Sharon Cuneta, “nakipag-ayos” na sa pamilya nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa

Sa mga naging usap-usapan sa loob ng showbiz, ikinasama ng loob ng mga Sottos ang biglaang pagtakbo ni Senator Kiko sa pagka-bise president gayung alam naman umano nila ni Sharon ang plano ni Sen. Tito. Sa parte naman ni Sen. Kiko, hindi umano nito natanggihan ang panunuyo ni then VP Leni Robredo na tumakbo naman bilang pangulo, para maging running mate nito. Dinamdam ng mga Sottos ang direktang pakikipagtunggali ni Sen. Kiko sa kanilang patriarch, habang naipit sa gitna ang megastar.)

PHOTOS: @reallysharoncuenta on Instagram

Sa mga naging usap-usapan sa loob ng showbiz, ikinasama ng loob ng mga Sottos ang biglaang pagtakbo ni Senator Kiko sa pagka-bise president gayung alam naman umano nila ni Sharon ang plano ni Sen. Tito. Sa parte naman ni Sen. Kiko, hindi umano nito natanggihan ang panunuyo ni then VP Leni Robredo na tumakbo naman bilang pangulo, para maging running mate nito. Dinamdam ng mga Sottos ang direktang pakikipagtunggali ni Sen. Kiko sa kanilang patriarch, habang naipit sa gitna ang megastar.)

Tila isinantabi na nina Sharon Cuneta at ng pamilya nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa ang kung ano mang hindi nila pagkakakaunawaan kaugnay sa katatapos lang na May 9 elections.

Nito kasing June 11 ay sunod-sunod na nag-post ng photos sa Instagram si Megastar kasama ang mga Sottos kaya masasabing naplantsa na ang gusot sa pagitan nila. Si Sharon na mismo ang nagbaba ng bandera at pumunta sa mga Sottos para muling ikonekta ang kanilang ugnayan bilang pamilya.

Matatandaan na naging magkatunggali ang tiyuhin n’yang si Senator Tito at ang mister n’yang si Senator Kiko Pangilinan sa vice presidential race nitong nakalipas na halalan na nagresulta sa hindi pagkikibuan ng kanilang mga pamilya.

However, kapwa hindi pinalad na manalo ang dalawang senador dahil si Davao City Mayor Sara Duterte ang nanalo at iprinoklamang pangalawang pangulo kaya marahil ay minabuti na ni Sharon na lumapit sa mga Sotto para maayos ang kanilang relasyon. 

(Sa mga naging usap-usapan sa loob ng showbiz, ikinasama ng loob ng mga Sottos ang biglaang pagtakbo ni Senator Kiko sa pagka-bise president gayung alam naman umano nila ni Sharon ang plano ni Sen. Tito. Sa parte naman ni Sen. Kiko, hindi umano nito natanggihan ang panunuyo ni then VP Leni Robredo na tumakbo naman bilang pangulo, para maging running mate nito. Dinamdam ng mga Sottos ang direktang pakikipagtunggali ni Sen. Kiko sa kanilang patriarch, habang naipit sa gitna ang Megastar.)

Una nang ipinost ni Sharon ang photos n’ya habang kayakap ang veteran actress na si Helen na kanyang tita at kapatid ng kanyang Mommy Elaine. Tinawag pa n’yang “Mama” ang tiyahin dahil itinuring na n’ya ito bilang pangalawang nanay n’ya. 

Kasunod nito ang photos naman nila ni outgoing Senate President Tito na tinawag naman n’yang “Daddy.”

Hindi rin nawala ang photos n’ya with her cousins, na tinawag naman n’ya na kanyang “Sisters,”
kabilang na ang aktres na si Ciara Sotto.

Maging si Ciara ay inire-post ang photos nila ni Sharon at ng Mommy Helen n’ya sa kanyang IG at nilakipan n’ya iyon ng Bible verse (Matthew 5:9, NIV) na: “Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

Masaya naman ang kanilang mga taga-suporta, kabilang na s’yempre ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion na nag-comment sa IG post ni Ciara at sinabing, “MY FAMILY.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta, naasar kay Salvador Panelo sa pagkanta nito ng classic song niya; Panelo, nagpa-alam naman daw sa Viva

Sharon Cuneta, aminadong she “made a mistake” sa mga nabitawang salita kay Panelo; nilinaw na hindi siya maramot na tao

Robin Padilla, humiling ng Sharon Cuneta-Salvador Panelo benefit concert para sa mga batang may special needs; tugon ni Panelo: “Game ako diyan.”

Ciara Sotto, emosyonal na inilatag ang mga dahilan kung bakit ang tatay niyang si Senate President Tito Sotto ang pinaka-kwalipikadong bise presidente

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.