Star for All Seasons Vilma Santos, looking forward maka-trabaho sina Coco Martin, Jericho Rosales, at Derek Ramsay

At kung karamihan ng mga artista, mapa-seasoned actors man o mga baguhan, ay pinapangarap na makasama sa isang proyekto ang Star for All Season at Batangas 6thDistrict representative, si Ate Vi ay may wish list din pala na gustong maka-trabaho at iyon ang lumalabas sa mga choices niya sa katuwaang “Jojowain/Totropahain” pa-game ng daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola.

Photos: Instagram

At kung karamihan ng mga artista, mapa-seasoned actors man o mga baguhan, ay pinapangarap na makasama sa isang proyekto ang Star for All Season at Batangas 6thDistrict representative, si Ate Vi ay may wish list din pala na gustong maka-trabaho at iyon ang lumalabas sa mga choices niya sa katuwaang “Jojowain/Totropahain” pa-game ng daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola.

Pati ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay napasabak na rin sa “Totropahin o Jojowain Challenge!” At ito ay naganap sa newly-uploaded YouTube vlog ng daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola, na proud na proud dahil napapayag niya si Ate Vi, along with tatlo pa nilang kasama sa bahay.

Ang asawa ni Jessy na si Luis Manzano ang nag-host ng palaro at taga-sabi ng pangalan ng mga guwapong local and international celebrities.

At kung karamihan ng mga artista, mapa-seasoned actors man o mga baguhan, ay pinapangarap na makasama sa isang proyekto ang Star for All Season at Batangas 6thDistrict representative, si Ate Vi ay may wish list din pala na gustong maka-trabaho at iyon ang lumalabas sa mga choices niya sa katuwaang game.  

Hindi raw niya jojowain si Coco Martin dahil hindi niya ito masyadong kilala. Pero wish daw  niyang maka-trabaho ito in the future. 

Binigyan ng ideya ng anak niya na si Luis Manzano si Ate Vi na mag-guest ito sa Ang Probinsyano tutal ay nandoon na si Megastar Sharon Cuneta.  

Pangalawa sa totropahin lang niya ay si Jericho Rosales na dapat daw pala ay siyang original na gaganap sa role noon ni Piolo Pascual sa pelikula nilang Dekada ’70. 

“Alam n’yo, trivia, dapat ’yung role ni Piolo sa Dekada ’70, dapat kay Jericho. Kasi, noong nag-storycon kami or something, si Jericho pa ang um-attend no’n and that’s the first time we met.”

At dahil naunsyami nga ang pagta-trabaho nila together kaya looking forward daw siyang maka-work ang magaling na aktor. 

“So looking forward na makasama ko siya sa pelikula. Very good actor.” 

Medyo naiba ang sagot ni Ate Vi pag dating kay Derek Ramsay dahil “jojowain” ang choice na pinili niya. 

“Looking forward ako na makasama siya,” tsika niya. “Kasi, I think, there was one time na nagkaroon siya ng presscon, tinanong siya kung sino ang gusto niyang makasama sa pelikula, I think, he made mention na ako.  

“Tapos tinext pa ‘ko ni Manay Lolit [Solis] noon na ‘Favorite ka pala ni Derek.’ So, looking forward na sana magka-trabaho tayo.” 

Samantala, kahit napapangitan sa termino ay “dyinowa” na raw niya noong araw si Bobot Mortiz kaya pass na siya. Energetic na “Jojowain!” naman ang naging sagot niya kay Hollywood actor Richard Gere na matagal na niyang crush. May pa-trivia pa na meron daw siayng personalized autographed photo nito na in-effort makuha ng kanyang brother-in-law na taga-Amerika.

“Jojowain yan, grabe!” ang sagot niya kay James Bond star Pierce Brosnan at “sino na naman ang hindi dyodowain yan?” ang naging tanong niya pag dating kay Brad Pitt.

Kahit daw maraming beses na silang magkatrabaho ni Christopher de Leon ay “jojowain” ang pinili niyang sagot; habang totropahin naman ang mga “anak-anakan” niyang sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Xian Lim.

Nagreklamo na naman siya nang ibagsak ang name ni George Clooney: “Oh, my gosh naman...ang binibigay n’yo naman pang-dowa naman, e. George Clooney ’yan! Sino naman ang hindi dyo-dyowa din yan?”

Pero pinaka-classic ang sagot niya kay Korean superstar Hyun Bin dahil may kasama itong paghinga muna ng malalim na ikinatawa ni Luis.

“Dyowa!” deklara niya. “Guwapo talaga...guwapito talaga for an Asian...” However, hindi niya type si Lee Min Ho. Loyal daw siya kay Hyun Bin. Pero binasag din iyon ni Gong Yoo nang ma-realize niyang ito pala ’yong napanood niya sa Train to Busan.

At dahil kapwa-Batangueño ay totropahin lang daw niya sina Aljur Abrenica at Joshua Garcia. Si Ken Chan ay parang hindi niya sinagot dahil nalibang na siya sa pagti-trivia niya na fan siya ng RitKen tandem nila ni Rita Daniela at na-touch siya nang lapitan siya ng mga ito nang minsang dumalaw siya sa GMA-7.

Si Daniel Padilla ang huling nabanggit na pangalan (bukod kay Luis Manzano) at para kay Ate Vi, sa nakikita daw niyang pag-aalaga nito kay Kathryn Bernardo at very “jojowain” material ito.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.