Sheena Halili, may nakakatawang rant dahil mas kamukha ng asawa niya ang baby nilang si Martina

PHOTOS: @mysheenahalili on Instagram

PHOTOS: @mysheenahalili on Instagram

Makaka-relate ang mga mommies sa latest hanash ng celebrity at first-time mom na si Sheena Halili

Sa kanya kasing Instagram, nag-post nang nakakatawang rant ang Kapuso actress tungkol sa baby daughter n’yang si Martina. 

Sey ni Sheena, s’ya daw ang nagpakahirap mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak kay Baby Martina Candice pero sa mister n‘ya palang si Jeron Manzanero ito magmamana ng looks. 

“Ako ang nag-lihi, nagka stretchmarks, nag-labor, nanganak, nag injection every meal, napupuyat, nagpapa-ligo, nakikipag-laro, at nagpapa breastfeed pero TATAY ANG KAMUKHA! HUWAW! Diba!” nakakatawang pahayag ng 34-year-old StarStruck Season 1 graduate sa kanyang IG post. 

Her post came with a series of cute photos nilang mag-ina. 

At s’yempre, dahil alam n’yang hindi lang s’ya ang may ganitong case scenario, naghanap ng karamay si Sheena online. 

“Taas ang kamay ng mga mommies na di rin kamukha ang mga anak nila. Congratulations!” aniya. 

Sumagot naman sa comment section ang celebrity mom din na si Charee Pineda na tila kapareho ni Sheena ng sitwasyon at sinabing, “Present!!!”

SCREENSHOT: @mysheenahalili on Instagram

However, natutuwa daw si Sheena kapag may nagsasabing nakuha ni Baby Martina ang hair nito sa kanya. 

”Pero kilig na kilig ako pag sinasabi nilang pareho kayo ng BUHOK! Haha masayang masaya na kahit buhok lang,” pahayag pa ng aktres na mukhang enjoy sa pagiging nanay. 

Isa si Sheena sa mga celebrities na naging mommy ngayong panahon ng pandemya nang isilang n’ya ang first born nila ni Jeron last December 13, 2020.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sheena Halili and Jeron Manzanero celebrate first wedding anniversary

Pika's Pick: Sheena Halili gives birth and their celebrity friends are ecstatic for her

Pika’s Pick: Sheena Halili and husband Jeron Manzanero are set to reveal their baby’s gender!

Sheena Halili shares the challenges of her pregnancy and “paglilihi.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.