Si Seth Fedelin na ba ang pumalit kay Naruto sa puso ni Andrea Brillantes?

Wild rich girl ang role ni Andrea sa Wild Little Love iWant movie nila—na ka-back-to-back ng movie naman ng half tandem ng Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz or KyCine na Silly Red Shoes—habang poor but cute chickboy naman si Seth.

PHOTO: Melo Balingit & Instagram

Wild rich girl ang role ni Andrea sa Wild Little Love iWant movie nila—na ka-back-to-back ng movie naman ng half tandem ng Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz or KyCine na Silly Red Shoes—habang poor but cute chickboy naman si Seth.

Same time last year, around November din, ay halos walang bukambibig si Andrea Brillantes kundi ang name ng crush niyang si Naruto Uzumaki. Weird-weirdan pa ang peg niya noon dahil si Naruto hindi totoong tao kundi isang animé character na hango sa isang ultra popular Japanese manga series na Naruto. Si Naruto ay isang young ninja na nangangarap maging popular among his peers at dream din nitong maging village leader o Hokage.

Kahit pigain mo noon si Andrea ay si Naruto lang ang pinagdidiinan niyang crush niya at present ito in all forms sa buhay niya like posters and all sorts of souvenir items.

But here comes Seth Fedelin. Ang cutie boy from Cavite na galing sa “Bahay ni Kuya” ng Pinoy Big Brother. It was a brilliant idea na iparehas si Seth kay Andrea sa hit ABS-CBN TV series na Kadenang Ginto dahil today, wala pang isang taon, ay isa na ang SethDrea—uniname nina Seth at Andrea—sa kinababaliwang loveteams ng mga kabataan.

At dahil sa twist of fate na ito, pangalan na ni Seth ang bukambibig ni Andrea ngayon at hindi na si Naruto.

Kaya naman nang magka-chance ang pikapika.ph na tanungin si Andrea—during the press conference para sa iWant movie nila ni Seth na Wild Little Love—kung si Seth na ba ng pumalit kay Naruto sa puso niya ay eto ang naging sagot niya:

“Well, mahal na mahal ko pa rin naman po si Naruto, hindi siya mapapalit...”

Sumingit si Seth, na katabi lang ni Andrea, para mangulit. Mukang aware ang binatilyo sa fascination ng ka-loveteam kay Naruto. Addressing Andrea, he said: “Ang tanong ni Ma’am, siya [ako] na daw ba ang pumalit? Diretso na.”

Hindi nagpa-distract si Andrea.

“...Pero aaminin ko, nakikita ko din si Naruto sa kanya [kay Seth]...pareho silang makulit, masayahin, hindi nag-gi-give up...pinaghihirapan ’yong mga meron sila...laging understanding. Lahat ng good qualities ni Naruto. ’Yon po.”

Ayaw naming isiping sila na dahil ang babata pa. Pero obvious na may special understanding ang dalawa base na lang sa pagka-cozy at kampante nila sa isa’t isa.

Anyway, wild rich girl ang role ni Andrea sa Wild Little Love iWant movie nila—na ka-back-to-back ng movie naman ng half tandem ng Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz or KyCine na Silly Red Shoes—habang poor but cute chickboy naman si Seth.

Mata-transfer sa isang public school ang spoiled brat na si Andrea to teach her a lesson. At doon niya mami-meet si Seth. Very formula ang approach pero keri naman no’ng dalawa.

The rest of the cast include Carmina Villarroel, Victor Neri, Alfred Vargas, and Criza Ta-a (also of PBB fame). Wild Little Love, a co-production of Dreamscape Entertainment and Lonewolf Films, is directed by Benedict Mique.

The film will be available exclusively on the streaming platform iWant this November 23 and 27, as a back-to-back offering with Silly Red Shoes.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.