Singer na si Jona (Viray), naghahanap ng lupain para sa mga ni-rescue na mga aso’t pusa

Sa ngayon ay maituturing ng dog and cat expert si Jona dahil may ten years na siya sa kanyang advocacy na pagre-rescue ng mga hayop. In fact, tila para sa mga ito na siya naghahanap-buhay dahil hindi biro ang amount ng pagkain na kino-consume ng mga ito on a daily basis. Wala pa roon ay pagpapa-beterinaryo niya sa mga ito at pag-go-grooming. Kaya nga laking pasalamat ni Jona tuwing may raket siya.

Video: Anna Pingol; Photos: @jona

Sa ngayon ay maituturing ng dog and cat expert si Jona dahil may ten years na siya sa kanyang advocacy na pagre-rescue ng mga hayop. In fact, tila para sa mga ito na siya naghahanap-buhay dahil hindi biro ang amount ng pagkain na kino-consume ng mga ito on a daily basis. Wala pa roon ay pagpapa-beterinaryo niya sa mga ito at pag-go-grooming. Kaya nga laking pasalamat ni Jona tuwing may raket siya.

Kapansin-pansin sa Instagram feed ng singer na si Jona (Viray) ang random na pagsulpot ng mga photos or videos ng mga alaga niyang aso’t pusa. Karamihan sa mga ito ay mga aspin (asong Pinoy) at puspin (pusang Pinoy).

Kaya naman nang minsan siyang kaswal na makatsikahan ng mga press people—sa isang lamay pa, of all places—ay ito ang agad na nausisa sa kanya.

Nagre-rescue pala kasi ng mga hayop si Jona at hindi sinasadyang nasimulan niya ito noong 2009 pa. At dahil lagi siyang nanawagan ng tulong o kaya naman ay nagkukuwento ng mga back story ng nare-rescue niyang aso’t pusa sa kanyang social media kaya karamihan tuloy ng mga kakilala niya ay sa kanya nagsusumbong o nagdadala ng napabayaan—or worse, abused—animals. 

“Minsan itinatawag sa amin, pinupuntahan namin,” panimulang kwento ni Jona. “Minsan naman po natatagpuan po mismo namin sa kalsada.

Kaya tuloy ang dami-dami na niyang ampong hayop ngayon na hinahanap din niya ng ibang mag-aampon.

Sa dami ng alaga, naghahanap na si Jona ngayon nang malaki-laking lote kung saan siya magtatayo ng animal shelter. Sa ngayon kasi ay sa bahay niya nakatira ang lahat ng alaga niya.

“Nakabili po ako ng another lupa sana kasi ipapatayo ko po sana ’yong another bahay ko po sana...tapos meron pong dog ranch saka cuttery,” dagdag kwento niya. “Sa may Filinvest [Quezon City] po....kaya lang po, since sa subdivision po siya, residential... baka po magkaroon ng problema in the future na masita kami o ma-report kasi s’yempre po maiingay ’yong mga aso pag nagtahulan. So, hindi ko na po na-push through na.

“So ngayon po, naghahanap po kami sa bundok-bundok banda na hindi residential area...parang farm...basta po nasa rural [area].

“Kasi sa dami na nga po nila, mahirap na...ngayon po kasi karamihan sa kanila nasa bahay ko po. Mahirap po na hiwa-hiwalay po ’yong lugar nila sa bahay. Pag nakakuha na po ng malaking lupa at least makikita na po ninyo sila lahat doon at mas madali na rin po para sa amin at sa mga kasambahay na nag-aalaga po.”

Sa ngayon daw ay fully occupied na ang kanyang dalawang kasambahay sa pag-aalaga sa mga na-rescue nilang aso’t pusa. Supportive naman daw ang mga ito sa tila naging calling o vocation na niya.

Bata palang daw kasi ay mahilig na siya sa hayop pero hindi napayagan dahil mga asthmatic ang mga kapatid niya. Pero once na-overcome na raw ng mga ito ang asthma ay nagsimula na siyang mag-alaga ng aso.

Sa kamalasan, dahil mangmang pa siya noon sa mga responsibilities ng isang pet owner, namatay daw ang unang alaga niya.

“’Yong mga dati po kasi binili ko po sa ano sa Cartimar, gano’n kaso po ano po nalaman po namin na may sakit, so namatay din po sila puppy palang. That time, ’yon nga po wala pa akong masyadong alam sa pag-aalaga ng aso. Dapat pala pa-bakunahan mo na agad siya... pag ganito, dalhin sa vet...”

Without her saying it, pero mukang  itong si Rosie, her three-legged rescue, ang pinaka-paborito ni Jona.
Despite daw kasi ng mga pinag-daanan nito ay napaka-sunshiny pa rin ng disposition nito.

 

Ang mga sumunod na alaga daw niyang aso ay adopted na. Pero pusa daw ang kauna-unahan niyang rescue. At na ngangapa-ngapa lang din daw siya noon sa pag-aalaga ng mga ito.

“No’ng una po, no’ng wala pa akong knowledge na kung paano mag-alaga ng pusa, wala pa po kaming alam sa spay and neuter...anak po sila nang anak. Mabilis po dumami ’yong mga pusa!” natatawang recall ni Jona.

[Spaying, according to pets.webmd.com, is “the removal of the ovaries and uterus of a female pets.” While neutering is the “removal of the testicles of your male dog or cat.”]

Patuloy ni Jonah: “’Yong mga aso naman po kalaunan na-learn na rin po namin na kailangan pinapa-spay and neuter.”

May pangalan daw ang lahata ng aso’t pusa niya, pero dahil sa dami—(pusa palang ay 40 plus na)—dinadaan nalang daw niya sa kulay o obvious characteristic ang pagpapangalan.

Clockwise from top left: Jona with Kuro the cat (in the basket) and Aspin doggies Ponggi and Lupe;
Rosie, Garvy, and a yet-to-be named pup (at the time of the posting in Nov 2017).

 

Sa ngayon ay maituturing ng dog and cat expert si Jonah dahil may ten years na siya sa kanyang advocacy na pagre-rescue ng mga hayop. In fact, tila para sa mga ito na siya naghahanap-buhay dahil hindi biro ang amount ng pagkain na kino-consume ng mga ito on a daily basis. Wala pa roon ay pagpapa-beterinaryo niya sa mga ito at pag-go-grooming. Kaya nga laking pasalamat ni Jona tuwing may raket siya.

Biro nga namin, tila pati lovelife ay nane-neglect na niya dahil masyadong occupied ng pagiging animal saint niya ang oras at attention niya.

Kaya nga po hindi ako masyado nakakapag-socialize or nakaka- go out. Parang ang life ko po ngayon is work, house, pag rescue ng hayop, pag alaga ng hayop. . . hahaha! So, maybe pag nalagay ko na po sila sa farm area, mas may time na po ako mag-socialize.” 

Mukang kailangan na talaga niyang makahanap ng lugar para sa kanila dahil at this point ay ang mga ito na raw ang may-ari ng bahay niya at tila siya pa ang nakikitira at nakikisama.

“Parang gano’n nga po ako ’yong nakikisama sa mga aso’t pusa,” natatawang pag-ayon ni Jona. “Kaya nga po napo-force po akong maghanap na po talaga ng mas malaking lupa...farm or kabundokan...depende po sa kakayanin ng budget.” 

 

(Clockwise from top left) Jona with Puti; one-eyed feline friend Chino; 
Titan, Potpot, and Kit Kit.

 

Goodluck, Jona and God bless you for doing this.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.