Sparkada Michael Sager at Sean Lucas, future matinee idols ng GMA

Si Michael Jericho Sager is 19 years old and hailed from Vancouver, Canada. Naka-base na ngayon sa Pilipinas si Michael dahil sa hangad nitong ma-penetrate ang local entertaiment business. Ang 18-years old naman na si Sean Lucas ay from Davao City. Nakatapos siya ng high school sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus at kasalakuyang industrial engineering student sa De La Salle University.

PHOTOS: @michaelsager_ & @seanlucas__ on Instagram

Si Michael Jericho Sager is 19 years old and hailed from Vancouver, Canada. Naka-base na ngayon sa Pilipinas si Michael dahil sa hangad nitong ma-penetrate ang local entertaiment business. Ang 18-years old naman na si Sean Lucas ay from Davao City. Nakatapos siya ng high school sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus at kasalakuyang industrial engineering student sa De La Salle University.

Future matinee idols ng Kapuso network ang SPARKADA stars na sina Michael Sager at Sean Lucas

Kapwa nila taglay ang boy-next-door image kaya naman pareho silang sinama sa upcoming teen drama series ng GMA na LUV IS: Caught In His Arms na pinagbibidahan ng Sparkle Love Team na AlFia nina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Parehong aktibo sa social media sina Michael at Sean. Sa katunayan ay umani na ng million views ang kanilang mga pinost na TikTok videos at dumarami na ang kanilang followers on Facebook and Instagram.

Mas kilalanin pa natin kung sino sina Michael at Sean...

Si Michael Jericho Sager is 19 years old and hailed from Vancouver, Canada. Naka-base na ngayon sa Pilipinas si Michael dahil sa hangad nitong ma-penetrate ang local entertaiment business.

Kahit na alam ni Michael na maraming gusto maging artista, wala raw masama kung sumubok siya at sinuwerte naman siyang mapasama sa SPARKADA ng Sparkle GMA Artist Center.

"It's hard to predict the future po of course since there are lots of artists but I know one thing for sure is that I will work hard, put all my effort, hard work, and time to really stand out. And of course, I believe in the quote, 'Hard work beats talent when talent doesn't work hard," sey pa ni Michael.

Sa social media siya unang napansin dahil sa kanyang pagsayaw at sa charming personality niya. Noong mapapanood na siya sa ilang shows ng GMA, mas nagkaroon daw ng interes sa kanya ang maraming netizens na ikina-overwhelm daw niya.

“To a certain extent I am slowly getting used to being a public figure but it has been a learning curve,” ani Michael. “I remember when I was younger, hindi ako sanay na maging center ng attention so for sure may adjustment period ako right now. Medyo mas heightened ’yung self-awareness ko since joining showbiz but I also want to make sure I'm still being authentic to who I am. There is more to consider nowadays but I do want to present my genuine personality to the public.”

Ang kanyang chinky eyes at cute dimples ang siyang gustung-gusto ng netizens kay Michael. Big compliment nga raw iyon para sa Fil-Canadian newbie.

"It's very flattering, pero nahihiya pa din ako minsan. I grew up shy so I never expected this type of reception from fans. However, I am very grateful for all the kind comments that I have been receiving.”

Bago siya sinama sa LUV IS: Caught In His Arms as Sean Owen Ferell, nasubukan na ang acting and dance skills ni Michael nang lumabas siya sa episode na "Tikitoktok" ng Daig Kayo Ng Lola Ko with Jillian Ward.

Dahil sa sunud-sunod na trabaho ni Michael, minsan daw ay nami-miss niya ang simpleng buhay niya sa Canada kasama ang pamilya at mga kaibigan: “I do miss life in Canada. I miss my family and the friends that I grew up with. It's a different environment so I look forward to spending some time in nature when I visit. I also really miss the food, but hopefully I'm able to go back for a vacation soon."

Ang 18 years old naman na si Sean Lucas is from Davao City. Nakatapos siya ng high school sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus at kasalakuyang industrial engineering student sa De La Salle University.

Dahil sa natural charisma at unique humor niya kaya isa siya sa napiling makasama sa SPARKADA. Pinakita rin ni Sean na kaya niyang mag-excel sa pagsayaw, pagkanta, at pag-arte.

“Siguro po before, sa school, I dabbled po in singing and dancing rin, aside from acting. But, there’s so much more to improve. Siguro what made me stand out talaga was my curiousity rin as someone na first-timer sa showbiz. So, I was very eager to learn and improve. Tsaka, I’d like to say po siguro, my sense of humor.

"I feel very honored and at the same time pressured, pero it's a good pressure naman po kasi may nakita si Mr. M (Johnny Manahan) and siguro challenge na rin sa akin na makita ko iyon sa sarili ko," sey ni Sean.

Inamin ni Sean na idolo niya ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix. Noong mag-audition daw siya, monologue ni Miguel mula sa isang teleserye nito ang inarte niya.

Ang galing kasi umarte ni Miguel. And aside from that, what I really idolize about him is sobrang galing niya rin talagang sumayaw. At tsaka in terms of fashion din, ang galing niya pumorma. Noong audition ko nga po, 'yung monologue niya po 'yung ginamit ko kasi sobrang ina-idolize ko po talaga siya do'n."

Napasabak nga raw agad si Sean sa acting nang isama siya sa cast ng LUV IS: Caught In His Arms. Lahat daw ng natutunan niya sa acting workshop ay ginamit niya. Nakaramdam lang daw siya ng kaba dahil sa unang acting experience.

Unang sabak ko sa acting at nawindang ako noong una pag dating sa set dahil sa dami ng camera, ng mga ilaw at mga tao. I felt the pressure talaga, but it’s good kasi I’m with my SPARKADA co-stars at naka-adjust naman ako agad.

"Ako‘yung pinakabata kaya maingay ako at makulit ang role ko as Troy Alvia Ferell. Cheerful ’yung character ko, so na enjoy ko siyang i-portray. Masayahin siya and he’d seem shallow at first, but later on, he’s so much deeper pala.”

Tulad ni Michael, nami-miss din daw ni Sean ang pamilya niya na naka-base sa Davao.

May times na naho-homesick ako. Pero unti-unti naman po akong nakaka-adjust na sa buhay ko rito sa Manila. I’m now also in first year college taking up industrial engineering. I want to finish my college then work with my dad’s company.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sparkada's Sean Lucas and Raheel Bhyria, kapwa nangangarap na maging leading lady si Heart Evangelista

Sparkle makes a splash this summer with their newest “Sparkada”

Tanya Ramos, proud na nakapasa sa audition ng Sparkle; isinikretong anak siya ni Wendell Ramos

Showbiz newbies na sina Lauren King at Caitlyn Stave, na-bash sa pagiging mga tisay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.