Sharon Cuneta, hindi na kinakaya ang sunod-sunod na pagkawala ng malalapit sa kanya; “My faith is wavering and I don’t want it to be...”

Dasal ni Sharon Cuneta para sa isang malapit na kaibigang nasa ICU ngayon, mabigyan pa raw sana ng kahit ilang taon ang kaibigan.   “Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya,” pagsusumamo ng megastar.   “Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit.”

PHOTOS: @reallysharoncuneta on Instagram

Dasal ni Sharon Cuneta para sa isang malapit na kaibigang nasa ICU ngayon, mabigyan pa raw sana ng kahit ilang taon ang kaibigan.  “Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya,” pagsusumamo ng megastar.  “Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit.”

Humihingi ngayon ng dasal si Megastar Sharon Cuneta dahil sa sunod-sunod na pagyao ng ilan sa pinakamalalapit n’yang kaibigan. 

Hindi pa man daw kasi s’ya nakakapag-babang luksa sa pagkamatay ng kanyang long-time makeup artist and friend na si Fanny Serrano nitong nakaraang Mayo ay heto’t sumakabilang buhay na rin nito lang August 5 sa New York ang isa na namang malapit sa kanya na si Cherie Gil

At ngayong araw, August 17, isa na naman umanong malungkot na balita ang nakarating sa kanya dahil isa na namang kaibigan ang umano’y nakikipaglaban sa buhay nito sa ospital.

Humihiling siya ng dasal para dito sa kanyang mga social media followers.

“Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.’ Please, please pray with me for her healing,” panawagan ni Sharon sa kanyang post kalakip ang artcard na naglalaman ng healing prayer. 

Dasal pa n’ya, mabigyan pa raw sana ng kahit ilang taon ang kaibigan n’ya dahil hindi na raw n’ya kakayaning may mawala pa sa mga malalapit sa kanya. 

“Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya,” pagsusumamo ng actress-singer. 

Humihiling na rin siya ng panalangin para sa sarili para mapagtibay umano ang kanyang humihinang pananampalataya dala ng sunod-sunod na masasakit na pangyayari. 

“Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit,” pagtatapat pa niya.

“Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves,” saad pa n’ya.

Sa kasunod n’yang IG post na may kalakip ding prayer card, humingi rin s’ya ng dasal para naman sa kanyang pamangkin na isa umanong cancer patient. 

“For my niece, ‘Bam,’ I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer,” panawagan ni Megastar.

“She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po,” pagtatapos n’ya. 

Dinamayan naman s’ya ng kanyang mga kaibigan at online followers sa comment sections.

Prayers for your faith and healing, Mega.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sen. Robin Padilla and Atty. Sal Panelo made a surprise visit at Sharon Cuneta’s concert

Pika's Pick: US-based Jaya, reunites with friends Sharon Cuneta and Regine Velasquez in Washington; naiyak habang nanonood ng Iconic concert nila

Pika's Pick: Sharon Cuneta attends the world premiere of the Jo Koy project Easter Sunday in Hollywood; bonds with Fil-Am stars including Tia Carrere and Lou Diamond Phillips

Pika's Pick: Heartbroken Sharon Cuneta, grateful that she got to talk and held her friend Cherie Gil’s hand few hours before she passed on

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.