Sharon Cuneta, naasar kay Salvador Panelo sa pagkanta nito ng classic song niya; Panelo, nagpa-alam naman daw sa Viva

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL,” pahayag ni Sharon.  Pagbibiro pa n’ya, “Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”

PHOTOS: @SharonCunetaOfficial & @panelo.sal on Facebook

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL,” pahayag ni Sharon. Pagbibiro pa n’ya, “Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”

Hindi ikinatuwa ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkanta ni former chief presidential legal counsel Salvador Panelo sa isa sa mga classic hits niyang “Sana’y Wala Nang Wakas.”

Naganap ang pagkanta ng abugado kahapon, March 10, in Quezon City sa meet-and-greet with LGBTQIA group ni Davao City Mayor Sara Duterte, na katunggali ng husband ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente.

Sa kanyang Twitter post kahapon, binanatan ng OPM icon si Panelo sa pagpe-perform nito gamit ang kanyang kanta. 

“WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it!Cannot be.Di dapat sinisira ang isang classic,” pahayag ni Sharon.

Wala rin daw pahintulot si Panelo na gamitin ang kanyang kanta kaya sana ay tumigil na daw ito. 

“Basta TAYO ANG AT MAY ORIG!Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG!Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” aniya.

Nagpatutsada din s’ya sa aspiring senator sa kanyang Instagram post at sinabing ang mga kapartido lang nina Vice President Leni Robredo at running mate nito, her husband Senator Kiko, ang p’wedeng gumamit ng kanyang kanta. 

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL,” pahayag pa n’ya.

Pagbibiro pa ng Megastar, “Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”

Ang awkward lang daw kasi na ginamit ni Panelo ang kanta n’ya sa event ni Sara Duterte na katunggali sa pulitika ng kanyang asawa. 

“Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning,” paliwanag n’ya. 

Sa kabilang banda, baka daw dapat ay magpasalamat s’ya kay Panelo for singing her song dahil maaaring naikakampanya n’ya unknowingly si Kiko by doing what he did.

“On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not,” pagtatapos ni Sharon. 

Sinagot naman ni Sal Panelo ang mga patutsada ni Sharon ay sinabing may special at malalim na meaning sa kanya ang kanta.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song,” pagbabahagi ng former chief presidential legal counsel sa kanyang Facebook page today, March 11.

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it,” dagdag pa n’ya. 

Hindi rin naman daw n’ya pinagkakitaan ang kantang pinasikat ni Sharon at ginamit lamang ito para pang-aliw sa mga taong dumalo sa event. 

“I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that,” pahayag pa n’ya.

Bukod pa roon, may basbas din daw s’ya mula sa Viva Records na s’yang copyright owner ng kanta. 

“In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they've confirmed that I have permission to sing the song,” sey pa ng senatorial aspirant. 

“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin,’” pagtatapos ni Panelo.

 

PANELO TO SHARON CUNETA: I SING TO HONOR MY SON, CARLO “I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs...

Posted by Salvador "Sal Panalo” Panelo on Thursday, March 10, 2022

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.