"Sorry" vlog ni Xian Lim noon, para daw sa mga nangne-nega sa sarili

"Nag-self-reflect lang talaga ako. Honestly, walang anything. I didn’t do it for the views. It’s more on parang… A letter to myself. And it’s a reminder na sana, sa makakapanood nito, 'wag sana silang hard sa sarili nila. Sometimes gano’n tayo, lalo na ngayong pandemic.”—Xian on his "I made a mistake" vlog.

Photos: @xianlimm / Screengrab @XianLim8 YouTube

"Nag-self-reflect lang talaga ako. Honestly, walang anything. I didn’t do it for the views. It’s more on parang… A letter to myself. And it’s a reminder na sana, sa makakapanood nito, 'wag sana silang hard sa sarili nila. Sometimes gano’n tayo, lalo na ngayong pandemic.”—Xian on his "I made a mistake" vlog.

Ipinaliwanag ng actor/director at bida ng GMA Primetime series na Hearts On Ice na si Xian Lim kung ano talaga ang nag-udyok sa kanya kung bakit siya gumawa ng "sorry-to-self" vlog sa pagpasok ng taon.

Dahil kasi sa vlog, na may titulong "I made a mistake," maraming nag-alala para sa aktor. Maging ang mga KimXi (Kim Chiu-Xian Lim) fans at nabahala rin noon dahil baka umano may pinagdadaanan ang relasyon nila ng girlfriend na si Kim.

Sa mga nakapanood ng nasabing vlog, naging malinaw naman na sa sarili n'ya siya humihingi ng tawad; malinaw din ang mga rason kung bakit niya ginawa ang vlog.

At sa nakaraang media conference ng Hearts On Ice, kung saan nakaharap namin ang actor after a long time, humingi pa rin kami ng ilang detalye at back story ukol sa passionately-made vlog niyang iyon.

“’Yung 'I’m Sorry, I made a mistake'... gumagawa rin kasi ako ng podcast ngayon. 'Yung buong podcast ko is about life’s lessons...ng mga pinagdaanan ko. Mga ups and downs sa buhay. 

“I think, it’s just na parang nag-self-reflect lang talaga ako. Honestly, walang anything. I didn’t do it for the views. It’s more on parang… A letter to myself.  And it’s a reminder na sana, sa makakapanood nito, 'wag sana silang hard sa sarili nila. Sometimes gano’n tayo, lalo na ngayong pandemic.”

(His podcast is called "Experience Life" on Spotify.)

Biro pa namin, napaka-intense kasi nang pagkaka-present niya ng vlog kaya ang naging dating ay may malalim siyang pinaghuhugutan that time.

Nakangiting sabi naman ni Xian: “Because we always do negative self -thought.  Ako, I always do negative self- thought. And I always compare myself to others.

“Maybe, others are feeling this way as well. Maybe, they need to hear this too, kaya ko ginawa 'yong 'I’m Sorry… I made Mistake [vlog]'. And it’s like saying sorry sa sarili ko kasi, maya’t-maya, e, may negative self-thought ako which I tried not to.”

Binigyang-diin ni Xian na wala raw talagang partikular na nangyari a kanya that time na nag-trigger sa kanya para mag-post ng naturang short video.

“With everything lang na after nagka-pandemya, lahat-lahat na gano’n, self-realization lang.” 

Samantala, kasalukuyan nang umeere ang Heart on Ice, na nag-pilot noong March 13, weekdays at 8:50 pm sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Xian Lim and Ashley Ortega headline the country’s first figure skating drama, Hearts on Ice

Xian Lim sa mga naiinip sa kasal nila ni Kim Chiu: “We do understand where they are coming from...”

Xian Lim, mas kinikilig kapag tinatawag na "Direk Xian"

Xian Lim, magpapa-presscon pag ia-anunsyo na ang kasal?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.