Sharon Cuneta, di mapatawad ang clinic na nagbigay ng false positive swab test result niya

PHOTOS: @reallysharoncuneta on Instagram

PHOTOS: @reallysharoncuneta on Instagram

Hindi daw mapapatawad ni Megastar Sharon Cuneta ang laboratory na ayaw n’yang pangalanan sa paglalabas nito ng false positive result ng kanyang COVID-19 swab test. 

Isa ito sa naging kwento n’ya sa kanyang mga tagasubaybay sa kanyang Facebook at Instagram Live kahapon, May 28, kung saan nakasama n’ya ang mister n’yang si Senator Kiko Pangilinan. 

Dito sinabi n’yang ang false positive result ang dahilan kung bakit napurnada ang pagkakasali n’ya sa isang Hollywood film starring Filipino comedian Jo Koy with no less than Steven Speilberg as the producer. 

Dapat umalis ako ng May 18 to fly to LA [Los Angeles, California] and the very next day fly to Canada kung saan ang shooting,” pagre-recall ni Sharon, na nasa Amerika ngayon, sa video. “E, sa Canada may two-week quarantine at ang umpisa ng shooting namin dapat [June] 3 or something.” 

Last May 16 daw s’ya nagpa-swab at nakuha ang result noon kinabukasan kung kailan plantsado na daw ang lahat. 

“On May 16 I got swabbed by one laboratory that I cannot find within my heart to forgive. I’m sorry I won’t mention it,” aniya. 

“Because on May 17, I was waiting for my result and I had a Zoom meeting… To make the long story short, I was happy,” pagpapatuloy pa n’ya. “Naka-pack na kami. We were ready to leave the next day. I was going to announce to you the very next day and say something like, ‘Hollywood or whatever here I come,’ and surprise all of you, my Sharonians.”

However, after daw ng meeting n’ya saka s’ya sinabihan ng kanyang assistant na positive daw ang resulta ng kanyang swab test na naging dahilan para manlumo s’ya. 

Salaysay n’ya, “And what happened was, wala pang five minutes after my Zoom meeting, my assistant called me to say, ‘Ma’am, ‘di po kayo makakaalis bukas.” I said, ‘Why?’ [Sagot ng assistant], ‘Positive po ‘yong COVID test n’yo.

“So nag-panic ako. I said, ‘What!?’ [Sagot uli ng assistant], ‘Positive po.Natural, nasabi ko kaagad sa manager ko [sa US].

Sharon went on, “It was a big problem kasi everyone is ready. They [the production] couldn’t afford any delay. It was heart-trenching and heartbreaking for me. I literally… Nanlambot ako na para akong natunaw.

Dahil hindi makapaniwala sa naging resulta, nagpa-schedule daw si Megastar ng swab test sa tatlong magkakaibang laboratories sa tatlong magkakasunod na araw. Nakapagpa-swab test din daw sa iba’t ibang okasyon kabilang na ang pagpunta n’ya sa ABS-CBN. 

“It was a total of seven tests after that first ‘supposedly positive’ test. All seven different lab tested me negative. So, hindi ba naman heartbreaking ‘yon. That’s why I was depressed,” sey pa ni Sharon na may halong lungkot at panghihinayang.

Aniya, hindi na siya mahihintay ng production dahil plantsado na ang schedule ng bidang si Jo Koy. Personal choice pa naman umano siya ni Jo Koy para gumanap as his aunt na lagi nitong nababanggit sa mga comedy act niya bukod sa nanay niya.

Kasalukuyang nasa US pa rin ang megastar para magpagaling ng pusong hinayang na hinayang.

Hindi nga naman biro ang mawalan ka ng isang major project at pang-Hollywood pa! Aniya, ang project na may titulong “Josep” ay pang-sinehan at hindi lang pang-streaming. 

Balita namin ay isang Hollywood actress na may Filipino blood na din ang ipinalit kay Sharon. 
 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta showers Angel Locsin with praises after her donation to animal rescue group

Darryl Yap, pinadalhan ni Sharon Cuneta ng LV bag worth $5,000!

Sharon Cuneta, tinawag na “isnabero” si Gabby; inip na ding magka-apo sa anak nilang si KC

Pika's Pick: Sharon Cuneta jokingly pressures daughter KC Concepcion anew to give her grandchild; suggests surrogacy

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.