Sofia Pablo, Miguel Tanfelix, and Andrea Torres head pikapika’s Top 10 choices for the best Sparkle Halloween costumes

Photos: Melo Balingit and @SparkleGMAArtistCenter

Photos: Melo Balingit and @SparkleGMAArtistCenter

Hindi biro ang makilahok sa isang costume party, lalo kung Halloween. At kung darating ka na rin lang, dapat pangabog ang costume mo dahil kung pinaghandaan mo yan, paniguradong dobleng paghahanda rin naman ang ginawa ng mga organizers ng event. In this case, it’s the Sparkle GMA Artist Center.

Kaya naman paggugugulan mo ito ng creativity, oras, energy, and even datung! ’Cause that’s where the fun is. Mereseng uncomfortable, pangangatawan mo ang napili mong i-portray na character for one whole night of revelry.

Kaya malaking bagay din na kaya mong dalhin nang napili mong look.

At yan ang mga sina-alang-alan naming sa pagpili ng aming Top 10 Best Costumes para sa kauna-unahang Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na may temang The Sparkle Spell (Ghosting Made Fun).

Here are pikapika’s Top 10:

#1. Sofia Pablo (The Corpse Bride)

Nakakatuwang marinig kay Sofia na pinili niya ang costume niya dahil naging paborito niya ang character na si Emily sa The Corpse Bride. Pinag-isipan at binagay sa kanyang edad ang magiging costume niya. At kahit nilagyan siya ng makeup na kailangan magmukha siyang patay, cute pa rin ang dating kaya wagi para sa amin ang batang ito.




2. Miguel Tanfelix (Edward Scissorhands)

Plinano nang maayos at na-achieve ni Miguel ang maging si Edward Scissorhands. Mula sa buhok, make-up, damit at hanggang sa mga scissorhands, pinaghandaan ito ng aktor kaya naman isa siya sa may pinag-usapang costume sa gabi ng Sparkle Spell.




3. Andrea Torres (Ursula)

Hindi namin nakilala si Andrea noong rumampa ito sa blood carpet. Binigyan niya ng saril niyang spin ang maging si Ursula the Sea Witch. Ginawa niya itong sexy para bumagay sa kanyang personality. At hindi rin natakot ang aktres na kulayan ng purple makeup ang kanyang mukha at katawan para ma-achieve ang sexy sea witch look.




4. Alden Richards (Squall Leonhart)

Dahil isang hardcore gamer si Alden, alam mo nang isang character mula sa kanyang paboritong laruin ang magiging costume niya. Bumagay sa aktor ang napili niyang si Squall Leonhart dahil bukod sa kumpleto ang look ay pareho silang guwapo, na mukhang mahiyain pero may tinatagong kapilyuhan.




5. Jak Roberto (Wolverine)

Bagay na bagay kay Jak ang maging si Wolverine dahil ang kailangan lang niya ay balbas, lumang maong, mga blades sa kamay at ang pinakaimportante: totoong abs sa tiyan at mga muscles braso. Ito na siguro ang pinakapraktikal na costume basta meron ka lang abs na idi-display.




6. Myrtle Sarrosa (Lorelei)

Hindi p’wedeng mawala ang Cosplay Princess na si Myrtle sa listahan dahil hindi siya nagtitipid sa isusuot niyang costume. Bilang cosplayer, handa parati ito sa kanyang mga characters at bagay sa kanya ang napili niyang si Lorelei. Bukod sa makulay ito, sexy pa ito at achieve ng aktres ang figure na iyon para i-display sa anumang Halloween event.




7. Liezel Lopez (Jessica Rabbit)

Kung sinuman ang gagaya kay Jessica Rabbit ay kailangang maging kasing-sexy ni Ms. Rabbit. At hindi naman nabigo si Liezel na mapantayan ang kaseksihan ni Jessica. Mula sa red hair, sexy gown with slit—at bitbit pa niya si Roger Rabbit—oozing with sex appeal ang aktres sa blood carpet.




8. Martin del Rosario (Joker)

Naging mabenta ang Joker character sa event at para sa amin, pinaka na-achieve ito ni Martin. Joker ni Jared Leto sa Suicide Squad ang napili ng aktor at nabuo niya ang costume nito pati na sa makeup. Nadala rin kasi ng sexy-naughty personality ng aktor ang pag-channel niya as Joker.




9. Rodjun Cruz (Two-Face)

Pinakamagandang face makeup para sa amin ang ginamit kay Rodjun para makuha ang hitsura ni Two-Face. Swak din ang costume na suot niya at para makumpleto, achieve din ng aktor ang angas ng kanyang napiling character for the blood carpet.




10. XOXO (Teletubbies/Telebaddies)

Pinaka-colorful at pinaka-cute na costume ang suot ng XOXO pero binigyan nila ng twist ang pagiging adorable ng mga Teletubbies. Nag-transform sila into Telebaddies na extra point para sa amin for creativity.

 

Marami pang dapat banggitin at parangalan dahil sa kanilang creativity at dedication to join in the fun. Best in effort din naman sila. Kaya’t para sa amin, wagi din ang pangangabog nina:  Ysabel Ortega bilang Black Swan, si Ken Chan sa napaka-witty niyang idea na dumating as Ken Doll, Lucho Ayala as Cyclops, Thea Astley as Chuckie Doll, at Ella Cristofani in her The Bride: Kill Bill ensemble. 

Next year ulit!

Congrats, Sparkle!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.