Singer John Roa, umaming may anxiety disorder; mas na-trigger daw no’ng mapanood ang viral video noon nang inatakeng si Chokoleit

During his Extended Play [EP] record launch, John Roa explained the reason why it took him a long time to put up an EP. He said that besides trying to discover his own sound, he’s also been diagnosed with severe anxiety disorder.

PHOTOS: Melo Balingit & Viva Records

During his Extended Play [EP] record launch, John Roa explained the reason why it took him a long time to put up an EP. He said that besides trying to discover his own sound, he’s also been diagnosed with severe anxiety disorder.

It took almost a year before “Oks Lang” singer John Roa comes up with a five-track EP (extended play) record. Nakagawa naman daw siya ng dalawang single, ang “Taguan” at “Pagitan” na initial attempt niyang maging EP pero hindi rin nabuo. 

“Kasi I was also still discovering kung ano ba, ito ba talaga ’yong direksyon na gusto ko, gano’n-gano’n…Kumbaga was I aiming for just another hit song or was I aiming for something bigger than a hit song?”

[The official music video of his hit song “Oks Lang” is already on the 16M mark view on YouTube since it was uploaded in January 2018.]

Pero ang mas malalim na dahilan kaya na-delay ang pagbuo niya ng kanyang EP under Viva Records ay dahil na-diagnose pala siyang may anxiety disorder. Bagay na hindi niya maintindihan noong una; bagay na hindi niya pinaniniwalaan noon, until maipaliwanag na sa kanya medically kung ano ito.

Matapos daw niyang humiwalay sa hiphop group na Ex Batallion, he tried discovering nga kung ano ang tamang sound at concept para sa musika niya. Hindi niya namamalayan na along the way, inaatake na pala siya ng anxiety disorder. Hindi niya raw alam ang exact cause nito pero after ng pang-apat na severe attack, nagpa-doktor na siya last February at nakumpirmang he’s suffering from anxiety disorder.

“Hindi ko alam na may gano’n ako, pero alam ko na nasa  lahi namin ’yong may pagka-nerbiyoso, e,” paliwanag ni John sa pikapika.ph bago siya maisalang sa solo press conference niya para sa official launch ng kanyang EP kaninang hapon sa Viva office sa Ortigas.

“Pero mas na-recognize ko lang siya now na may gano’n pala…na no’ng una hindi ko maintindihan…”

Kapag nagkakaramdam daw siya ng panic, lagi niyang naiisip na mamatay na siya.

“Wala akala ko mamatay ako kasi nagwa-160 ’yong BP [blood pressure] ko, e,” patuloy na kwento ng 19-year-old lang na singer-songwriter. “Ang sa akin kasi, sobrang bigla siya, e. Tapos hindi ko ma-explain sa kanila [pamilya] nang maayos.”

Napapansin lang daw niya na pag marami siyang inisiip, lalo siyang nababaon.

“Feeling ko may limit yong utak ko, parang hindi niya kayang magdala nang sobrang ano…”

Mabuti nalang daw at never pa siyang inatake onstage, while performing.

“Mahirap, mahirap siya…” nailing na balik-tanaw ni John. “Ang ginagawa ko…pero happy naman ako kasi sobrang buti pa rin ni Lord, never pa ako nagka-panic attack onstage pero before performing I had one…nakalimutan ko, basta meron ako ano non’ parang election days yata ’yon…tapos, everytime kasi na…sobrang weird kasi ng utak mo pag merong ganito, e, lalo na pag disorder siya.. ang lagpas, sobrang lagpas [ng mga naiisip]…may mga times na parang no’ng elections days, ‘Paano pag nagkagulo dito? Tapos ganon’n ganon…’ Alam mo ’yong iniisip ng utak mo advanced lagi?”

Isa pa sa naaalalang trigger ni John ng pagsumpong ng severe anxiety niya ay nang mabalitaan niyang inatake ang komedyanteng si Chokoleit sa kalagitnaan ng performance nito sa Abra last March. It didn’t help na napanood pa ang nag-viral na video nito.

“Isa din siya actually sa nagpa-trigger sa akin,” kwento pa rin ng Cebuano artist. “Kasi no’ng nakita ko ’yong news na… Parang performer din kasi. Alam ko ’yong feeling na nasa stage ka, na hinihingal ka…

“Wala, parang ang dami lang tumatakbo sa isip ko na malayo naman pero gano’n…gano’n kasi tayo nilalaro ng sarili nating utak. Lalo akong na-trigger. Takot ako, sobra!”

Binigyan daw ng maintenance medicines si John pero mas pinili niyang labanan ito naturally.

Sa ngayon, kontrolado na raw niya ang anxiety niya at hindi na raw siya nagpa-panic attack. May mga moments lang na umaandar pa rin ang pagka-moody niya na hindi niya maipaliwanag kung bakit.

“May konting ano lang uncomfortability lang na parang minsan ayaw kong kumausap ng kahit sino kasi ayaw ko muna nang magulo,” patuloy na esplika ni John. “O, minsan mainit talaga ulo ko…nagiging moody talaga ’ko…naiinis ako kasi gusto kong mag-enjoy, gusto mong enjoyin ’yong paligid, gusto mong enjoyin ’yong araw pero hindi mo ma-enjoy kasi… it’s something na very common pero hindi naiintindihan ng iba.”

It may have been mistaken daw for artistic temperament pero ayon daw sa tumingin sa kanya, it may have something to do with all the pressure na hinaharap ng isang batang gaya niya facing adult struggles sa career niya.

“Mostly naman daw mga artista, mga creative na tao ’yong may ganito, e,” nakangiting pag-sang-ayon niya. “Pero no’ng in-explain sa akin no’ng psychiatrist ano siya parang ’yon nga anxiety disorder…

“Siguro parang kumbaga nabinat din siguro ’yong utak ko, kasi sa edad ko, parang gano’n, parang at 19 [years old], I get to face this kind of parang struggles sa career ko. Pero it’s fun, it’s part of the process, ang dami kong natutunan.”

May maipapayo ba si John sa mga kagaya niyang mag similar affliction? 

“Sa akin, hindi ko totally ma-advise sa kanila na ‘Hindi, mawawala din yan’ kasi…oo mawawala siya…pero kasi hanggang ngayon meron pa naman akong konti…saka may nakakausap ako, nagtatanong kung mawawala ba ’to…maganda din ’yon, if meron kayong mga kakilala na may ganito or almost malapit na malapit lang sa condition [na ito], try n’yo magtanong…makakahanap kayo… kasi marami din naman tayo, hindi tayo nag-iisa…ang sinasabi nila hindi naman ito totally mawawala pero matutunan mo siyang i-control.”

For his part, nilabanan niya ito. In fact, ginawa niyang creative outlet para mabuo ang five-song EP niya called Amgo, na hinintay ng fans niya ng almost one year.

“Almost one year, kasi maraming hesitations, e, maraming parang revisions or delays…Parang part din siya ng journey…itong five songs, na ito parang istorya ko ’to, journey ko din, parang dini-discover ko ’yong sarili ko, dini-discover o ’yong mga nangyari sa buhay ko…kaya ko siya tinaytel na Amgo kasi Amgo means realizations in Bisaya. Kaya mostly, these five songs parang related to all my realizations dito sa journey ko sa music.”

His single “Lagi,” is in fact, his own attack to his anxiety.

“‘Lagi,’ sinulat ko siya na parang isang tao na nasa isang relasyon ka na parang toxic na ba? Na parang ayaw mo na sa relasyon na ’to kasi nahihirapan ka na, takot ka…

“Sa akin, personally, I wroteLagi’ for anxiety, ginawa kong tao ’yong anxiety. Parang ayaw mo na siya sa buhay mo. Kasi basically, in the first place, tayo naman din ang nagto-tolerate no’n sarili natin. Pero when it comes to …it latches on to us na gusto mo na siyang umalis pero nahihirapan ka na…parang gano’n. Ginawa kong outlet ’yong ‘Lagi.’”

After “Lagi,” he has the acoustic-driven “Muli” in the tracks, followed by “Andiyan,” which about steadfast love, “Natatangi” na may pagka-pop jazz, and “Itutuloy” which sees John going back a bit to his rap roots. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rafa Siguion-Reyna, recording artist na

Shanne Dandan releases new single and music video

Anne Curtis is Donnalyn Bartolome’s music video BFF

Meet Allmo$t, the group behind the hit single "Dalaga"

Indie pop band The Bed Bites signs with Viva Records

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.