Sparkle teen star Bryce Eusebio, too focused sa career at pag-aaral kaya hanggang crush lang muna kay Sofia Pablo

Nagsimula bilang child actor si Bryce sa ABS-CBN series na Be Careful With My Heart noong 2014. Noong mapunta siya sa GMA, naging parte siya ng mga teleserye na Oh, My Mama!, Destined To Be Yours, Haplos, My Guitar Princess, My Special Tatay, and The Better Woman. Pagkatapos siyang mapanood bilang batang Paolo Contis sa I Left My Heart In Sorsogon, nasundan ito ng Raising Mamay at ngayon naman ay kasama siya sa upcoming GMA Afternoon Prime teleserye na Nakarehas Na Puso na pinagbibidahan ni Ms. Jean Garcia.
 Bukod sa bagong teleserye, kasama rin si Bryce sa second episode ng month-long anniversary ng Regal Studio Presents na “Eat Must Be Love" kunsaan co-stars niya sina Almira Muhlach at Jana Taladro.

Photos: @bryce_eusebio

Isa sa busiest teen actor ngayon ng Kapuso network si Bryce Eusebio. Sunud-sunod ang TV shows ng 16-year old Sparkle teen at nagpapasalamat ito sa mga blessings na dumarating sa kanyang career.

Pagkatapos siyang mapanood bilang batang Paolo Contis sa I Left My Heart In Sorsogon, nasundan ito ng Raising Mamay at ngayon naman ay kasama siya sa upcoming GMA Afternoon Prime teleserye na Nakarehas Na Puso na pinagbibidahan ni Ms. Jean Garcia.

Bukod sa bagong teleserye, kasama rin si Bryce sa second episode ng month-long anniversary ng Regal Studio Presents na “Eat Must Be Love" kunsaan co-stars niya sina Almira Muhlach at Jana Taladro. 

Happy si Bryce sa magkakasunod na trabahong binibigay sa kanya. Parang normal na raw sa kanya ang mag-lock-in taping parati.

“I’m very thankful sa GMA at palagi pa din po nila ako pinagkakatiwalaan hanggang ngayon. Kaya sa lahat ng binibigay nila ay itinuturing ko pong blessing lahat. Mas nasusubukan ko po ang iba’t-ibang roles at napapasaya ko po ang mga supporters ko.

"Nasanay na nga po ako sa lock-in taping. Para po kasi kaming isang pamilya tuwing may lock-in taping. Enjoy po kasing magtrabaho kapag masaya ang mga kasama mo sa paligid. Kahit na nami-miss mo ang family at friends mo dahil nasa lock-in taping ka, nandiyan naman ang mga co-stars mo na nagpapasaya sa iyo. Nakakatulong po sila para hindi tayo ma-homesick," ayon kay Bryce.

At kahit naging sunud-sunod ang projects ni Bryce, hindi nito napapabayaan ang pag-aaral niya. Noong nakaraang June, naka-graduate na sa junior high school ang teen actor mula sa Inocencio School in Pasig City. 

Bukod sa diploma, natanggap din ni Bryce ng Loyalty Award sa virtual moving up and graduation ceremony nila para sa academic year 2021-2022.

"Naka-set po ang mind ko to focus sa mga kailangan and I don’t allow any distractions po. Time management lang din po like kunwari wala pong shoot, dun ko po ginagawa mga missed activities ko po, kaya wala akong nami-miss na school work kahit na online ang classes namin," sey pa ng teen actor.

Sa edad na 16, wala pa raw planong magkaroon ng girlfriend si Bryce. Hanggang crush lang daw muna siya. Inamin niya na crush niya ang mga Kapuso stars na sina Sofia Pablo at Bianca Umali.

Nagsimula bilang child actor si Bryce sa ABS-CBN series na Be Careful With My Heart noong 2014. Noong mapunta siya sa GMA, naging parte siya ng mga teleserye na Oh, My Mama!, Destined To Be Yours, Haplos, My Guitar Princess, My Special Tatay, and The Better Woman. 

Lumabas din si Bryce sa mga shows na Magpakailanman, Stories For The Soul, Usapang Real Love, Daig Kayo Ng Lola Ko, Dear Uge, Tadhana at Pepito Manaloto. 

Aktibo rin si Bryce sa pag-post ng photos at videos social media. Meron na siyang 615.8K followers on Tiktok at 105K followers on Instagram.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.