May appreciation post sa Instagram kagabi, June 1, si Megastar Sharon Cuneta para sa close friend niyang si Judy Ann Santos.
Nagpadala kasi ng food sa kanya ang aktres recently para pasayahin siya. Kung iisipin kasi, tila nagkasunod-sunod ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya lately.
Nariyan iyong natalo sa vice presidential race ang mister niyang si Senator Kiko Pangilinan, na sinundan pa ng pagpanaw ng malapit n’yang kaibigan na si Fanny Serrano.
Kaya naman to the rescue sa kanya si Judy Ann by sending her food na ito mismo ang nagluto at may kalakip pang sweet message para sa kanya.
“This is from my sister Juday, who sent it over with lots of food that she herself cooked before I left Manila for taping in Ilocos,” panimulang pahayag ni Sharon sa kanyang caption.
Narito ang nilalaman ng letter ni Juday para sa kanyang Ate Sharon:
“Ate Ko, sa dami ng mga nangyayari ngayon, I hope you’ll find comfort with these food I made for you and the whole family..
“Each day is truly a blessing…. may mga pagsubog man, nalalagpasan pa rin w/ a lot of help from our chosen family, which is our ‘friends’..
“I’ll forever be here for you always ate… anuman ang mangyari, (wala ka ng choice, ipagsisiksikan ko ang buong kaluluwa ko sayo.)
“Mahal na mahal kita ate, mahal na mahal namin ang buong pamilya mo.
“Please take good care of yourself always! Enjoy ate! Eat plenty! Love you always, Juday”
Bukod pa rito, kasama rin sa ipinost ng music and movie icon ang palitan nila ni Judy Ann ng heartwarming messages. Doon ay sinabi n’yang regalo si Juday sa kanya ng Diyos at ipapa-frame daw n’ya ang sulat nito for her.
“Following is part of our text exchange, which of course I asked permission to post too,” aniya.
Ani Sharon, ang mga sulat daw ng gaya ng padala ni Juday ay kabilang sa mga bagay na nagpapalakas sa kanya sa tuwing pinanghihinaan s’ya ng loob at nalulungkot. Kaya naman binabaon daw niya ito sa biyahe para muling basahin sakaling makaramdam ng kalungkutan.
“These are the things I bring with me wherever I go—notes from my children and Kiko and my truest friends,” lahad pa n’ya.
“I often reread them when I am feeling down. I am blessed with just a few friends, but REAL ones…never expecting anything back except my love and friendship too…They are truly blessings I treasure.”
Dagdag pa ng aktres, gusto pa n’yang mapatibay ang pagkakaibigan nila ng BFF n’yang si Judy Ann lalo na ngayong umabot na ng dalawang dekada ang friendship nila.
“I love you, Juday, my sister-by-choice. With all of my heart and from the very depths of it. On our 20th year of friendship this 2022, I can only look forward to our bond strengthening even more, as it has only strengthened over the years after our only movie together thus far,” she wrote
“Mahal na mahal na mahal kita…Hindi lang talaga dugo ang nagiging pamilya. Minsan nga, mas higit pa. Tatanda na tayo together, and like we always say, ‘Hanggang sa kabilang buhay di na tayo magkakahiwalay,’” pagpapatuloy pa n’ya.
“Thank you for loving me for all that I am, flaws and all. I truly love you and thank God for you. @officialjuday,” pagtatapos ni Sharon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Gladys Guevarra, dismayado kay Sharon Cuneta
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber