Snooky, proud sa mga anak na employees sa private sector

(Right photo: That’s Saachi on the left and Samantha on the right.)

PHOTOS: Anna Pingol & @snookyserna4466

(Right photo: That’s Saachi on the left and Samantha on the right.)

Kinumusta namin kay Snooky Serna ang dalawang anak niyang sina Samantha, now 26; and Saachi, 22, na pawang hindi nag-showbiz gaya ng ibang celebrity kids. 

Hindi raw kasi nahilig talaga ang dalawa sa pag-arte at mas pinili maging private citizens kahit parehong aktor ang mga parents nila. Sina Sam at Saachi ay anak ni Snooky sa dating asawang si Ricardo Cepeda.

“Mga anak ko, very, very successful, mga women of substance,” proud na proud na sabi ni Kukay, bansag kay Snooky sa showbiz.

Patuloy ni Snooky: “Sa awa ng Diyos pareho na silang self-made…working at the advertising world, copywriters and they’re busy with their accounts.”

Pareho daw walang lovelife ang magkapatid dahil “mga career women” ang mga ito.

“Im just so happy and proud of both of them…supported ko lang sila sa kung anuman ang decision nila and right now, their decision is to stay single and stay productive, stay successful in their craft, in their field.”

Happy daw si Kukay na kahit hindi nag-showbiz ang isa man sa kanila ay nag-end up pa rin sa creative field ang mga ito. 

Sa ngayon ay kapwa pa raw nasa poder niya ang magkapatid at dumadalaw naman sa tatay nila kapag weekends.

At dahil wala pa naman mga lovelife sina Sam at Saachi, kampante si Snooky dahil hindi pa raw siya ready maging lola.

“Wag muna, my friend,” nailing na sagot ni Snooky. “May mga apo naman ako sa kapatid, sa mga pamangkin, okey na muna ’yon.”

Thirteen years nagsama bilang mag-asawa si Snooky at si Ricardo Cepeda. Na-annulled sila noong 2006 at matapos noon ay nagkaroon ng whirlwind marriage si Snooky kay Nino Mendoza, ang frontman ng bandang Blue Jean Junkies. Nauwi rin sa annulment ang second marriage na ito ni Snooky noong 2007. 

Snooky has been dating former Bulacan vice governor Ramon Villarama for four years now, habang si Ricardo naman ay eight years nang karelasyon ang beauty-queen-turned-actress na si Marina Benipayo. 

Nakausap ng pikapika si Snooky sa media conference ng Sahaya, ang pinakabagong drama series ng GMA-7 kung saan muling gaganap na kontrabida si Snooky.

Incidentally, mas feel daw ni Snooky lately ang mga kontrabida roles dahil buong buhay naman daw niya sa showbiz ay api-apihan ang mga naging roles niya. 

Sahaya will have its TV premiere on March 18, replacing Onanay.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.