Sikat na Pinoy BL (Boys’ Love) series na Gameboys, may CaiReel/EliKoy merchandise na!

May tatlong versions ang nasabing dogtags—isang may picture ni Elijah na may nakasulat sa likod na ‘Baby ni Gav’ (at Gameboys logo), isang may pic ni Kokoy na may nakasulat sa likod na ‘Cairo’s Angel’ (at Gameboys logo), at isang may double tags in one necklace o pinagsama ang CaiReel, so two-in-one ang dating.

Photos: courtesy of The IdeaFirst Company

May tatlong versions ang nasabing dogtags—isang may picture ni Elijah na may nakasulat sa likod na ‘Baby ni Gav’ (at Gameboys logo), isang may pic ni Kokoy na may nakasulat sa likod na ‘Cairo’s Angel’ (at Gameboys logo), at isang may double tags in one necklace o pinagsama ang CaiReel, so two-in-one ang dating.

Gameboys fans… rejoice!

Kung hindi magkakaroon ng aberya, ngayon (August 11, Tuesday) ang date of release sa market ng first official merchandise ng first ever Pinoy BL (Boys’ Love) series na Gameboys, na hit na hit sa YouTube at palaging trending sa social media.

From our online chat via Facebook Messenger with Direk Perci Intalan, executive producer of Gameboys at president and co-founder of The IdeaFirst Company na may gawa ng nasabing Pinoy BL series, exclusive niyang ni-reveal sa amin kung ano ang unang merch na ilalabas nila, na ayon sa kanya ay tiyak na ikatutuwa ng avid fans ng Gameboys not just here in the Philippines but also abroad.

“Gameboys Dogtags!” masayang bulalas ni Direk Perci. “Puwede ring CaiReel Dogtags. Haha! Ito ang pinili namin dahil bagay siya sa characters at tipong isusuot talaga nu’ng dalawa. Wala pang may alam nito kundi ikaw,” sambit niya pa.

“CaiReel” ang portmanteau o ship name o blended name o tawag sa loveteam ng dalawang bidang characters ng Gameboys na sina Cairo Lazaro at Gavreel Alarcon, na ginagampanan respectively nina Elijah Canlas (19 years old) at Kokoy de Santos (22 years old)—ang breakthrough actors ng quarantine. 

EliKoy naman ang tawag ng fans sa pinagsamang pangalan ng dalawang aktor. Sa kuwento ng naturang BL series set in the lockdown sa panahon ng pandemic ay pareho silang gamers, na nagkahamunan, nagkaharutan, at nagka-inlaban.

Pinadalhan kami ni Direk Perci ng sample photos ng Gameboys silver dogtags with ballchain, na nu’ng ipakita niya raw sa mga artista niya ay hindi na ibinalik sa kanya dahil sobrang nagandahan dito.

“Ang cool kasi talaga. Kahit ako, gusto kong isuot. Ang saya nito pag lumabas!” excited pang sey ng premyadong direktor at producer, na better half ng multi-award-winning writer-director-producer na si Direk Jun Robles Lana.

Bale tie-up ito o collab with Silverworks, ang leading retailer of sterling silver jewelry in the country. Kaibigan pala kasi ni Direk Perci ang may-ari nito.

May tatlong versions ang nasabing dogtags—isang may picture ni Elijah na may nakasulat sa likod na ‘Baby ni Gav’ (at Gameboys logo), isang may pic ni Kokoy na may nakasulat sa likod na ‘Cairo’s Angel’ (at Gameboys logo), at isang may double tags in one necklace o pinagsama ang CaiReel, so two-in-one ang dating.

“Pero puwede ring mag-customize ang Silverworks. Puwedeng face mo ang nakalagay o face ng jowa mo. Tapos, ‘Baby ni ___’ or ‘___’s Angel’ ang nakasulat sa likod.

“Nakita ko rin na kaya nilang mag-etch ng mukha [sa dogtag pendant]. Of course, iba ang application diyan. Pero same technology. Galing, ’no?” pakli pa ni Direk Perci.

Actually, kung matalas ang mga mata ng netizens ay mapapansin nila ang nasabing dogtag na suot ni Kokoy sa artcard na tinweet ng The IdeaFirst Company para i-promote ang #AskKokoy Twitter party ng binata last Friday night (August 4).

May isang eagle-eyed fan na nakapuna nito at inusisa ito kay Kokoy during his #AskKokoy session.

Tanong ng fan account na may Twitter handle na @Leilalazaro3 kay Kokoy, “Sino ba talaga ito?” na may kasamang screenshot ng dogtag ni Kokoy na makikita ang close-up pic ni Elijah.

Tweet back dito ni Kokoy, “Larawan po ng inyong anak, soon po padalhan ko kayo pag available na,” with matching heart eyes emoji.

Leila Lazaro ang pangalan ng ina ng bidang si Cairo sa Gameboys, na ginagampanan ng character actress na si Sue Prado, kaya sinakyan ni Kokoy ang nasabing tanong.    

Dugtong pang tsika sa amin ni Direk Perci, ready na ang international distribution ng Gameboys dogtags. 

“30% kasi ng fans ng show, nasa labas ng ‘Pinas.”

Aniya, malakas ang pioneering Pinoy BL series ng CaiReel/EliKoy sa Amerika. May loyal viewers din ito maging sa Brazil, Norway, UK, Italy, Canada, Australia, Saudi Arabia, China at iba pa.

Doon naman sa posibleng may concern dahil under MECQ (modified enhanced community quarantine) pa ngayon ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, kung hindi pa bukas ang Silverworks branches near you, walang problema dahil puwedeng um-order nito online through their website at available din ito maging sa Lazada at Shopee. 

“Magkakaroon din ng bracelets. Hopefully, sunud-sunod na ang merch after this,” sundot pang good news ni Direk Perci.

Nang mag-taping ang show ng 10th episode (entitled “Pass or Play 2”) last July 12 sa gitna ng walang taong kalsada ng Emerald Avenue sa Ortigas Center ay dumating doon ang co-stars nina Elijah at Kokoy na sina Adrianna So (gumaganap bilang kikay na si Pearl na BFF ng CaiReel) at Kyle Velino (gumaganap bilang ex ni Gav na si Terrence, na inlab pa rin at gustong makipagbalikan dito).

Kahit walang eksena roon sina Adrianna at Kyle ay nagpunta sila sa set para magkita-kita nang personal ang cast for the first time, pati na rin ang production staff.

Sa group pic ng apat na Gameboys stars na pinost ni Adrianna sa social media ay makikitang pare-pareho ang suot nilang kulay itim na face mask.

Sa isang BTS pic na pinost ni Kyle ay mas kita ang suot nitong black mask na may Gameboys logo sa bandang kanan.

Napansin ito ng netizens at maraming nakyutan saGameboys face mask. Marami ring na-curious kung saan makakabili nito.

Kinumpirma sa amin ni Direk Perci na kasama ‘yon sa official merch na ilalabas nila. Ang nasabing face masks ay gawa ng kilalang fashion designer na si Avel Bacudio.

Ayon kay Direk Perci, inaaral pa nila kung kailan ito ire-release sa market dahil inaayos pa raw nila ang international distribution nito.   

“Marami pa akong niluluto for Gameboys,” dagdag niya pa.

Samantala, dahil sa MECQ ay naapektuhan ang shoot ng hit series matapos maganap ang makasaysayang pagkikita nina Cairo at Gavreel sa episode 10, na originally ay season ender dapat pero nadagdagan ito ng three more eps dahil na rin sa matinding clamor ng fans.

Bale dalawang Fridays (August 7 & 14) na walang Gameboys. Sa August 21 pa mapapanood sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang inaabangang 11th episode.

Hopefully ay hindi na ulit magkaroon ng delay at maipalabas na rin sa two succeeding Fridays after that ang episodes 12 and 13.

Si Direk Ivan Andrew Payawal ang direktor ng Gameboys mula sa panulat ni Ash Malanum, na siya ring magiging screenwriter ng pelikula na gagawin pagkatapos ng 13-episode season 1 ng patok na Pinoy BL serye.

THIS JUST IN: Habang abangers ang Gameboysfandom sa bagong episode next week, meron munang treat ang The IdeaFirst Company ngayong Tuesday morning.

Mapapanood sa TIFC YouTube channel ang official music video ng kantang Ngayon na tinugtog nang mag-kiss sina Cairo at Gavreel for the first time habang may plastic barrier sa pagitan nilang dalawa.

Maraming kinilig at naluha nang marinig ang humahaplos sa puso na Ngayon, na sinulat ni Emerzon Texon with vocals by Dex Yu.

Tamang-emote at nakaka-senti ang music video nito na mapapanood ang supercut ng 10 episodes ng Gameboys sa loob ng isang kanta.

At heto na… sa bandang dulo ng video ay talasan ang inyong mga mata dahil may makikita kayo rito na hindi n’yo pa napapanood.

Pasilip ba ito ng mga eksena sa episode 11? Ano kaya ang nakakakilig na eksena?! 

Clue: May ibibigay sa isa’t isa ang mag-BABY!!! Yiheeeeee!!!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Creators of the successful BL series Gameboys postpone its three upcoming episodes due to MECQ

Netizens give praise to Ate Gay as song mash-up memes trend on social media

Tyra Banks, “emotionally manipulative” daw according sa dating creative director ng America’s Next Top Model na si Jay Manuel

The Butcher | Even without a franchise, the ABS-CBN talents still eclipse the GMA stars

Covid-19 ni Sen. Bong Revilla, sore eyes ang naging sintomas; update niya: “I’m not okay, but I’m going to be okay.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.