Short Films competition ni VP Leni, dalawang taon na; mga bagong winners inihayag

PHOTOS: @istoryangpagasaovp on FB

PHOTOS: @istoryangpagasaovp on FB

Ginanap noong Sabado ng gabi sa Cinema 7 ng Trinoma Cinema sa Quezon City ang gala night and awarding ceremonies ng ikalawang taon ng Istorya ng Pag-asa, ang short film competition na itinataguyod ni Vice President Leni Robredo at ng Office of the Vice President sa tulong ng Ayala Foundation.

Ang mga hosts ng nasabing event ay sina Dingdong Dantes at Iza Calzado, na kapwa rin mga ambassadors ng Istorya ng Pag-asa.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag nang kagalakan si VP Leni dahil sa magandang response ng mga short filmmakers sa Istorya ng Pag-Asa project.

Umabot sa 98 (ninety eight) ang bilang ng mga entries na kanilang natanggap at mula sa numerong ito ay pumili ang mga judges ng 10 finalists na pormal na inanunsiyo noong Sabado.

Ang mga hurado na nag-screen at pumili sa mga nagwagi ay sina FDCP [Film Development Council of the Philippines] Chair Lisa Dino (represented by Dave Fabros), film directors Dan Villegas and Quark Henares, award-winning screenwriter Doy Del Mundo, at ang award-winning actress na si Shamaine Buencamino.

Vice President Leni Robredo led the awarding of the winners of the Istorya ng Pag-asa Film Festival (INPFF) this year, organized by VP Leni's office and Ayala Foundation Inc., during the INPFF Gala Night at Cinema 7 of TriNoma Mall in Quezon City on Saturday, June 8, 2019.

 

Narito ang listahan ng mga nagsi-panalo:

Best Editing – Maglabay Ra In Sakit (directed by ni Milan Jumalon) 

Best Cinematography – Ka Dodoy (directed by Meg Serranilla at Mark Aposaga

Best Director – Litratista (directed by Allan Lazaro)

Ayala Foundation Award –Ka Dodoy

Office of the Vice President Recognition Award – Modern Day Hero (directed by Roy Robert Rusiana)

Ang Yapak, directed by Rommel Mondragon, ang hinirang na People’s Choice Award. Ito ay kuwento ng bulag na magkapatid na sina Rodrigo at Robinson Rada na nagtratrabaho bilang mamimitas ng niyog sa bukid sa kanila ng kanilang kapansanan.

Tatlo naman ang awards para sa Best Picture.

Ang Second Runner-Up ay ang Litratista. Kuwento ito ni Nanay Fely na naging professional photographer after mamatay ang kanyang asawa. Ito ang kanyang naging career and there was a time naging photographer siya ng 12 elementary schools. Apat na dekada na siyang photographer pero wala siyang balak iwan ang trabahong ito. Nagwagi ito ng P30,000 at tropeyo.

Ang First Runner-Up ay ang Maglabay Ra In Sakit na kuwento ni Khalid Hamid (Rk Jun), isang 23-year-old Tausog rap artist na ipinanganak sa Jolo, Sulu at lumaki sa Zamboanga. Pangarap niya na maging isang rap artist kahit na may challenges dulot ng kahirapan at giyera sa Southern Mindanao. Nagwagi ito ng P50,000 at tropeyo.

Ang napiling Best Picture ay ang Ka Dodoy. Ito ay kwento ni Roberto “Ka Dodoy” Ballon, Jr., isang mangingisda na ang leadership, compassion, at sense of duty ay nakatulong para maprotektahan ang mga isda sa kanilang barangay sa Zamboanga, Sibugay. Tumulong si Ka Dodoy na palawakin ang kaalaman sa fish preservation sa kanyang barangay. Ito ay nagwagi ng P80,000 at isang tropeyo.

Lahat ng mga finalists ay nakatanggap ng P5,000 each at ang mga taong subjects ng kanilang short films ay nakatanggap naman ng P10,000 each. 

Ang tatlong Best Picture winners ay nakatakdang ipalabas sa mga Ayala Cinemas nationwide mula June hanggang October ngayong taon.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.