Tinawag ni Megastar Sharon Cuneta na “isnabero” ang aktor at dati n’yang mister na si Gabby Concepcion.
Last March 23 ay nag-post ang aktres ng fan-made collage photo nila nina Gabby at KC sa Instagram na kinakiligan ng kanilang mga fans.
“This girl is the very best ‘thing’ we ever did together @itskcconcepcion Right, Papi? @concepciongabby #oncewewereafamily,” pagbibida ni Sharon kay KC, sabay pagta-tag sa kanyang ex-husband na si Gabby.
Dinagsa ng kanilang tagahanga ang comment section para iparating sa seasoned actress ang kanilang kilig sa ipinost nitong litrato at suporta na rin para sa kanilang tatlo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na itinag ni Sharon sa isang IG post ang dati n’yang mister pero kahit minsan ay never itong sumagot sa kanya sa comment section. Marami din sa mga nag-comment ay hinahanap tugon ng Kapuso actor.
“Papi san na u?? @concepciongabby,” tanong ng isa nilang fan.
Sinagot naman ito ni Sharon at sinabing “isnabero” ang dati n’yang mister at hindi n’ya daw alam kung bakit gayong okey naman daw sila nito.
“Isnabero yan di ko nga lam bakit eh lam ko okay naman kami! Di ko na lam!” ani Sharon.
Isa rin nilang fan ang humiling na sana daw ang magka-apo na si Mega.
“[S]ana magka-Apo na rin kayo,” wish ng isang fan sa comment section.
Pag-amin naman sa kanya ni Sharon, maging s’ya daw ay inip na ding magkaroon ng apo sa anak n’yang si KC.
“Inip na inip na nga ako!” pahayag n’ya.
Aprubado din daw sa kanya na kumuha ng surrogate mom ang kanyang anak kung sakali.
“Kahit magpasurrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs nya!” sey pa ng OPM icon.
Taong 1984 nang magpakasal sina Gabby at Sharon. Nang sumunod na taon, 1985, nang dumating sa buhay nila ang anak na si KC.
After three years of marriage ay naghiwalay din ang dalawa. At present ay masaya na sina Gabby at Sharon sa kani-kanilang pamilya.
Napapanood ngayon si Gabby sa Kapuso primetime series na First Yaya katambal si Sanya Lopez habang kakatapos lang ni Sharon mag-shoot para sa Revirginized movie n’ya under Viva Films na mapapanood soon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sharon Cuneta, heartbroken now that Fanny Serrano is on life support
Buhay-prinsepe ang pangako ni Sharon Cuneta sa inampon niyang AsPin mula sa Olongapo
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber