In February 2018, umugong ang balitang magkaka-reunion movie sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion—ang hit 80’s loveteam ng Viva Films na nagkatuluyan in real life pero kalaunan ay naghiwalay rin—matapos lumabas ang Valentine’s TV/soc-med ad nila para sa isang food chain.
Nagbunyi ang mga masigasig pa ring fans ng dalawa na matagal-tagal na ring nag-aabang sa dream project na ito lalo pa’t una na silang pinakilig ng dalawa via the food chain ad na sinabayan pa nila ng mga sari-sarili nilang posts sa social media noong mga panahon na yon.
And indeed, nagkaroon nga pala talaga ng negosasyon among Sharon and Gabby at ng Star Cinema. Pero sa kasamaang palad, hindi naging matagumpay ang mga pag-uusap-usap.
Marami diumanong hindi napagkasunduan ang magkabilang kampo nina Sharon at Gabby kabilang na diumanio ang TF (talent fee) at billing.
Nasundan pa ito ng pagdi-delete ni Sharon ng mga nauna na niyang good vibes posts tungkol kay Gabby at sa pinagsamahan nilang food-chain ad. Muling nanlumo ang mga umasa ng fans.
Nag-post ng apology si Sharon para sa mga nabigong fans at sinabi pa niyang she’s just as heart-broken as they were. Bagama’t hindi siya nagbigay ng anumang detalye sa kung bakit hindi na matutuloy ang reunion movie, dinagdag pa ni Sharon noon na “there may never be another Sharon-Gabby movie again. Sorry."
Pero sa tuwing magkakaroon ng chance ang ilang members ng entertainment press na hingan ng update si Sharon tungkol sa possibility pa rin ng sinasabing reunion movie, consistent ang sagot ng Megastar sa “issue”—na it’s not her call anymore.
“Hayaan na natin parang…kasi parang s’yempre meron kaming fans na [naka]-tutok pa rin… Umm, medyo na-trauma ako doon sa huling hindi natuloy, e. Maraming pangyayaring hindi naman dapat so ayoko ng gano’n. Gusto ko walang hidwaan, walang misunderstanding.
“So I’m very open naman to it hindi naman kailangan gano’n. So it’s really not my call, it’s not my move.”
Tila ang pahiwatig ni Mega (isa sa mga petnames ni Sharon), na kay Gabby talaga ang susi kung magkakaroon pa talaga ng Sharon-Gabby reunion movie.
“Me, depende talaga sa kanya kasi pag tinanong mo siya sasabihin niya anytime p’wde siya. Sinasabi ko, anytime p’wede ako. Tanuning na lang ninyo ’yong mga producers kung sino talaga ’yong ‘Anytime p’wede ako.’”
Biro pa niya, kahit horror daw ang reunion movie ay p’wede siya.
Samantala, hindi naman daw naging affected si KC Concepcion (ang naging bunga ng pagsasama nila ni Gabby) sa hindi pagkakatuloy ng reunion movie nila ng daddy nito at maging sa pagkaka-udlot ng pagiging “friends again” stage sana nila ni Gabby.
“Si KC, ay hindi sanay na siya. Hahaha… maliit pa siya…my daughter is so understanding and intelligen and broadminded. She knows the situations and she knows us both.”
Incidentally, sa media conference ng horror movie niyang Kuwaresma nakausap ng pikapika.ph at ng iba pang members of the entertainment press si Sharon, who added na hindi na nagkamali ng desisyon ng tanggaping ang alok ni Direk Erik Matti na subukin niya ang all-out horror genre.
Kuwaresma is showing May 15.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sharon, binalikan ang panahong pinag-bida siya ni Mother Lily kahit “mataba” siya
Sharon and Richard profess they will always love each other
Sharon to her fans: “Hindi ko po alam kung pa’no ko susuklian ang kabutihan n’yo sa akin.”