Sightings sa rumoured sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay, ipinagbunyi ng #CocoJuls fans

PHOTOS: @juliam.glow on Instagram

PHOTOS: @juliam.glow on Instagram

Kinakiligan ng kanilang mga fans ang balitang magkasamang nagbabakasyon sa Boracay ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Nitong Linggo kasi, March 21, ilang larawan nang napapabalitang magkasintahan ang kumalat sa social media kung saan makikita silang magkasama sa arrival area ng isang local airport. 

Bagama’t kapwa naka-face mask and face shield sina Coco at Julia—na binansagang #CocoJul—ay nakilala pa rin sila ng mga nakakita sa kanila at patago silang kinunan ng litrato na siya ngayong pinagpapasa-pasahan online.

“Coco and Julia spotted in Boracay! This made my heart jump in joy and happiness. Enjoy your vacation our dearest Cocojul,” pahayag ng isang fanpage sa Instagram. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by julia montes (@juliam.glow)

Sey naman ng isa pang page, post birthday celebration daw ng dalawa ang kanilang Boracay getaway since the actress turned 26 last March 19. 

“BORACAY BIRTHDAY TRIP YES!!!!” the fanpage wrote. “Enjoy, lovebirds!!!  May we see more of your twinning outfits from this very special trip.”

Dagdag ng isa pa, “Confirmed na today around lunch time lang po 'yung airport pics Post-birthday celebration nga, pero silang dalawa lang talaga.”

Matatandaan na taong 2016 nang umamin si Julia na malapit sila ni Coco sa isa’t isa dahil ilang beses din silang nagkasama sa mga TV projects gaya ng Walang Hanggan (2012), Ikaw Lamang (2014), at movie na A moment in Time (2013).

Kahit na walang nagaganap na pag-amin sa kanilang dalawa ng aktor sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay hindi mamatay-matay ang issue ng pagkaka-link nilang dalawa. 

April 2019 naman nang napabalitang nanganak umano si Julia at ipinagpapalagay ng fans na si Coco ang ama ng bata pero nanatiling tikom ang bibig nila tungkol sa bagay na ito. Kagaya ng umano ay relasyon nila, neither has confirmed nor deny the presence of the rumored baby.

At nito lang February 14, sa YouTube vlog ng mister ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee, sumalang sa lie detector challenge si Julia kung saan sinagot n’ya ang mga tanong tungkol sa ideal man n’ya na sakto naman sa mga katangian ni Coco gaya ng pagsusuot ng leather jacket, moreno, saktong height at pagiging probinsyano.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Montes shares a photo of her comeback project; receives massive support from celebrity friends and excited fans

Pika's Pick: Julia Montes is heavily promoting Coco Martin’s MMFF 2019 movie

Pika's Pick: Julia Montes shows support to rumored boyfriend Coco Martin by helping promote his MMFF movie

Pika’s Pick: Coco Martin posts the same photo that Julia Montes first posted to greet him on his birthday

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.