ang kanyang pinsan na si Ciara Sotto, bunsong anak ni Sen. Tito at Helen, ay nauna nang magpahayag ng damdamin tungkol sa pangyayari. Inamin niyang dismayado siya, nasaktan, at iniyakan ang last-minute na pagpa-file ng certificate of candidacy (COC) ni Sen. Kiko. The act readily pits him against her dad, Sen. Tito na isa sa mga naunang mag-deklara at nag-file ni COC sa pagka-bise presidente.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber