Si Barbie Imperial nga ba ang aktres na na-Tulfo ng dating PA?

Si Barbie Imperial nga ba ang pina-Tulfo ng isang dating PA? Alamin by scrolling down below!

PHOTO (left): Adam Laurena; SCREENSHOT (right): Raffy Tulfo in Action on YouTube

Si Barbie Imperial nga ba ang pina-Tulfo ng isang dating PA? Alamin by scrolling down below!

Isang babaeng nangangalang Annalaine Revilla ang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo sa kanyang show na Wanted Sa Radyo kahapon, December 2. Sinabi niya kay Tulfo na siya daw ay dating personal assistant (PA) ng isang teen star.

Hindi pinangalanan ni Tulfo ang aktres, na kanya ring nakuhanan ng panig, sa kanyang programa sa hiling na rin nito. 

Subalit, sabi ni Tulfo, ang batang aktres ay taga-Star Magic, ang training at management subsidiary ng ABS-CBN. Nagkaroon daw sila ng mahabang pag-uusap ng aktres bago mag-umpisa ang programa. At mangiyak-ngiyak pa raw ang aktres habang kausap si Tulfo tungkol sa sitwasyon.

Dagdag pa ng host ng Wanted Sa Radyo na isang calendar girl diumano ngayon ang aktres. At althrough the show ay ikinubli nila ito sa pangalang “Manika.”

Dito na nagsimulang hulaan ng mga netizens na baka si Barbie Imperial ang aktres base na rin sa mga clues ni Raffy. 

Kamakailan lang ay inilungsad ito bilang 2020 calendar girl ng isang rum brand sa Pilipinas. Moreover, si Barbie ay talent ng Star Magic na nabanggit ding clue ni Raffy. Pinaka-giveaway clue din ang “Manika” monicker dahil bukod sa popular na manika ang “Barbie doll” at “Manika” din ang tawag ng mga fans ni Barbie Imperial sa kanya dahil marahil sa mestizahin features ng aktres.

Ayon sa nagreklamong si Revilla, nag-apply lamang daw siya bilang personal assistant ng aktres pero bukod pa daw doon ang ginawa niya para sa kanya. Ginawa diumano siyang katulong para sa kapatid at nanay ng aktres. Not only that, kulang diumano ang kanyang nakukuhang monthly salary mula sa aktres.

Dagdag pa ni Revilla, pinagkalat diumano ng aktres sa isang tao na siya daw ay isang magnanakaw. Inakusahan niya ang aktres na nagpapakalat ng screenshot ng pag-aakusa nito sa kanya sa social media kaya’t balak umano niya itong kasuhan ng cyber libel. 

At sundot pa ng dating PA, kailangan umano ayusin ng aktres ang kanyang attitude.

Pagkatapos ng live episode, pinag-usap ni Raffy sina Revilla at ang aktres via phone conversation. But later on, it was revealed na wala palang sapat na ebidensya ang dating PA para kasuhan ang aktres cyber libel.

Ayon pa sa programa, bukas naman ang aktres na bayaran ang kulang na sweldo ni Revilla. 

Si Revilla naman ay humingi ng public apology mula sa aktres ngunit tumanggi ang aktres dahil hindi naman daw niya ito pinahiya in the first place.

However, base sa mga kaganapan sa dulo ng programa—na naging komedi pa—mukhang magkakabati na ang dalawang kampo. 

Panuorin ang buong pangyayari sa programa ni Tulfo sa baba:

YOU MAY ALSO LIKE:

Barbie Imperial’s hike to Mt. Batolusong lead to self-discovery

Barbie, naudlot ang pagbili ng bahay dahil sa lindol

Barbie, binlock na si JM sa telepono niya and more revelations!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.