Smokey Manaloto becomes first-time dad in his 40s; “Akala ko nga huli na ako sa byahe. Hindi pa pala.”

Isa nang ganap na daddy ang comedian na si Smokey Manaloto dahil isinilang na ang baby nila ng kanyang significant other na first time niyang ipinakilala sa publiko bagama’t hindi pinangalanan,  Sa kanyang TikTok video nitong August 7, ipinasilip n’ya—bilang kauna-unahang TikTok post—ang naging pregnancy journey nila ng kanyang partner hanggang sa i-welcome na nila ang kanilang baby boy. 

PHOTOS: @brian.manaloto.7 on Facebook & @smokeymanaloto on TikTok

Isa nang ganap na daddy ang comedian na si Smokey Manaloto dahil isinilang na ang baby nila ng kanyang significant other na first time niyang ipinakilala sa publiko bagama’t hindi pinangalanan, Sa kanyang TikTok video nitong August 7, ipinasilip n’ya—bilang kauna-unahang TikTok post—ang naging pregnancy journey nila ng kanyang partner hanggang sa i-welcome na nila ang kanilang baby boy. 

Isa nang ganap na daddy ang actor-comedian na si Smokey Manaloto dahil isinilang na ang baby nila ng kanyang significant other na first time niyang ipinakilala sa publiko bagama’t hindi pinangalanan,

Sa kanyang TikTok video nitong August 7, ipinasilip n’ya—bilang kauna-unahang TikTok post—ang naging pregnancy journey nila ng kanyang partner hanggang sa i-welcome na nila ang kanilang baby boy. 

Kapwa sila naka-facemask kaya’t hindi ganap na makikilala ang then mommy-to-be. Pero mababakas ang angkin nitong kagandahan.

Sa kanyang intro sa video, napa-throwback pa si Smokey sa mga kantiyaw sa kanya noon ng mga kaibigan na hindi na raw s’ya magkakaroon ng sarili n’yang pamilya. Maging ang mga fans ay tila natangap na noon na tatandang binata si Smokey.

He proved them wrong. 

It turned out na naging malihim lamang pala ito sa kanyang lovelife.

Sabi nila, ‘Wala ka na pag-asa.’ Sabi nila, ‘Huli ka sa biyahe.’ Akala ko nga huli na ako sa biyahe. Hindi pa pala. Ito na ’yong something big na nangyari sa akin,” excited na pahayag n’ya. 

Kasunod nito ay ipinakita n’ya ang videos na kinunan way back December 2021 kung saan sumailalim sa ultrasound ang kanyang buntis na partner. 

Sinundan ito ng pagpunta nila sa ospital nito lang August 2 dahil nasa due date na ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend. 

Noong August 3 naman nang magsimulang mag-labor ang kanyang nobya at tanging through video call na lang sila nakakapag-usap. Bawal daw kasi si Smokey sa labor room. 

Hating gabi ng August 4 nang pinababa na s’ya sa delivery room at mula sa labas ay maririnig na ang iyak ng kakasilang n’yang anak. 

Dito na rin n’ya ipinakita sa publiko ang pogi nilang anak na pinangalan nilang Kiko Manaloto. 

Hindi rin nawala s’yempre ang bonding ng mag-ama sa unang pagkakataon. 

Ang mga sumunod na TikTok posts ni Smokey ay may kinalaman pa rin sa kanyang first baby. 

Natagalan man ang kanyang journey to fatherhood, eto’t nakahabol naman siya sa biyahe at tila ninanamnam ang bawat moment of being a first-time dad.

Congratulations, Smokey!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Singer-nurse Carol Banawa gives birth to Baby No.3

Pika's Pick: Jopay Paguia gives birth to second daughter, Izabelle Ariana

Pika's Pick: Forty-year-old Ynez Veneracion gives birth to second child, Jianna Kyler

Pika’s Pick: Divine Lee gives birth to Baby Dali!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.