Sitcom ng DongYan, may airing date na!

Natuwa si Dingdong Dantes sa naging partnership nila with GMA and APT para sa sitcom nila ng asawang si Marian Rivera. “Para sa amin hindi lang siya trabaho or task as actors, this is also very personal to us, dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of through co-producing and creating.”

Photos: GMA-7, @marianrivera

Natuwa si Dingdong Dantes sa naging partnership nila with GMA and APT para sa sitcom nila ng asawang si Marian Rivera. “Para sa amin hindi lang siya trabaho or task as actors, this is also very personal to us, dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of through co-producing and creating.”

Naging opisyal na ang pagsanib-puwersa ng GMA Network at APT Entertainment sa pag-produce ng sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa na pagbibidahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Naganap ang contract signing sa Luxent Hotel noong nakaraang April 25.

Present sa naturang event sina GMA Network Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes; First Vice President for Program Management Department Jose Mari R. Abacan; and Assistant Vice President for Program Management Department Concie Agnes.

Nasa event din ang APT Entertainment CEO and President Michael Tuviera; COO and CFO Jojo Oconer; and Vice President for Production Operations Camille Montaño.

Natuwa si Dingdong sa naging partnership nila with GMA and APT para sa sitcom nila ni Marian.

“Na-realize namin na naging tahanan namin ang GMA for the past two decades and forever grateful kami sa tiwala na binigay ninyo sa amin. It was because of GMA kung bakit ko nakilala ang aking mapapangasawa at dahil du’n, nagtayo kami ng sarili naming tahanan at doon nangyari ang idea na mag-shoot kami ng small videos sa bahay na ang title ay ‘Jose at Maria.’ 

“Doon ko na-realize na ang sarap talaga ka-trabaho ni Marian na sobrang professional at sobrang galing at kahit sa mini-videos na ’yun ay ganu’n pa rin ang kanyang dedication. 

“That’s why sabi namin, we want to bring this to the next level. That’s where APT comes in na nagtiwala sa amin at sa concept na puwede namin gawin together. I’m very grateful for the trust, for building on the idea, at dahil du’n nanganak ang tahanan naming maliit sa isang mas magandang konsepto which is Bonggang Villa kaya maraming salamat APT for everything and of course, sa GMA, for trusting us with this one. 

“Para sa amin hindi lang siya trabaho or task as an actor, this is also very personal to us, dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of through co-producing and creating.”

Dream project ito para kay Marian na matagal nang hindi nakasama ang mister sa isang TV project. Huli pa silang nagsama sa teleseryeng My Beloved noong 2012.

“Isa ito sa mga pinangarap namin, lalo na sa akin kasi ang tagal ko nang hindi lumabas sa primetime, hindi ako makapaniwala na totoo na ito, na mangyayari na ito kasi pangarap ko talaga magkaroon ng sitcom kasama si Dong. 

“So, ito na ang pangarap na ’yun kaya sabi ko sa mga taong nagmamahal at naghihintay, malapit n’yo nang mapanood sina Maria at Jose.”

Tinitiyak naman ng GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon na aabangan ng fans ang muling pagsasama nila Dingdong at Marian sa kanilang kauna-unahang TV sitcom.

“Sina Dingdong at Marian ay dalawa sa mga homegrown talents ng GMA Network na naging pinaka-popular. Ang kanilang mga programa ay puro matataas ang rating. Kaya naman excited kami sa kanilang first sitcom dito sa GMA. Nakakasiguro kami na ang kanilang maraming fans dito sa Pilipinas at abroad will welcome them back in TV very soon.”

Excited namang nakatrabaho ni Michael Tuviera sina Dingdong at Marian, this time bilang isang producer

“Sobra akong na-inspire because I've been wanting to work with them for the longest time as producers also as co-producers. I think first time nila ulit to be together on screen in more than 10 years. 

“So, it's such a big honor for APT to be partnering with GMA again, of course, and for the first time naman as co-producers not just our lead stars, the royal couple. Thank you very much for this opportunity Dong and Yan and we look forward to this journey.”

Abangan ang Jose & Maria’s Bonggang Villa sa May 14 on GMA Network.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sitcom ng mag-asawang DongYan (Dingdong Dantes at Marian Rivera), kasado na

Nagbabalik-acting na si Marian Rivera, sa possible project nila ni John Lloyd Cruz: “DongYan [project] muna tayo...priority ko si Dong.”

Hiling ni Dingdong Dantes na madalaw siya ng pamilya sa set ng Family Feud, natupad agad-agad

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.