Spotted: Rumored sweethearts Ruru Madrid at Bianca Umali, magkasamang nanonood ng Bench Fashion Show

As early as October last year ay nali-link na sina Ruru Madrid at Bianca Umali—na kilala na ngayon sa uniname nilang RuCa—pero tila hindi pa maka-amin dahil sa mga commitments nila sa respective careers nila.

PHOTOS: Anna Pingol

As early as October last year ay nali-link na sina Ruru Madrid at Bianca Umali—na kilala na ngayon sa uniname nilang RuCa—pero tila hindi pa maka-amin dahil sa mga commitments nila sa respective careers nila.

Namataan ng pikapika.ph sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa last day ng taunang Bench Fashion Week 2019 na ginanap kagabi, September 1, sa Bench Tower sa BGC.

Nang papatapos na ang show ay magkasabay na lumalabas ng venue ang dalawa pero dahil sa dami ng tao at dahil sa mga salitang magpapa-picture sa kanila ay naantala ang paglabas nila. 

May mga pagkakataong hinihintay ni Ruru na matapos makapag-picture-taking si Bianca habang tsumitsika naman siya sa ilang kakilala. 

Nakita pa naming gustong magpa-picture ni Bianca kay Mr. Ben Chan ng Bench at si Ruru pa ang umaktong photographer nito.

Ruru even served as photographer when Bianca wanted a picture with Ben Chan.

 

Si Ruru ay endorser ng Bench underwear kaya expected ang presence nito sa event bilang pagsuporta sa kanyang Bench Family. Pero si Bianca ay hindi kaya malamang at isinama ito ni Ruru.

This writer arrived at the venue late pero ayon sa isang source na nakakita sa kanilang pagdating ay magka-holding hands daw ang dalawa nang pumapasok sa venue. Magkatabi rin sila sa upuan althroughout the 2-hour show.

As early as October 2018 ay may bulung-bulangan na nagkakamabutihan ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid and that’s two after matapos ang huling pinagtambalan ng BiGuel loveteam (Bianca at Miguel Tanfelix) na Kambal Karibal.

November 2018 naman nang may maglabasang pictures nina Bianca at Ruru na kuha ng isang Netizen sa isang beach sa Siargao diumano. 

 

Tikom ang bibig ni Ruru tuwing matatanong tungkol kay Bianca at ganun din naman si Bianca. 

Ang balita namin ay kinausap na ng mga bosses ng GMA-7 ang dalawa noong bago palang i-launch ang teleseryeng Sahaya na pinagbibidahan ng may sure following na BiGuel loveteam (Bianca and Miguel Tanfelix) at pinakiusapang wag muna masyado ilantad ang relasyon dahil baka maka-apekto sa big-budgeted pa namang teleserye.

Masusundan pa kaya ang public sightings sa dalawa na pinangalanan ng mga fans as the RuCa couple? Unti-unti na kaya silang lumalantad dahil papatapos na ang Sahaya?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.