Steamy love scenes nina Gerald Anderson at Ivana Alawi sa A Family Affair, baka hindi maikasa sa free TV?

Bilang tungkol sa pamilya nga ang tema ng A Family Affair, natanong ang aktor ng opinyon niya kung isang “must” ba na maka-sundo ng miyembro ng pamilya ng isang lalaki ang girlfriend nito. “Sana, sana magkasundo kasi parehas mo silang mahal. Mahirap ‘yung kapag hindi sila magkasundo dahil mahal mo ang pamilya mo pero mahal mo rin ang girlfriend mo o partner. “I think trabaho mo rin kung paano sila magkasundo. Dapat masaya lahat. Wala kang iiwasan kasi itong partner mo ay partner mo habambuhay,” paliwanag ni Gerald.

Photos: @andersongeraldjr

Bilang tungkol sa pamilya nga ang tema ng A Family Affair, natanong ang aktor ng opinyon niya kung isang “must” ba na maka-sundo ng miyembro ng pamilya ng isang lalaki ang girlfriend nito. “Sana, sana magkasundo kasi parehas mo silang mahal. Mahirap ‘yung kapag hindi sila magkasundo dahil mahal mo ang pamilya mo pero mahal mo rin ang girlfriend mo o partner. “I think trabaho mo rin kung paano sila magkasundo. Dapat masaya lahat. Wala kang iiwasan kasi itong partner mo ay partner mo habambuhay,” paliwanag ni Gerald.

Wish granted para kay Gerald Anderson ang TV series na A Family Affair dahil tungkol sa pamilya ang tema nito.

Sa solo virtual mediacon ni Gerald nitong Martes ng gabi, May 31, ay inamin niyang kaagad niyang nagustuhan ang proyekto nang i-pitch ito sa kanya dahil relate na relate siya sa kuwento.

“’Yung pagmamahal ni Paco [karakter ko] sa pamilya niya, pagiging competitive, gusto niya maging successful lahat ng ginagawa niya, tapos binigyan ako ng tatlong brother na mayroon kaming kanya-kanyang conflict,” bungad ng aktor.

Ang gaganap na mga kapatid ni Gerald ay sina Sam Milby bilang panganay, ikatlo si Jake Ejercito, at bunso si Jameson Blake. Silang apat ay inaalagaan ang nag-iisa nilang leading lady na si Ivana Alawi.

Ayon sa aktor ay parang magkakapatid talaga ang turingan nilang lahat sa set dahil kung ano ’yung karakter nila sa A Family Affair ay ganu’n din sila off-camera.

“Sana makita iyon sa harap ng camera kapag ipinalabas na itong series,” saad ng binata.

Bilang tungkol sa pamilya nga ang tema ng A Family Affair, natanong ang aktor ng opinyon niya kung isang “must” ba na maka-sundo ng miyembro ng pamilya ng isang lalaki ang girlfriend nito.

“Sana, sana magkasundo kasi parehas mo silang mahal. Mahirap ‘yung kapag hindi sila magkasundo dahil mahal mo ang pamilya mo pero mahal mo rin ang girlfriend mo o partner.

“I think trabaho mo rin kung paano sila magkasundo. Dapat masaya lahat. Wala kang iiwasan kasi itong partner mo ay partner mo habambuhay,” paliwanag ni Gerald.

Paano naman kung nangaliwa ang lalaki, deserve ba siyang bigyan ng second chance ng girlfriend niya?

“Kailangang patunayan mo uli na karapat-dapat kang pagkatiwalaan uli. Mahirap ’yun.

“That’s hard kasi nasira na ’yung trust, e, kumbaga may lamat na ’yun, e. Ang pinaka-importante is stay together. Kaya naman, but hindi siya madali.

“You just have to earn the trust again, start from zero, hindi lang zero, negative [zero] pa ’yan, di ba? Kailangan mong patunayan uli ’yung sarili mo,” pag-e-elaborate pa ng aktor.

Samantala, base sa paglalarawan ng isa sa dalawang direktor ng A Family Affair na si Direk Jerome Pobocan—bukod kay direk Raymund Miranda—ay steamy umano ang love scenes nina Gerald at Ivana bilang mag-asawa sila sa istorya.

“’Yung love scenes nina Gerald at Ivana dito I can say na steamy. P’wedeng pang-Netflix version ito. Pag sa free TV kasi may limitations, e,” esplika niya.

Napapangiti lang si Gerald sa pahayag na ito ng direktor pero aniya nagpapasalamat siya dahil pinagkatiwalaan siya sa proyektong ito kasama si Ivana na aniya ay sobrang mabait sa lahat.

Anyway, may 16 years na si Gerald sa showbiz industry kaya natanong siya kung sino ang mga itinuring niyang pamilya na niya sa industriya kahit hindi niya kadugo.

“Si Sam [Milby]!  Matagal kong kilala na nagkatrabaho kami sa Dyesebel (2014), hindi nga kami masyadong magka-eksena no’n kasi merman siya. So, sa dagat siya, ako sa lupa. Kaya bago kami mag-take sabi namin na, ‘Bro, gandahan natin ’to.’  Si Rayver [Cruz] na nasa kabila ngayon but isa siya sa naging close ko rin,” pagtatapat ng aktor.

Samantala, mapapanood na ngayong Hunyo ang A Family Affair sa Kapamilya Channels.

 

YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: These fab photos of Gerald Anderson are taken by his girlfriend Julia Barretto

Julia Barretto, magye-yes daw agad kung sakaling mag-propose na ng kasal si Gerald Anderson

Julia Barretto, napatili sa Rolex watch na natanggap mula kay Gerald Anderson noong Pasko; regalo sa inang si Marjorie, priceless na kuwintas naman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.