Si Aga Muhlach na nga ba ang bagong MMFF King?

Kung sa unang araw ng festival ay pumangatlo lang diumano ang Miracle sa Tripol Trobol ni Coco Martin, ay agad namang nakopo ng Miracle ang second top-grosser slot noong mga sumunod na araw.

Photos: Instagram

Kung sa unang araw ng festival ay pumangatlo lang diumano ang Miracle sa Tripol Trobol ni Coco Martin, ay agad namang nakopo ng Miracle ang second top-grosser slot noong mga sumunod na araw.

Mukang may basehan ang mga naglalabasang unofficial count na naungusan na ng Miracle in Cell No.7 ni Aga Muhlach ang The Mall, The Merrier ni Vice Ganda na ilang taon na ring “nagre-reyna” as MMFF topgrosser star. 

Kung sa unang araw ng festival ay pumangatlo lang diumano ang Miracle sa Tripol Trobol ni Coco Martin, ay agad namang nakopo ng Miracle ang second top-grosser slot noong mga sumunod na araw. Hindi naka-apekto ang zero awards ng pelikula noong “Gabi ng Parangal” sa patuloy na magandang box-office draw nito. Nanatiling sold-out ang mga sinehan nationwide. Dala na rin ng word-of-mouth na patuloy ang pagkalat sa socia media na ultimo mga barakong tatay na bitbit ang pamilya sa sinehan ay lumalabas ng sine na sumisinghot pero masaya.

As of press time, may unofficial report na nakalap ang pikapika.ph na ang Miracle in Cell No.7 na ang tunay na nangunguna sa topgrosser ranking at diumano’y na-cross na nito and 200M mark after a week of showing. One week to go pa ang festival at kung patuloy ang magandang trending, maari na ngang sabihin na si Aga Muhlach na ang bagong MMFF king, inevitably breaking the “nakasanayan.”

Nauna nang nag-declare nito ang Funfare writer ng The Philippine Star na si Ricky Lo, who wrote this on his Instagram post earlier today: “Long live the king!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo) on

Hindi malinaw kung sa telepono ba niya nakausap si Aga o through text messenging pero malinaw na dini-dismiss lang ni Aga ang titulo. Aga has been very humble since the beginning of the Miracle process and he just kept on saying he just loved the film so much at gusto lang niyang makabalik sa MMFF somehow. 

So now that he’s being blessed 3x over, he couldn’t ask for more. 

Personal na na-witness ng pikapika.ph—nang sumama kami sa kanyang theater tour last December 26—kung gaano ka-warm niya pasalamatan ang mga manonood. He was generous in giving hugs and handshakes at magiliw na nakiki-selfie sa lahat. Nakita pa namin kung paano niya pakiusapan ang mga guards/bouncers na sumasaway sa mga tao na hayaan lang daw sila at Pasko naman.

Pwedeng namamahinga nalang si Aga noong December 26 at ine-enjoy ang remnants ng Pasko with his family pero mas pinili niyang makasama ang mga fans bilang sukli sa mainit na pagtanggap sa kanilang pelikula. 

Wala na siyang dapat patunayan. Pero tila tadhana na ang nagsasabing meron pa. At marahil ito ay ang gumiba ng mga poste at magbago ng tradisyon.

King or not, congrats to Aga; and topgrosser or not, congrats Team Miracle!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aga Muhlach is elated over Korean director Lee Hwan-kyung’s compliments of his performance in the Pinoy remake of Miracle in Cell No.7

Aga Muhlach is “in constant communication” with original Miracle in Cell No. 7 lead star Ryu Seung Ryong

Miracle in Cell No. 7, nagso-sold out na, nagte-trending pa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.