Sofia Pablo admits she and Allen Ansay are already in "MU" status; also says: "Sabi po ng Mama ni Allen [sa akin], 'Ikaw lang ang p'wedeng dyowain ni Allen!"

Hindi raw nagmamadali sina Sofia Pablo at Allen Ansay na i-level up ang kanilang special friendship sa ngayon. “Mahirap magmadali,” sambit ni Sofia. Pero, saan nila nakikita na papunta ang kung anumang meron sila ngayon? “S'yempre do’n,” natatawang sagot ng dalaga. “Pero hindi pa po siya age appropriate sa amin. Siguro ilang years pa.”

Photos: GMA-7

Hindi raw nagmamadali sina Sofia Pablo at Allen Ansay na i-level up ang kanilang special friendship sa ngayon. “Mahirap magmadali,” sambit ni Sofia. Pero, saan nila nakikita na papunta ang kung anumang meron sila ngayon? “S'yempre do’n,” natatawang sagot ng dalaga. “Pero hindi pa po siya age appropriate sa amin. Siguro ilang years pa.”

“Hindi po kayo nagkakamali,” sabay tili ng: “Joke!”

Iyan ang mabilis na isinagot ni Sofia Pablo nang sabihin namin sa kanya na ramdam naming in-love na talaga sila ng ka-loveteam niyang si Allen Ansay sa isa't isa.

M.U. status or may mutual understanding na ba sila?

“Pang-teens lang," lahad ng Luv Is: Caught In His Arms female lead. "Hindi naman 'yung pang-25 years old agad.

Ano lang po talaga. Pambata na saya. 'Yung tamang-tama lang and age appropriate. S'yempre, guided din po kami ni Mommy ko at Mama niya rin."

Dagdag pa niya: “S'yempre po, ang mga probinsyano- probinsyana, medyo mahigpit sa mga ganyan, 'di ba?”

(Si Allen ay mula sa Camarines Sur bago ito itinanghal na First Prince sa Starstruck Batch 7.)

“Pero sabi po ng mama ni Allen [sa akin], 'Ikaw lang ang p'wedeng dyowain ni Allen! Susugurin ko [pag iba],” natatawang pambibisto ni Sofia.

Sa isang banda, ang edad nila ngayon ni Allen ay masasabing age of exploration. Si Allen ay 19 at 16 years old naman si Sofia. Masasabing maaga pa para sabihin kung nakikita na nila na sila na nga. Pero dahil sa sobrang closeness na nila at parang naka-"exclusive" na sila sa isa’t-isa, hindi ba nila nararamdaman na nalilimitahan sila?

“Hindi po, kasi kahit po sa crush, hindi po talaga 'ko mahilig,” lahad ni Sofia. "Gano'n din po siya."

Ang all-time crush lang daw nila simula noong bata s'ya ay ang Kapuso actor ding si Miguel Tanfelix.

“Isa lang po talaga ang crush ko simula no’ng bata pa 'ko, si Kuya Miguel Tanfelix po." patuloy ni Sofia. "Hindi po kasi kami mahilig dahil 'yung iba, 'di ba po, nagta-try ng iba-iba. Pini-figure out daw nila kung ano ang gusto nila sa tao.

“Feeling ko po kasi kami ni Allen, parehas kami ng ugali. Kuntento kami sa ugali namin at alam namin na ganito ang gusto namin. Lalo na po kapag may mga nakakasama kaming friends at naririnig namin na, ‘Uy, ang ganda no’n.’ Tapos, alam naming may someone siya?

“Kaya mas lalo po naming nari-realize na kahit may pag-aaway minsan, mas okay na ‘yon kesa naman, lambing-lambing, ang saya-saya, pero ilan pala silang masaya sa kanya?”

Samantala, mabilis na, “oo naman,” ang sagot ni Sofia nang tanungin namin kung nahigitan na ng kilig niya kay Allen ang kilig na meron siya kay Miguel noon?

Gayunpaman, hindi raw sila nagmamadali.

“Mahirap magmadali,” sambit niya.

Pero, saan nila nakikita na papunta ang kung anumang meron sila ngayon?

“S'yempre do’n,” natatawang sagot ng dalaga.

“Pero hindi pa po siya age appropriate sa amin. Siguro ilang years pa.”

Indeed, mahabang “journey” pa ang tatahakin ng dalawa. Pero kung sakaling paghiwalayin sila later on, napaghahandaan na rin ba nila ang mga ganoong senaryo?

Napaghandaan po, lalo na may mga nagtatanong... kunwari close kayo in real life, tapos, ibigay kayo sa ibang loveteam, lalo na, young pa kayo so may chance na iba na kapag tumanda... ano ang gagawin n'yo? Hindi na rin kayo mag-uusap?

“Hindi naman sa gano’n, pero s'yempre, kahit papaano, may selos. Pero, naiintindihan namin na we were once there at kailangan talaga. Pero feeling ko naman, matagal-tagal pa."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sofia Pablo, proud sa achievement ni Jillian Ward kahit hindi sila "super duper close"; "I’m proud for the both of us.”

Sofia Pablo, Miguel Tanfelix, and Andrea Torres head pikapika’s Top 10 choices for the best Sparkle Halloween costumes

EXCLUSIVE: Sofia Pablo answers Random Questions from Pikapika!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.