Soon-to-be mom na si Assunta De Rossi, nakakaranas daw na kapusin ng hininga

PHOTOS: @assuntaledesma on Instagram

PHOTOS: @assuntaledesma on Instagram

Nakakaranas daw ang aktres at soon-to be mom na si Assunta De Rossi na kapusin ng hininga dala ng kanyang pagbubuntis. 

Nasa ika-walong buwan na kasi ng kanyang pregnancy ang aktres at next month ay nakatakda nang manganak.

Sa kanyang Instagram post kahapon, September 23, nag-share ang 37-year-old Filipina-Italian celebrity ng kanyang nararamdaman nang s'ya ay magpa-check up. 

"Today was check-up day," pahayag ni Assunta sa kanyang post that came with a photo kung saan naka-facemask and face shield s'ya.

"It’s tough to be experiencing shortness of breath, pregnancy rhinitis plus I’m claustrophobic pa," salaysay pa n'ya. 

Gayunpaman, happy naman daw ang award-winning actress dahil marunong daw makisama ang kanyang baby girl.

"Mabuti at napakabait ni bagets, hindi ako binibigyan ng problema," sey pa ni Assunta. "Ang swerte-swerte ko!!! Everything’s good, kaya smile pa rin! Konti na lang... #8monthspregnant #miraclebaby"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma) on

Agree naman ang soon-to-be tita na si Alessandra De Rossi na sister ni Assunta sa kanyang naging komento sa post ng aktres. Nakuha pa nitong magbiro na naging mabait din daw s'ya noong ipinagbubuntis s'ya ng mom nila. 

"Of course. Pangalan pa lang alam mo nang mabait yan. Pls take note mabait din ako sa pregnancy ni @ermatsko," hirit ni Alex [nickname ni Alessandra].

SCREENSHOT: @assuntaledesma on Instagram

Matatandaan na nito lang May ay inanunsyo ni Assunta na s'ya ay 14 weeks pregnant.  Sinabi rin n'yang tatawagin n'yang “Fiore" na nangangahulugang "flower" sa Italian ang kanyang baby girl.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.